Maya-Maya VS Mayamaya Alam niyo bang magkaiba ang gamit ng "maya-maya" at "mayamaya"? Dito usually nagkakamali ang mga bagets na writers dito sa Wattpad, well, kahit nga mga published writers hanggang ngayon nagkakamali pa rin. Hahaha. Ganito kasi 'yan, guys. Maya-maya - Isang uri ng ISDA. Mayamaya - Nangangahulugang "later." Ngayon, alam mo na? Hehe. Natawa ka sa sarili mo, noh? Kasi ISDA ang ginagamit mo? Haha. Pero bakit nga ba mayamaya at hindi maya-maya? Well, according to the law, hindi ka gagamit ng gitling as in ( - ), kapag walang kahulugan ang inuulit na salita. At dahil wala namang meaning ang maya sa mayamaya, kaya wala siyang gitling. Kapag may gitling? Isda po 'yon, itanong mo pa sa nanay at tatay mo. ^_^ Next time, discuss ko pa nang mas maigi 'yong paggamit ng gitling at difference ng NG at NANG since most requested siya. Hehe. Good night for now! I hope may natutunan na naman kayo from me. Isapuso niyo ang mga binabahagi ko sa inyo, ha? <3 Sana makabili kayo ng books ko na Secret Nights, Dream Catcher at Confessions of a Fashion Blogger. Available na siya sa lahat ng bookstores. Follow niyo na rin ako sa Instagram: @iamaivanreigh Love, Madam Aivan