Kibo at Imik by LovelyOga KIBO at IMIK - Pagkilos ang tinutukoy ng kibo. - Pangungusap ang tinutukoy ng imik. Halimbawa: Wala siyang kakibu-kibo kung matulog. Hindi siya nakaimik nang tanungin ko. Tandaan: Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo. Halimbawa: Kumikibo nang bahagya ang apoy ng kandila. Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak na iniayos ko sa plorera.