Balarila - Mga Naipon ko! Submitted by jonsdmuron August 8, 2009 - 10:28am. Filipino| Fiction| balarila| wastong gamit ng salita Body: Mga naipon kong balarila: Sana madagdagan pa! Ito ang balarilang ginagamit ko sa tuwing nagsusulat ako. Ang totoo hindi ko ito kabisado... o ang iba dito medyo nakakalimutan ko na... kaya minsan kapag nagsusulat ako... tinatapos ko muna ang kwento... sa editing kinukuha ko na ang kodigo ko sa balarila... para maitama ang aking pagkakamali.... Sa tingin ko kung madalas mo lang pag-a-aralan eh madaling tandaan.... Dati sulat lang ako nang sulat.. pero habang tumatagal naisip ko mahalaga rin ang tamang gamit ng salita. Kaya sa abot ng aking makakaya, pilit kong pinag aaralan ang balarila. Hindi ko man mamemorya lahat, kahit papaano may natatandaan ako... kaya ang ginagawa ko binabasa ko ulit..... Ilan sa mga nakasulat sa ibaba, ay nakuha ko sa yahoo search, medyo nakalimutan ko na ang site kasi matagal na ito... at ilan dito mga tips na binigay ng mga kaibigan sa site.... Sana makatulong.... Isa pa, ilalagay ko sa collection ko para sa tuwing magsusulat ako eh open ko na lang ang links niya... *********** Gamit ng NANG at NG NANG - ginagamit siya bilang pangatnig (conjunction), pang-angkop ('yung nanggaling sa "na") o di kaya'y pang-abay na pamanahon (adverb of time). Halimbawa: Kumain ako nang mabilis (paano ka kumain?) NG - Sinusundan ng pangalan (nouns), pantukoy (direct objects), o parang pang-ukol siya (parang with = sa) Halimbawa: Kumain ako ng isda. (Ano ang kinain mo?) ********* Ang gamit ng gitling o hyphen (-) 1.Naglalagay ng gitling kung ang salitang-ugat na nag-uumpisa sa patinig ay may unlapi na nagtatapos sa katinig: pag-asa pang-organisa pag-unlad o kung may impit na tunog sa pagitan ng dalawang pantig, na ang una ay nagtatapos sa katinig: dangdang-ay bag-as uk-ok 2.Ginigitlingan ang salitang inuulit. Sa pag-uulit, maaaring ganap na pag-uulit o buong salitang-ugat ang inuulit, at parsyal na pag-uulit o unang dalawang pantig lamang ng salitang-ugat ang inuulit: kani-kanila masayang-masaya taun-taon pero hindi ginigitlingan ang mga sumusunod dahil hindi tunay na salitang inuulit: sarisari paruparo alaala guniguni batubato 3.Ginigitlingan ang mga salitang tambalan. Sa tambalan, nalilikha ang pangatlong kahulugang hiwalay pa sa kahulugan ng bawat isang salitang bumubuo sa tambalan. abot-langit ningas-kugon bayad-pinsala bantay-salakay Ang ilang dating salitang tambalan ay itinuturing na ngayong iisang salita at isinusulat nang walang gitling: anakpawis abutkaya hanapbuhay bukambibig tauspuso habambuhay sawimpalad kisapmata kapuspalad punongkahoy salinlahi takipsilim lamanlupa dapithapon bungangkahoy 4.Para makatulong sa pagbasa ng mahahabang salita, ginigitlingan natin ang mga salitang may unlapingmala-,anti-,kontra-,neo-,ultra-, atmaka- kung mahigit sa tatlong pantig ang salitang nilalapian: mala-proletaryado kontra-opensiba anti-imperyalista maka-mamamayan ultra-demokratiko kontra-rebolusyonaryo Pero hindi na natin ginigitlingan angmalapyudalismoatmalakolonyalismodahil ang mga salitangmalapyudalatmalakolonyalay isinusulat natin nang walang gitling. 5.May gitling sa pagitan ng pangngalang pantangi at unlapi: maka-Ramos taga-Samar Sa pagitan ng isang numero at isang unlapi: alas-4:36 n.h. pang-1981 6.Hindi kailangan ng gitling sa mga pariralang ginagamit angdi, walang, bagong, mulingat iba pa: di nagtagal walang duda bagong sibol muling tatag biglang yaman di inaasahang pagbabago sa loob ng di na halos mabilang na henerasyon *********** Kadalasang ginagamit ko sa tuwing may hinahambing: ngunit sapagkat subalit bawat kahit hanggat datapwat bastat bagamat kayat *********** AngDna nagigingR a. Kapag ang mga salitangdaw, din, dito, doon, diyanay kasunod ng salitang nagtatapos sa patinig o sa katinig na /w/ at /y/, ang mga ito ay nagigingraw, rin, rito, roon, riyan: umalis karawkayorin mularitonagtungoroon buhayrawpatayrin nakakasilawrinlitawrin b. Pero kung gustong idiin ang salita, hindi binabago ang/d/: umalis kadiyan! bawal umihidito mas magaan kaysadati k. Ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa /d/na dinudugtungan ng unlapi, ang /d/ay nagiging/r/: ma- + dumi =marumi ka- + dami + -han =karamihan d. Gayundin ang mga salitang-ugat na nagtatapos sa /d/ na dinudugtungan ng hulapi: lakad + -in/-an =lakarin/lakaran hubad + -in/-an =hubarin/hubaran tadtad + -in/-an =tadtarin/tadtaran e. Sa mga pangngalan na galing sa banghay na pandiwa at nagsisimula sa /d/ ang salitang-ugat at inuulit ang unang pantig, ang /d/ay nagiging/r/: dambongmandarambong,pandarambong dukotmandurukot,pandurukot dayamandaraya,pandaraya dagdagkaragdagan,pandaragdag dagitmandaragit,pandaragit Pansinin na nangyayari ang pagpalit kapag napapagitnaan ng dalawang patinig ang letrang /d/. Karaniwan, maaari o hindi gawin ang pagpapalit. Ngunit dulot ng pagpapasimple, mas madulas sabihin ang pinalitan ng/r/. Mayroon ding ilang pagkakataon na sapilitan ang pagpapalit ng/r/sa /d/, halimbawa angnararapat, hindinadadapat. O sa ibang salita na nag-iiba ng kahulugan ang salita, halimbawa angmadamdaminatmaramdamin. ********** AngOna nagigingU a. Kung inuulit ang salitang maypatinig na /o/ang huling pantig, ang /o/ ay nagiging/u/sa unang salita: yugtu-yugto buung-buo anu-ano malayu-layo pa b. Pero hindi pinapalitan ng/u/ang /o/ kung mayroon ding patinig na /o/ ang sinundang pantig: todo-todo totoong-totoo loko-loko bobong-bobo oong-oo na nga! moro-moro k. Kung lalagyan ng hulapi ang salitang may patinig na /o/ang huling pantig: kusot + -in =kusutin gusto + -hin =gustuhin liban kung may patinig na /o/ sa sinundang pantig: loob + -an =looban loko + -han =lokohan *********** IpapakitaoIpakikita? Karaniwan, ang unang pantig ng salitang-ugat ang inuulit. Ngunit sa ilang salita, mas madulas bigkasin ang pag-uulit sa huling pantig ng unlapi. Pero parehong tinatanggap ang dalawang paraan: ipapakitaatipakikita papagandahinatpagagandahin paparusahanatparurusahan nakakahiyaatnakahihiya *********** Banghay sai- at sa -in(PinapadalaoIpinapadala?) Madalas magkamali sa pagbubuo ng pandiwa tulad ng sa sumusunod na mga pangungusap: Ipinag-iibayong mulat at naghihimagsik na mamamayan ang kanilang paglaban. Sa porsyentuhan, agad naibinabawasng panginoong maylupa ang 35 porsyento ng kabuuang kita. Wala ka bangpinadalasa akin? Nilalantadng pangyayaring ito ang kawalan ng katarungan sa loob ng mapang-aping sistema. Para masigurado na tama ang pagkakabuo ng pandiwa, balikan ang anyong pawatas nito. Sa mga pangungusap na ito, ang pawatas ng pandiwa aypag-ibayuhin, bawasin, ipadala,Kung gayon, dapat mabuo ang pandiwa tulad ng mga sumusunod: pinag-iibayong mulat at naghihimagsik na mamamayan ang kanilang paglaban agad nabinabawasng panginoong maylupa Wala ka bangipinadalasa akin? Inilalantadng pangyayaring ito ang kawalan ng katarungan sa loob ng mapang-aping sistema. Dapat lamang tandaan na kung ang pandiwa ay binabanghay sai-o sa ibang anyo nito(ipag-, ipa-), hindi nawawala ang /i/ -- anuman ang banghay ng pandiwa. banghay sai-, ipasok ipinasok ipinapasok ipapasok banghay sa-in, pasukin pinasok pinapasok papasukin banghay saipag-, ipaglaban ipinaglaban ipinaglalaban ipaglalaban banghay sapag- ... -in, paglabanin pinaglaban pinaglalaban paglalabanin *********** Ang pag-uulit ng pantig at paggigitlapi sa salitang nagsisimula sa kambal-katinig (Nagpaplano o Nagplaplano?) Ang kambal-katinig ay dalawang katinig na binibigkas nang sabay o halos sabay. a. Kung nag-uumpisa sa kambal-katinig ang salitang-ugat at nauulit ang unang pantig nito, ang unang katinig lamang ng kambalan ang inuulit: ganito di ganito nagpaplano nagplaplano kagagradweyt kagragradweyt mambablakmeyl mamblablakmeyl