Palang VS Pa Lang Nagbuklat ako ng book kanina - published book na kuha mula sa Wattpad. One thing na napansin ko is 'yong paggamit ng pa lang at palang. Sad na may confusion pa rin 'yong writer. At mas sad kasi ni hindi man lang iyon itinama ng editor. Magkaiba po ang pagkakagamit nila sentence, guys. Heto ang example: PALANG - Meron naman palang silbi 'yang utak mo, ba't hindi mo gamitin? PA LANG - Kakatapos ko pa lang batiin si mama ng happy mother's day. Careful sa paggamit ng mga 'yan, guys. Kayo may sample kayo? Comment it below. Magko-comment back ako sa comment mo kapag tama ang dalawang sample na binigay mo. ***** AVAILABLE NA PO NATIONWIDE ANG MGA BOOKS KONG: *Secret Nights *Dream Catcher Hope you guys copy grab a copy! :)