[ THE TRUTH ABOUT FREEMASONRY ] By:Blink Disclaimer:Articles here are come from trusted authors around facebook deepweb pages. Kamusta mga ka -DWE ... ANO NGA BA TALAGA ANG FREEMASONRY? Karamihan sa mga taong hindi pa lubos na nauuwaan ang Freemasonry, iniisip nila na isa itong secret society na lihim na kumukontrol sa buong mundo o isang relihiyon na sumasamba kay satanas. Maraming conspiracies ang kadikit nito kasama na ang New World Order, Satanism or Illuminati. Pero ano ba talaga ang freemasonry? (Based of what I've research) Ayon kay Margaret Jacob - isa sa mga world's leading expert on Freemasonry - na ang Freemasonry ay HINDI ISANG SECRET SOCIETY AT HINDI RIN ISANG RELIGION. Sa katunayan, kung sakaling nalaman mo na isang Mason ang kausap mo, aayain ka lang nilang mag-tea as a sign of being a good man. (Nabasa ko lang 'yan kaya kung sakaling hindi ka man nila niyayang mag-tea baka tatratuhin ka lang nila bilang tao.) Taliwas ito sa paniniwalang, papatayin ka nila, isasalvage o imumurder ng walang kalaban-laban. Ang Freemasonry ay isang WORLD'S OLDEST AND LARGEST FRATERNITY. Pero hindi ibig sabihin nito na kapag nasa recruitment ka nila ay kailangan ka pa nilang i- hazing katulad ng mga frat sa ibang universities or schools. HINDI GANOON 'YON!. ANO BANG KAILANGAN PARA MAGING MEMBER NG FREEMASONRY? Madali lang! Kailangan mo lang magpetition ng local lodge at ipakita sa kanila ang GOOD CHARACTER mo. Maging mabuti ka lang na tao. At kailangan mong ring patunayan sa kanila na naniniwala ka na mayroong SUPREME BEING. Ibig sabihin dapat may diyos kang pinapaniwalaan. Walang problema kahit na sino pa 'yan. Taliwas ito sa paniniwalang, dapat mo munang ialay ang kaluluwa mo kay Satanas. O di kaya sa paniniwala na ang mga miyembro ng Freemasonry ay mga atheist. MALING- MALI ANG PANINIWALANG IYON. AND TAKE NOTE! "AND IN ALL LODGES, IT'S MEN ONLY" LALAKI LANG DAW! LALAKI! ANO NAMAN ANG IBIG SABIHIN NG THE EYE AND PYRAMID SA DOLLAR BILL? Karamihan, iniisip na isa itong illuminati o di kaya naman may kinalaman ito sa new world order. Dahil doon, Freemasonry na naman ang may kasalanan. Ayon ulit sa interview kay Jacob, sinabi niyang maraming nag-aakalang isa itong masonic pero ang simbolo na ito ang napakacommon na simula palang ng 18th century. Ibig sabihin hindi nag-originate ang The Eye and Pyramid sa Freemasonry (kung hindi ako nagkakamali) ANO NAMAN ANG PINANINIWALAAN NG MGA MASON? Hindi porket mason, mason na talaga na taga-mason. Ang "mason" po ay tawag sa mga tao o taong miyembro ng Freemasonry. (Base naman ito sa napanuod ko sa youtube. Hanapin niyo na lang kung gusto niyong mapanuod.) • Paniniwala mula sa kaligtasan ng tao Hindi naniniwala ang mga mason na ang tanging magliligtas sa kanila mula sa kasalanan ay si Hesus. Hindi nila tinatanggap na si Hesus lang ang tanging tagapagligtas at panginoon. Naniniwala ang mga mason na ang isang tao ay makakapunta lang sa langit kung gagawa ito ng mabuti at pinapaunlad pa ang sarili. • Pananaw sa mga banal na kasulatan Ang bibliya, koran o ang kahit ano pang banal na kasulatan ay pinapaniwalaan ng mga mason na bahagi lamang ito ng pananampalataya ng mga relihiyon. Para sa kanila, hindi ito ang pinaka-legit na salita ng Diyos. Isa lang itong kagamitan upang mas mapalalim ang moralidad ng isang tao. • Patungkol sa Diyos Kung sa ibang relihiyon, si Hesus lang ang nag-iisang diyos - para sa mga kristyano ,si Allah naman ang nag- iisang diyos - para sa mga muslim. Para naman sa mga mason, iisa pa rin ang diyos. Tumatawag man ang isang tao ng kahit anong pangalan sa daan-daang pangalan ng diyos, iisang diyos pa rin ang kanyang itinatawag. Ibig sabihin, sa daan-daan mang pangalan ng mga diyos o sa daan-daan mang diyos na pinapaniwalaan ng iba't- ibang religion, nagrerepresent pa rin ito sa nag-iisang Supreme Being. Kumbaga, nag-iiba iba lang ang pangalan niya depende sa iba't ibang bansa. (Gets?) • Kasalanan ng mga tao Para sa mga mason, ang mga tao ay hindi ipinanganak na makasalanan. Ang mga tao ay sadyang hindi perpektong ginawa. Pero kaya namang baguhin ito ng isang individual kung gugustuhin. Maaaring maging perpekto ang tao sa iba't-ibang paraan. Ang pagkakaroon ng perpektong moralidad at espiritual ay matatagpuan lamang sa kaibuturan ng puso. ... Nashock ba kayo? Wag kayong mag-alala, hindi kayo nag- iisa. Sana'y may nalaman kayo. Ngayon, nagbago na ba ang tingin niyo tungkol sa Freemasonry? Hmmm. A moment of silence. See Translation July 1 at 5:23 AM · Public Save