kukwentuhan kwekwentuhan magtetreyning magtretreyning piprituhin priprituhin b. Kung kinakabitan naman ng gitlapi ang salitang nag-uumpisa sa kambal-katinig, may dalawang paraan ng pagbubuo ng salita. Sa isang paraan, ikinakabit ang gitlapi matapos ang kambal-katinig; samakatwid, itinuturing ang kambal-katinig bilang iisang ordinaryong katinig. ikwinento swinerte trinato plinantsa tyumempo trumabaho Sa isa pang paraan, isinisingit ang gitlapi sa pagitan ng magkakambal na katinig. ikinwento* sinwerte* tinrato* pinlantsa* tumyempo* tumrabaho* Parehong ginagamit ang dalawang paraan at maaaring hindi muna tayo magpirmi sa kung alin ang susundin. Ihinahabilin lamang na sa loob ng iisang publikasyon ay sikaping maging konsistent. *********** MayatMayroon Kung may nakasingit na kataga sa pagitan ngmayat ng pandiwa, pang-uri o pangngalan, ang ginagamit aymayroon. Mayroonbang nawala? Maynawala ba? Mayroonka palang kapatid. Maykapatid ka pala *********** Ito,NitoatDito a. Sa loob ng isang kumpol ng ideyasa loob ng pangungusap o ng parapodapat ay iisa lang ang tinutukoy ngito, nito,atdito. Suriin kung hindi magulo ang sumusunod na mga pangungusap: Sinakop ng imperyalismong US ang bansang Iraq sa tabing ng "gera laban sa teror". Sa pambobombanito,itoay kumitil ng maraming buhay at nagpahirap sa mamamayannito. Pansinin na ang unangnito/itoay tumutukoy saimperyalismong US, ngunit ginamit din ang panghalip nanitosa dulo na tumutukoy saIraq.Kaya nagiging magulo kung ano ang hinahalipan ngnito. Sa halip, maaaring gawin ang ganito: Sinakop ng imperyalismong US ang bansang Iraq sa tabing ng "gera laban sa teror". Sa pambobombanito,itoay kumitil ng maraming buhay at nagpahirap sa mamamayan nghuli(o mas malinaw, mamamayanng Iraqo mamamayangIraqi). b. Siguraduhing malapit sa pangngalan na tinutukoy angito, nito, dito. Kundi, sabihingiyon, niyon, doon. Bukod sa layunin ng kolonyalismong Espanyol na pagsamantalahan ang mga katutubo at ang likas na kayamanan ng ating bayan, masidhi ang pagnanasaniyon(hindi nito)na imulat ang mga "primitibong katutubo" sa kabihasnan ng kanlurang daigdig. k. Gayundin sa iba pang panghalip (ako, ikaw, ka, siya, sila, kami, tayo, kayo) at sa mga anyong paukol at paari ng mga ito, dapat isang pangngalan lang ang tinutukoy ng bawat panghalip sa loob ng isang pangungusap o parapo. *********** Comments sa technical: Ilan sa mga natutunan ko kay Melanie Quilla... Paano pagbuo ng quoted sentences.... 1. sentence construction... Quoted sentence na considered as one sentence. "Hindi ito totoo. Panaginip lang ito,"bulong ni Melanie sa kanyang sarili. (Comma ang gagamitin) at (small letter ang 'b' sa salitang 'bulong'. (Hindi ganito:"Hindi ito totoo. Panaginip lang ito."Bulong ni Melanie sa kanyang sarili. Eto ung quoted sentence na considered as two sentences. "O, Melay. Hindi ka pa ba aalis?"Nagulat si Melanie sa biglang salita ng kanyang ate. (Hindi ganito:"O, Melay. Hindi ka pa ba aalis?"nagulat si Melanie sa biglang salita ng kanyang ate. "Pupunta na ako sa bayan."Tumalikod na ako. (Tuldok ang gagamitin) at (Capital letter ang 'T' sa salitang 'tumalikod'. Note: tingnan lang kung ano dapat ang ika-capital letter after ng quoted sentences. At tingnan kung comma o tuldok ang gagamitin after ng pangungusap... minsan kasi nagkakamali sa tuldok o comma... Sa quoted sentence pwede kang gumamit ng mga sumusunod: aniya, anito, ani, sambit, dagdag, hirit, untag, bulalas, sabat o sabad, wika niya, sabi ni, tugon, at marami pang iba..... *********** *.Ang pangungusap ay nagiging italic kung ang pangyayari ay pagbalik sa nakaraan. At kapag ang pangungusap o salita ay sinasabi ng isip lamang. Hal.Mahal kita!sabi ng aking isipan. *.Kapag nagpapalit ng point of view (Maaring lugar o tao o mga eksena) gawing capital letter ang unang salita ng talata. Makakatulong ito para malaman ng nagbabasa