MISTERYONG BUMABALOT KAY SATANAS crdts. to the owner Sino si Satanas? Siya ba ay totoo o kathang-isip lamang? Sa Bibliya, siya ang itinuturing na kontrabida ng Diyos, pero walang makapagsabi kung saan siya nagmula at kung sino ang lumikha sa kanya. Maliban dito marami pang misteryo kaugnay kay Satanas na hindi pa nabibigyang liwanag. May nagsasabi na si Satanas ang ahas sa Garden of Eden na siyang nagbuyo kay Eba na kainin ang ipinagbabawal na prutas. Pero walang direktang sinabi sa Bibliya na si Satanas o ang demonyo ang ahas. Dahil sa kontrabida nga, nag-assume ang marami na si Satanas yun kasi siya ay masama. Ayon sa Genesis, ang ahas ang "cleverest of the beasts of the field." May paniwala ang ilang biblical scholars na ang ideya ni Satanas ay hindi pa nabubto noong panahon ng Genesis. Pero kung hindi ang demonyo ang ahas, sino siya? Isa lang ba siyang ahas na marunong magsalita at naiintindihan ng tao? May nagsasabi naman na si Lucifer ang ahas. Ayon sa Genesis, pinarusahan ng Diyos ang ahas. Ang parusa sa kanya ay kailangan niyang gumapang. Kung si Lucifer ang ahas, bakit hindi siya gumagapang? Sa 2 Samuel 24, nagalit ang Diyos sa Israel kaya nagpadala ito ng salot. Inutusan niya si Haring David na magsagawa ng census. Pero sa 1 Chronicles 21 sinabi na si Satanas ang humimok kay David upang magsagawa ng Census. Magkakontra ang dalawang verse na ito. Sino ba talaga ang nag-utos na magsagawa ng census? May nasasabi naman na nakagagawa lamang si Satanas kung mayroon itong pahintulot mula sa Diyos. Kaya kung sinabihan umano ni Satanas si Haring David na magsagawa ng census ito ay dahil pinahintulutan siya ng Diyos. Isang paliwanag naman ang nagsabi na maaaring ang mga Hudyo ay naimpluwensyahan ng Zoroastrianism nang sila ay ipatapon sa Babylonia. Ang Zoroastrianism ay naniniwala sa magkalabang puwersa. Ang nagsulat ng Chronicle ay maaaring naimpluwensyahan umano kaya si Satanas ang naging responsable sa pagsasagawa ng census. Ang Satan ay isang salitang Hudyo na ang ibig sabihin ay "adversary" o "accuser." Hindi ito ginamit na pangalan sa Lumang Tipan at madalas na ginagamit sa tao. Gaya halimbawa ni Haring Rezon ng Syria na sinasabing isang "Satan" ni Haring Solomon. Mayroon ding angelic creature na tinatawag na "The Satan" na nagsisilbi bilang isang prosecutor. Halimbawa rito ang pagpayag ng Diyos kay Satan na i-prosecute si Job upang malaman kung mananatili ang paniniwala nito sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok. Ang salitang devil o diablos ay nangangahulugan ding "accuser" at mula sa salitang Griyego. Sa paglipas ng panahon ay itrinato ang salitang Satan na isang pangalan. Kaya ang tanong ay kung ano ang pangalan ng Satan o ng demonyo? Ang alam nating lahat si satanas ang lider sa impyerno. Dito niya pinapahirapan ang kaluluwa ng mga tao na hindi naging mabuti noong sila ay buhay pa. Paano tayo nakasisiuro na totoo ito? Walang sinabi na ganito sa Bibliya pero ito ang nakagisnan natin. Iniugnay si Satanas sa impiyerno dahil ang sabi doon siya napunta matapos ang final judgment. Ang pinakamalapit na paliwanag kung bakit naging hari ng impiyerno si satanas ay dahil itinulad siya sa mga Greco- Roman na sina Hades at Pluto. Isa ring teorya ay impluwensya ito ng Zoroastrianism kung saan ang demonyong si Angra Mainyu ang nagpapahirap sa mga masasama sa kabilang buhay. Ang tanong ay kung totoo ba talaga na meron impiyerno o wala? Ang angelic na "the satan" ay dalawang beses na lumabas sa Lumang Tipan. Una nang makipag-usap siya sa Diyos kaugnay sa pagiging matapat na tagasunod ni Job. Pinayagan si ng Diyos na subukin si Job upang malaman kung tatalikuran nito ang Diyos matapos humarap sa mga pagsubok. Ikalawa sa