Ang Panghalip A. Ano ang panghalip? Ang panghalip (o pronoun) ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan (noun) upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan. Halimbawa: 1. Si Maria (pangngalan) ay pumunta sa palengke. SiMaria(pangngalan) ay bumili ng bangus. Bumili rin siMariang mga gulay. Si Maria ay pumunta sa palengke. (Maaaring hindi na muna ihalili ang panghalip sa pangngalan sa unang pangungusap dahil hindi mauunawaan ang susunod na mga pangungusap.)Siyaay bumili ng bangus. Bumili rinsiyang mga gulay. 2. Ibigay mo ang mgaaklatkayRosa.. Ibigay mo ang mga itosakanya. 3.KayMilaang mgarosasna nasa mesa. Sa kanyaang mgaiyan. 4. SinaJose at Pedroay naliligo sa ilog. Silaay naliligo sa ilog. 5. Angpag-heheersisyoay mabuti sa katawan niJuan. Itoay mabuti sa katawanniya. B. Mga Uri ng Panghalip Ang panghalip ay may limang uri. Ito ay ang mga sumusunod: 1.Panghalip na Panao(Personal Pronoun)- ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan. Maykailananang panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan, dalawahan at maramihan. Taong Nagsasalita Isahan: Ako, akin, ko a. Akoay pupunta sa Maynila. b. Akinang laruang hawak mo. c. Ibigay koito sa aking ina. Dalawahan: kita, kata a. Kitanang maligo sa ulan. (Maligo tayong dalawa sa ulan.) Kataay umawit. b. Katanang manood ng sine. (Manood tayong dalawa ng sine.) Maramihan: Tayo, kami, natin, naming, atin, amin a. Tayonang pumunta sa Antipolo. b. Kamiay kakain sa JoliMc. c. Bisitahin natinsi Lola. d. Atinang pulang kotse. e. Aminang bahay na kulay bughaw. Taong Kausap Isahan: Ikaw, ka a. Ikawang iniibig ko. b. Pumunta kasa opisina ng punong-guro. Dalawahan: kita, kata a. Magkikita kitasa tapat ng monumento ni Gat. Jose Rizal. b. Maghuhulog katang pera sa bangko. Maramihan: Kayo, inyo, ninyo a. Kayoang kanyang mga magulang. b. Sa inyoang asong nasagasaan. c. Nasusunog ang bahay ninyo! Taong Pinag-uusapan Isahan: Siya, niya, kanya a. Siyaang sumuntok sa akin. b. Binigyan niyaako ng kendi. c. Ibibigay ko ang damit na ito sakanya. Dalawahan: kita, kata a. Ayaw nila katasa atin. (Ayaw nila sa ating dalawa.) b. Kitaay pinayagan nilang magpakasal sa huwes. Maramihan: Sila, kanila, nila a. Nagbigay silang donasyon sa simbahan. b. Kanilaang ospital na iyon. c. Bibigyan nilatayo ng mga pasalubong. 2.Panghalip na Pamatlig(Demonstrative Pronoun)- ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Iinihalili rin ito sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap o nag-uusap. Malapit sa Nagsasalita -ito/ ire (Itoay masarap na prutas.Ireay ibinigay sa akin ng aking butihing ina.) -heto (Hetona ang pasalubong ko sa inyo.) -dito (Ditoka maghiwa ng mga gulay.) Malapit sa Kausap -iyan (Iyanang libro ko.) -hayan/ ayan (Hayan/Ayanna sa likod mo ang asong ulol!) -diyan (Diyanmo ilapag ang mga bayong.) Malayo sa Nag-uusap -iyon (Iyonang bahay nila Paulo.) -hayun/ ayun (Hayun/Ayunang magnanakaw!) -doon (Doontayo kumain.) 3.Panghalip na Panaklaw(Indefinite Pronoun)- ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan. Nagsasaad ng Kaisahan a. Isa (Isatayo sa pinagpala ng Diyos.) b. Isapa (Isapaang pagpuputol ng kahoy sa gubat.) c. Iba (Ibaang bahay sa tahanan.) d. bawat isa (Bawa't isaay mayroon tungkulin sa bayan.) Nagsasaad ng dami o kalahatan a. Lahat (Lipunin anglahatng peste!) b. Tanan (Magandang halimbawa ang ipinakita niya satanan.) c. Pulos (Puloskalokohan ang pinagsasabi niya.) d. Balana ( Iniisip nila na walang ginawa si Pangulong Marcos para sa kabutihan ngbalana.) e. Pawang (Ang iginanti niya aypawangkabutihan.) f. Madla (Mananagot siya samadladahil sa kanyang kabuktutan.) 4.Panghalip na Patulad- ay inihalili sa itinutulad na bagay. Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita Ganito/Ganireang paggawa niyan. Ganito/Ganirekung umarte si Nora Aunor. Ganitoang tamang pagngiti. Ganyan - Malapit sa kausap Ganyannga kung umiyak si Momay. Ganoon - Malayo sa nag-uusap Ganoonang tamang pagtatapas ng niyog 5.Panghalip na Pananong- inihahalili sa pangngalan kung nagtatanong. a. pangtao (sino, kanino) Sino ang umutot? Sinoang kumuha ng bolpen ko? Kaninoang kalamay na ito? Kaninokaya ang mapupunta ang gantimpala? b.bagay, hayop, lugar (ano, alin) Ano ang laman ng kahon? Alindito ang sa iyo? c. bagay, hayop, lugar, tao (ilan) Ilan sa inyo ang sasali sa paligsahan? Ilanghalaman ang ating dadalhin? C. Kaukulan ng Panghalip 1.Kaukulang palagyo- kung ang panghalip ay ginagamit bilang simuno(subject) ng pangungusap. Halimbawa: 1.Siyaay tutungo sa kapitolyo upang ilatag sa gobernador ang ating mga kahilingan. 2.Tayoay magtitipid upang mabili natin ang gusto nating mga laruan. 3.Silaay mga kinatawang nangungurakot sa kaban ng bayan. 2.Kaukulang Paari- Ito ay nagsasaad ng pang-aangkin nag isang bagay sa loob ng pangungusap. Halimbawa: 1. Ang bhaynilaay malapit sa paaralang iyong papasukan. 2. Angakinglolo ay isang sastre. 3.Kaukulang Palayon- ginagamit na layon ng pang-ukol (preposition) o pandiwa (verb). Halimbawa: 1. Ang batas na ito ay makasasama para samadla. 2. Ang kamalig ay sinunognila. Ang kamalig ay sinunog nila.