na iba na pala ang setting o point of view ng kwento. Halimbawa: MULA sa di-kalayuan ay natanaw ni Liz ang isang taong paniki. At nasa harapan nito ang isang babae. Napapitlag siya nang matukoy niya kung sino ang babaeng bibiktimahin ng aswang. At iyon ay ang kanyang ina. "M-mommmy!" BINALOT ng tapang ang dibdib ni Ana. Bumagsik ang tingin niya sa taong paniki. "Sige, lumapit ka!" Itinutok niya rito ang hawak na punyal. Lumapit ito sa kanya. Maya-maya pa, naging taong aso ang paniki. Update: Mga tumatak sa aking isipan. Isang komento ni Danholanda sa aking akda na hanggang ngayon ay patuloy ko pa ring ginagamit. Paano ba bumuo ng isang kwento? 1.Bukod sa husay sa pagkukuwento, mahalaga din ang teknikalidad dahil ito ang nagpapakinis sa pagbabasa ng isang kuwento. 2.Sa isang nobela, importante sa lahat ang unang kabanata. Kailangang makuha mo ang interes ng readers sa 1st page at 1st paragraph pa lang. Maraming pwedeng gawin para lumakas ang opening. Pwedeng narrative ito ng nararamdaman ng main character, pwedeng isang dialogue na bubulaga sa readers, pwedeng isang malupit na tanong o ideya na maaari mo ring sagutin sa ending ng kuwento--marami kang pwedeng gawin, basta't ang kailangan e para kang may pasasabuging atomic bomb sa simula't simula pa lang. 3.Kung importante and opening paragraph ng kuwento, mahalaga rin ang ending ng chapter. Kailangang punctuated ang huling tagpo ng kabanata--dialogue man ito o narrative para lalo mong makuha ang interes ng readers para basahin ang mga susunod na eksena. 4.Once na gumamit ka ng "sya", kailangang yun na ang gamitin mo sa kabuuan ng kuwento at hindi "siya." Teknikal pa rin ito pero mahalaga dahil iba-iba ang ugali ng editor na babasa at mag-a-approve ng mga manuscript. Ibinahagi ni Melanie Quilla sa komento: Tuldok o Period (.)Naghuhudyat ito ng pagtatapos ng pangungusap na paturol o pautos. Kuwit o Comma (,)Ang punctuation mark na ito ay ginagamit para mag-indicate ng separation of ideas or ele-ments within the structure of a sentence. Ang comma ay maaaring nasa dulo ng isang sugnay or prase, o nasa pagitan ng magkakasunod na mga salita. Gitling o hyphen (-)Ang punctuation na ito ay gamit sa pagitan ng mga salitang tambalan o inuulit. Talaas o Asterisk (*)Gamit ito sa pagtawag ng attention sa isang footnote or talababa,* o para mag-indicate ng isang omission. Panaklong o Parenthesis ( )Ang mga panaklong ay ginagamit (pansinin na nakapaloob sa open and close pa-rentheses ang mga punctuations na tinatalakay rito) na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito. Tatlong Tuldok o Elipsis (...)Sa pag-uusap ng mga ka-rakter sa isang literary work, ang tatlong tuldok o elipsis ay nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karug-tong ng nais sabihin. Tutuldok o Colon (:)Ito ay nagsasaad ng mga malala-king division within a sentence. Ginagamit ito upang maidi-rect ang attention ng reader sa susunod na salita na kada-lasa ay nagbibigay ng paliwanag sa sinusundan. Tuldok-kuwit o Semicolon (;)Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig; ngunit kung ang pangatnig ay gaya ng samakatwid, therefore, ga-yunman, however, hence, as a result, at iba pang conjunc-tions na tulad ng mga ito, ang semicolon ay ginagamit pa rin. Pananong o Question Mark (?)Inilalagay sa dulo ng isang patanong or interrogative sentence Panamdam o Interjection (!)Inilalagay ito sa dulo ng mga exclamatory sentences, o ng isang interjection word. Kudlit o Apostrophe (')Ginagamit ito bilang katumbas ng titik na inalis sa unahan, gitna o dulo ng mga salitang pi-naikli. Mahabang Gitling o Dash (-)Gamit ito sa pag-iin-dicate ng isang unfinished dialog sa mga literary writing. Ibinahagi ni Adengkantada sa komento: Check nyo rin ang site na ito: http://digitalpadepa.com/gabayispeling.htm Author's Bio/Notes: sana makatulong sa inyo kahit papaano.