Zechariah, kung saan ang pari na si Joshua ay humarap sa heavenly tribunal. Inakusahan ni satan si Joshua pero ipinagtanggol siya ng mga anghel ng Diyos. Sa dalawang pagkakataon na ito, ay parang nagseserbisyo sa satan para sa Diyos. Pero sa Bagong Tipan, si satan ay itinuturing na prince of demons. Kaya ang tanong ay magkaiba ba ang satan na tinutukoy sa luma at bagong tipan o iisa lang sila. Nag-iba lang ang kanyang role. Sa paniniwala ng iba't ibang kultura, ang demonyo ay mayroong malakas na kapangyarihan. Pero ang satanas ba ang tinukoy sa Bibliya ay mayroon ding kapangyarihan sa lupa? Ayon sa Lumang Tipan, mayroon siyang kakayahan na guluhin o pakialaman ang buhay ni Job. Sa Bagong Tipan, sinuhulan niya si Hesus ng karangyaan para iwanan ang kanyang pagiging Diyos. Minsan ding sinabihan ni satanas si Hesus na gawing tinapay ang bato nang siya ay nagugutom. Sa Mark at Luke ay mababasa ang kapangyarihan ni Hesus na magpalayas ng kampon ng demonyo na sumanib sa tao. Pero para sa ilang sekta ng Kristiyano, walang kapangyarihan si satanas sa lupa. Sa panahon natin ang itsura ng demonyo ay may sungay, nakakatakot at kulay itim. Minsan ay may hawak pa itong pitchfork na iniisip natin na ginagamit niya sa pagpaparusa sa mga masasamang kaluluwa na nasa impiyerno. Yung mga bersyon naman sa cartoon, si satanas ay kulay pula ang balat. Pero ang mga paglalarawang ito ay hindi makikita sa Bibliya. Ang mga paglalarawan sa demonyo ay likha na ng isip ng tao. Ang pagkakaroon ng sungay ni satanas ay maaaring impluwensya ng Greek god na si Pan, na nagdudulot umano ng takot sa mga tao. Ang pitchfork ay maaaring ang trident ni Poseidon. Ang kulay naman ay maaaring kinuha sa red dragon sa Book of Revelation. Wala talagang nakakaalam kung ano ang itsura ni satanas. Sa Islam ang al-Shaytan "The Satan" ay kilala bilang Iblis. Sa Quran ay ginawa ni Allah si Adam mula sa putik at inutusan ang mga anghel na yumuko sa kanyang nilalang. Hindi umano sumunod si Iblis dahil sa paniwala niya na mas mataas siya rito. Si Adam ay ginawa umano sa putik samantalang si Ibis ay mula sa apoy. Nagalit si Allah pero hindi muna niya ito pinatawan ng parusa at hinayaan si Iblis na tuksuhin ang tao. Hindi magkasundo ang mga scholar kung ano si Iblis. Sa Islam ay mayroong tatlong kategorya ng nilalang— ang anghel, tao, at espiritu na kilala bilang jinn, na gawa sa apoy at binigyan ng kalayaan. Sa Quran ay sinabi na inutusan ni Allah ang mga anghel kasama si Iblis kaya sinasabi na isa siyang anghel. Pero sabi ni Iblis siya ay ginawa mula sa apoy kaya siya ay masasabi rin na isang jinn. Mayroong tradisyon sa Sufi Islam na nagsasabi na tama ang ginawa ni Iblis nang hindi ito sumunod kay Allah na yumuko kay Adam. Ang mga anghel ay dapat lamang umanong yumuko kay Allah at hindi sa kung kanino pa man. Bagamat hindi sumunod si Iblis ay ginawa niya ito nang may respeto sa Diyos. Para kay Sufi Ahmad Ghazali, ang ginawa o iniutos ng Diyos kay Iblis ay isang pagsubok. Sinabi ni Ayn al-Qozat Hamadani na nang bantaan ni Allah na parurusahan si Iblis ay sinabi nito na ang hindi niya pagsunod ay dahil sa paniniwala na ito lamang ang dapat na sambahin. Sa Bagong Tipan ay nabanggit ang pagdating ng pekeng messiah na tinawag na antichrist. Iniugnay ang antichrist kay satanas pero sinabi na hindi sila iisang nilalang. Noong medieval period ay umusbong ang paniwala na ang antichrist ay ang kalaban ni Hesus. Kaya kung si Hesus ay anak ng Diyos ang antichrist ay anak ni Satanas. Ang ideya na ang antichrist ay anak ni satanas ay hindi tanggap ng maraming sektor kahit pa sabi sa 2 Thessalonians na ang pagdating ng antichrist ay kagagawan ni satanas. Ano sa tingin mo? Saan nagmula at sino ang lumikha kay Satanas?