Dahil at Dahilan by LovelyOga DAHIL at DAHILAN - Pangatnig ang dahil. - Pangngalan ang dahilan. - Pang-ukol naman ang dahilsa o dahilkay. Halimbawa: Hindi siya nakapasok kahapon dahil sumakit ang ulo niya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit. Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sakit ng ulo. Tandaan: Ginagamit kung minsan ang dahil bilang pangngalan sa panunula. Iwasan ito sa karaniwang pangungusap o pagsulat. Iwasan din ang paggamit ng dahil sa bilang pangatnig. Mali: Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sumakit ang ulo.