BAHAGI NG PANANALITA: ANG PANG-ABAY (ADVERB) Ano angPang-abay ( o adberbyo)? Angpang-abayay mga salitang naglalarawan (words that describe) o nagbibigay-turing sa pang-uri (adjective), pandiwa (verb) at kapwa pang-abay. Halimbawa: A. Panturing sapang-uri 1. Ang manggang itinitinda ni Maria aymasyadongmaasim. 2.Sadyangmalusogang kanyang katawan noon pa man. B. Panturing sapandiwa 1.Dahan-dahansiyangumakyatng hagdan para hindi magising ang kanyang natutulog na ina. 2.Mabilisnatumakbosi Marie para abutan ang kapatid. C. Panturing sa kapwapang-abay 1.Talagangmabagalumunlad ang mga taong tamad. 2. Dahil sa karamdaman, ang kilos ni Mando aylubosnadahan-dahan. .MgaUri ng Pang-abay 1.Pang-abay na Pamaraan(Adverb of Manner) - naglalarawan sapandiwa. a. Siya aymabiliskumain. b.Mahinahonniyangsinagotang mga akusa sa kanya. c.Taimtimnanagdasal ang mga tao nang magkalindol sa Japan. 2.Pang-abay na Panlunan(Adverb of Place) - nagsasaad kung SAAN naganap,ginaganap o gaganapin ang isang pangyayari o kilos. Ito ay kadalasang pinangungunahan ng katagangSA. a. Tumira siyasa gubatng labimpitong taon. b. Nanatili siyang nakatiraroon. 3.Pang-abay na Pamanahon(Adverb of Time) - nagsasaad kung KAILAN naganap, ginaganap at gaganapin ang isang pangyayari o kilos. a. Pupunta akobukassa palengke. b. Si Anna ay nagpunta na sa simbahankahapon. Ang pang-abay na pamanahon ay maaaring may pananda, walang pananda o nagsasaad ng dalas. May pananda Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang 1. Kailangan ni Ester na magbayad ng buwisnangtaun-taon. 2.TuwingBagong Taon sila nagkakaroon ng reunion. 3.Magbabayad ako ng utanghanggangkatapusan ng buwang ito. Walang pananda Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb. 1.Magtatanghal kamibukasng masayang palatuntunan. 2. Magtutungongayonsa Indonesia ang ating pangulo upang humingi ng tulong. Nagsasaad ng dalas Araw-araw, tuwing,taun-taon, buwan-buwan 1.TuwingBiyernes lang siya kung maligo. 2.Ang pamilya Dela Cruz ay nagtutungo sa dalampasiganlinggo-linggo. Ang pang-abay na pamanahon ay may apat na uri: Payak: bukas, mamaya, ngayon Maylapi: kagabi, samakalawa Inuulit: araw-araw, gabi-gabi, taun-taon Parirala; noong nagdaang buwan, sa darating na Kuwaresma, sa pagdating ng panahon 4.Pang-abay na Pang-agam-nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganapsa kilos ng pandiwa. a.Marahilay matututo na siyang magtanda. b.Bakapumaroon siya sa palengke. Iba pang pang-abay na pang-agam - siguro, tila, wari. 5.Pang-abay na Panang-ayon- nagsasaad ng pagsang-ayon (tunay, sadya, talaga, oo, opo) a.Opo, magsisimba ako bukas. b.Sadyangmalaki ang ipinagbago ng katawan mo dahil sa paghehersisyo. 6.Pang-abay na Pananggi-nag-sasaad ng pagtanggi, tulad nghindi/diatayaw a.Hindipa lubusang nalulusaw ang yelo sa pitsel b. Kahit na delikado, marami pa rin angayawtumigil sa pagtawid sa gitna ng daan.. 7.Pang-abay na panggaano o pampanukat- nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong nagaano o magkano. 1. Naragdagan ang timbang konangpitong kilo. 2. Nagalit ang mga pasahero dahil tumagalnang dalawang orasbago dumating ang tren. 8.Pang-abay na Pananong- ginagamit sa pagtatanong ukol sa panahon, lunan, pook, bilang o halaga. a.Ilantaon ka na? b.Magkanoang kilo ng ubas? 9.Pang-abay na Benepaktibo - nagsasaad ng kagalingang dulot para sa isang tao - ang tagatanggap ng kilos. a. Nagluto ng sopas ang nanaypara kay Celso. b. Umawit ang nanaypara kay bunso. 10.Pang-abay na Kawsitibo o Kusatibo- nagsasaad ng dahilan. Ito ay binubuo ng sugnay o pariralang nagsisimula sa dahil sa, sapagkat atbp. a. Siya ay nagkasakitdahil sa ambon. b. Nahuli siya sa opisinasapagkat matrapik. 11.Pang-abay na Pangkaukulan- pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol. a. Ang seminar ayhinggilsa pagpaplano ng pamilya. b.Ukolsa wastong paggamit ng pataba ang pinag-usapan sa pulong. 12.Pang-abay na kundisyunal- nagsasaad ng kundisyon para maganap ang pandiwa. a. Bubuti ang iyong buhaykungikaw ay mag-aaral. b.Kungiiinom ka ng gatas, lulusog ka agad. 13.Katagang pang-bay o ingklitik- na, naman, man a. Si Kiray ay daratingna.b. Papasok siya sa paaralan bumuhosmanang ulan. A .