Mga Bantas by LovelyOga BANTAS (Punctuation) Ang mga bantas (punctuation) ay mga simbolo na nagpapakita ng kayarian at kaayusan ng nakasulat na wika, pati na ang intonasyon at paghintong sandali (pagtigil na sandali) na gagawin kapag nagbabasa nang malakas. Sa nakasulat na Tagalog, ang bantas ay mahalaga upang maging malinaw ang kahalugan ng mga pangungusap. Ang mga panuntunan ng pagbabantas ay pabagu-bago ayon sa wika, lokasyon, rehistro at panahon (oras) at patuloy na umuunlad at nagbabago. Ang ilang partikular na mga aspekto ng bantas ay may estilo at sa kung sa gayon ay ayon sa pagpiling ginawa ng may-akda o ng patnugot. Ang mga anyo ng wika na takigrapiko, katulad ng mga ginagamit sa pagsasatsatan sa Internet at mga mensaheng teksto, ay maaaring may malawak na kakaibang panuntunan. Kabilang sa mga bantas ang mga sumusunod: Tuldok o period (.) Tandang Pananong o question mark (?) Tandang Padamdam o exclamation point (!) Kuwit o comma (,) Kudlit o apostrophe (') Gitling o hyphen (-) Tutuldok o colon (:) Tuldok-kuwit o semicolon (;) Panipi o quotation mark ("") Panaklong o parenthesis ( ) Tutuldok-tutuldok o elipsis (') ?Paggamit ng iba't ibang mga bantas ? ?TULDOK Ang tuldok (.) ay ginagamit na pananda: A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos. Halimbawa: Igalang natin ang Pambansang Awit. B. Sa pangalan at salitang dinaglat. Mga halimbawa: (a) Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo. (b) Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang "Basic Christian Living". C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa't hati ng isang balangkas, talaan. ?TANDANG PANANONG Ginagamit ang tandang pananong ( ? ): A. Sa pangungusap na patanong. Mga halimbawa: ( a) Ano ang pangalan mo? (b) Sasama ka ba? B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap. Mga halimbawa: (a) Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas. ?TANDANG PADAMDAM Ang bantas na tandang padamdam ( ! ) ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin. Mga halimbawa: (a) Mabuhay ang Pangulo! (b) Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos. (c) Aray! Naapakan mo ang paa ko. ?KUWIT Ang kuwit ( , ) ay ginagamit sa ganitong mga kaparaanan: A. Paghihiwalay ng isang sinipi. B. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkaka-uri. Halimbawa: Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy. Shana, saan ka nag-aaral ngayon? C. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pangkaibigan. Mga halimbawa: Mahal kong Marie, Nagmamahal, Sa iyo kaibigang Jose, Tapat na sumasaiyo, D. Pagkatapos ng Oo at Hindi. Mga halimbawa: Oo, uuwi ako ngayon sa probinsiya. Hindi, ayaw niyang sumama. E. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno. Mga halimbawa: Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo.