Presko at Sariwa Pareho ang translation sa English:fresh. Puwede nating sabihing, 'presko ang hangin' o 'sariwa ang hangin'. Parehong tama, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay interchangeable sila. May mga ibang pagkakataon na hindi puwedeng palitan ng isa ang isa. Halimbawa ng maling gamit: Sariwa ang pakiramdam niya kasi kaliligo niya lang. Preskong isda. Preskong gulay at prutas. Preskong gatas. Sariwang tubig (fresh water). Tubig tabang na lang, hehe. Paalala lang naman. :) Minsan parang binobola lang ako ni Google Translate sa mga pinagbibibigay niyang translations. At least, dito, hindi naman. :) Source: http://onheroesandhappyendings.blogspot.com