May at Mayroon by LovelyOga MAY at MAYROON - Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng salitang sumusunod. Gamitin ang may kapag susundan ng pangngalan ( mapaisahan o maramihan ), pandiwa, pang-uri o pang-abay. Halimbawa: May anay sa dingding na ito. May kumakatok sa pinto. May dalawang araw na siyang hindi umuuwi. Tandaan: Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip na panao o pamatlig o pang-abay na panlunan. Halimbawa: Mayroon kaming binabalak sa sayawan. Mayroon iyang malaking suliranin. Mayroon kayang mangga sa palengke ngayon? Tandaan: Maaring gamitin ang mayroon nang nag-iiisa. Halimbawa: "May asawa ba siya?" "Mayroon." Tandaan: Nagagamit din ang mayroon bilang pangngalan. Halimbawa: Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang mayroon at kung sino ang wala.