Habang at Samantalang by LovelyOga HABANG at SAMANTALANG Habang - ang isang kalagayang walang tiyak na hangganan, o "mahaba". Samantalang - ang isang kalagayang may taning, o "pansamantala". Halimbawa: Kailangang matutong umasa habang nabubuhay. Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang samantalang wala pa akong trabaho. Gulung-gulo ang isip niya habang hindi pa siya sinasagot ng kanyang kasintahan. Gulung-gulo ang isip niya samantalang hindi pa dumarating ang sulat ng kanyang kasintahan. Tandaan: May iba pang gamit ang samantala. Ipinakikilala nito ang pagtatambis sa dalawang kalagayan. Halimbawa: Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw ang tinatawag kanina pa?