Tagalog Writing Tips Always remember that, writing is re-writing. Don't be afraid to made mistakes. After all, it could be edited in the end. COMPILATION OF WRITING TIPS BASIC TAGALOG GRAMMAR 1. TULDOK (.) Ang tuldok ay ginagamit na pananda: A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos. Hal. Igalang natin ang Pambansang Awit. B. Sa pangalan at salitang dinaglat Hal. Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo. Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang "Basic Christian Living" C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa't hati ng isang balangkas, talaan. Hal. A. 1. 2. PANANONG (?) Ginagamit ang pananong: A. Sa pangungusap na patanong. Hal. Ano ang pangalan mo? Sasama ka ba? B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap. Hal. Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas. 3. PADAMDAM (!) Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin. Hal. Mabuhay ang Pangulo! Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos. Aray! Naapakan mo ang paa ko. 4. PAGGAMIT NG KUWIT (,) A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri. Hal. Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy. Hal. Shana, saan ka nag-aaral ngayon? B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pangkaibigan. Hal. Mahal kong Marie, Nagmamahal, Sa iyo kaibigang Jose, Tapat na sumasaiyo, C. Pagkatapos ng OO at HINDI. Hal. OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya. HINDI, ayaw niyang sumama. D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno. Hal. Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo. Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo. E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalalwigan sa pamuhatan ng isang liham. Hal. Nobyembre 14, 2008 Project 8, Quezon City F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap. Hal. Ayon kay Rizal, "Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda". 5. PAGGAMIT NG KUDLIT(') Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas: Hal. Siya't ikaw ay may dalang pagkain. Ako'y mamayang Filipino at may tungkulin mahalin at pangalagaan ang aking bayan. NANG, NG, DIN, RIN Ang NANG ay ginagamit na: 1. Kasingkahulugan ng NOONG 2. Kasingkahulugan ng UPANG 3. Pinagsamang NA at ANG 4. Pinagsamang NA at NG 5. Pinagsamang NA at NA 6. Nagsasaad ng PARAAN 7. Pang-angkop ng pandiwang inuulit Mga halimbawa: 1.1 NANG (noong) isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo. 1.2 Sariwa pa sa aking alaala ang mga tagpo NANG (noong) ako ay bata pa. 2.1 Mag-aral kang mabuti NANG (upang) makatapos ka sa 'yong pag-aaral. 2.2 Tawagin mo ang doktor NANG (upang) magamot na ang mga may sakit. 3.1 Labis NANG (na ang) panglalait ang natamo niya. 3.2 Itigl NANG (na ang) pangaabuso sa mga maralita! 4.1 Isinagad NANG (na ng) tsuper ang kanyang apak sa silinyador. 4.2 Napahamak NANG (na ng) tuluyan ang kanyang anak NANG (noong) ito'y kanyang iwan. 5.1 Ikakasal ka NANG (na na) hindi ka pa handa? 5.2 Umalis ka NANG (na na) hindi man lang nagsuklay. 6.1 Inabot niya NANG patingkayad ang dumi sa ibabaw ng tokador. 6.2 Manalangin ka NANG taimtim NANG (upang) makamit mo ang iyong minimithi. 7.1 Kain NANG kain pero payat, tulog NANG tulog pero puyat. 7.2 Iyak NANG iyak ang mga batang naulila dahil sa trahedya. Ang NG naman ay ginagamit kung: 1. Sinusundan ng pangngalan (noun) 2. Sinusundan ng pang-uri (adjective) 3. Sinusundan ng pamilang (counting nouns) Mga halimbawa: 1.1 Ang tokador ay puno NG damit. 1.2 Ang balon NG tubig ay tuyo na. 2.1 Bumusina nang malakas ang tsuper NG taksi. 2.2 Kumuha siya NG malamig na tubig. 3.1 Kumuha siya NG isang basong tubig. 3.2 Nagsama siya NG sampung kawal. May mga pagkakataon na parehong tama ang paggamit ng NANG at NG sa pangungusap (grammatically correct) ngunit magkaiba ng pakahulugan at kagamitan (usage). Halimbawa: 1. Kumuha ka NANG papel. (Pagtatama: Ito ay isinusulat ng "Kumuha ka NA NG papel [get the paper already). 2. Kumuha ka NG papel. (Get some paper, get a piece of paper, to distinguish it from "get the paper" which means "get the newspaper"). Parehong tama ang dalawang pangungusap ngunit magkaiba ng pakahulugan. Ang unang pangungusap ay nagbibigay ng diin na dapat ngayon na o sa sandaling ito dapat ng kumuha na ng papel ang inuutusan. Maaaring isulat ito na "Kumuha ka NA NG papel". Samantalang ang ikalawang pangungusap ay naguutos lang na kumuha ng papel. - mula kay G. ACGavino Ang din ay pang-abay na ginagamit kung ang kasunod nitong salita ay nagtatapos sa katinig (b,c,d,f,g,h,j,k,l,m,n, p, q, r, s, t, u, v, x, z) maliban lang sa "w" at "y" na mala-patinig na katinig. Halimbawa: Mahirap din . Halaman din . Maalikabok din . Tubig din . Ang rin ay pang-abay na ginagamit kung ang kasunod nitong salita ay nagtatapos sa patinig (a, e, i,o, u) o sa "w" at "y" na malapatinig na katinig. Halimbawa: Buko rin . Sayaw rin . Basa rin . Sanay rin . Ang parehas na alituntunin ay sinusunod din ng pang-abay na "daw" at "raw". The words "rin" and "din" are adverbs. They are the same in terms of function in a sentence. Rin and din directly translates or has the same meaning as "also" or "too" in the English language. The word "rin" is strictly used only after a word which ends with a vowel or vowel-like consonants "w" and "y", while "din" is used only after a word which ends with a consonant. Example: On Using "rin" Ang ganda rin ng tanawin. The view is also beautiful. On Using "din" Aalis din ba siya? Is she leaving too? Gamit ng mga Bantas 1. Tuldok o Period (.) 2. Pananong o Question Mark (?) 3. Padamdam o Interjection (!) 4. Kuwit o Comma (,) 5. Kudlit Apostrophe (') 6. Gitling o hyphen (-) 7. Tutuldok o Colon (:) 8. Tutuldok-Kuwit o Semicolon (;) 9. Panipi o Quotation Mark ("") 10. Panaklong o Parenthesis ( ) 11. Tutuldok-tutuldok o Elipsis (...) 1. TULDOK (.) - Ang tuldok ay ginagamit na pananda: A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos. Halimbawa: Igalang natin ang Pambansang Awit. B. Sa pangalan at salitang dinaglat Halimbawa: Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo. Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang "Basic Christian Living" C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa't hati ng isang balangkas, talaan. Halimbawa: A. 1. 2. PANANONG (?) - Ginagamit ang pananong: A. Sa pangungusap na patanong. Halimbawa: Ano ang pangalan mo? Sasama ka ba? B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap. Halimbawa: Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas. 3. PADAMDAM (!) - Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin. Halimbawa: Mabuhay ang Pangulo! Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos. Aray! Naapakan mo ang paa ko. 4. PAGGAMIT NG KUWIT (,) - Ginagamit din ang kuwit sa paghihiwalay ng isang sinipi A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri. Halimbawa: Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy. Shana, saan ka nag-aaral ngayon? B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham- pangkaibigan. Halimbawa: Mahal kong Marie, Nagmamahal, Sa iyo kaibigang Jose, Tapat na sumasaiyo, C. Pagkatapos ng OO at HINDI. Halimbawa: OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya. HINDI, ayaw niyang sumama. D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno. Halimbawa: Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo. Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo. E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalalwigan sa pamuhatan ng isang liham. Halimbawa: Nobyembre 14, 2008 Project 8, Quezon City F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap. Halimbawa: Ayon kay Rizal, "Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda". 5. PAGGAMIT NG KUDLIT(') - Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas: Halimbawa: Siya't ikaw ay may dalang pagkain. Ako'y mamayang Filipino at may tungkulin mahalin at pangalagaan ang aking bayan. 6. PAGGAMIT NG GITLING(-) - Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon: A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat. Halimbawa: araw-araw isa-isa apat-apat dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila masayang-masaya B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan Halimbawa: mag-alis nag-isa nag-ulat pang-ako mang-uto pag-alis may-ari tag-init pag-asa C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama. Halimbawa: pamatay ng insekto - pamatay-insekto kahoy sa gubat - kahoy-gubat humgit at kumulang - humigit-kumulang lakad at takbo - lakad-takbo bahay na aliwan - bahay-aliwan dalagang taga bukid - dalagang-bukid Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito. Halimbawa: dalagangbukid (isda) buntunghininga D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling Halimbawa: maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique mag-pal maka-Johnson mag-Sprite mag-Corona mag-Ford mag-Japan E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan Halimbawa: mag-Johnson magjo-Johnson mag-Corona magco-Corona mag-Ford magfo-Ford mag-Japan magja-Japan mag-Zonrox magzo-Zonrox F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang. Halimbawa: ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction. Halimbawa: isang-kapat (1/4) lima't dalawang-kalima (5-2/5) tatlong-kanim (3/6) H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa. Halimbawa: Gloria Macapagal-Arroyo Conchita Ramos-Cruz Perlita Orosa-Banzon I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya. Halimbawa: Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino. 7. TUTULDOK( : ) - ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag. A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod. Halimbawa: Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa. B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal. Halimbawa: Dr. Garcia: Bb. Zorilla: C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan. Halimbawa: 8:00 a.m Juan 16:16 8. TUTULDOK - KUWIT( ; ) - Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham pangalakal. Halimbawa: Ginoo; Bb; B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig. Halimbawa: Kumain ka ng maraming prutas; ito'y makabubuti sa katawan. Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang magpatiwakal. C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa. Halimbawa: Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa. 9. PANIPI (" ") - Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi. Halimbawa: "Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan," sabi ng Pangulo. B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba't ibang mga akda. Halimbawa: Nagbukas na muli ang "Manila Times". Isang lingguhang babasahin ang "Liwayway". Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang "Anak Dalita". C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga. Halimbawa: Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong "Computer Programming". 10. PANAKLONG ( () ) - Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito. A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno. Halimbawa: Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere. B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan. Halimbawa: Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay humigit kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao. C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon. Halimbawa: Jose P. Rizal ( 1861 - 1896 ) 11. TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS (...) - nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karug-tong ng nais sabihin. A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag. Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa mga salitang nawawala ay sa hulihan ng pangungusap. Halimbawa: Pinagtibay ng Pangulong Arroy ... B. Sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangang sipiin. Halimbawa: Kung ikaw'y maliligo sa tubig ay aagap upang... SALITA Ang mga salita ay may apat na kayarian. Ang mga salita ay maaaring payak, maylapi, inuulit o tambalan . 1. Payak - ang salita ay binubuo lamang ng salitang-ugat. Ang salitang-ugat ay batayang salita ng iba pang pinahabang mga salita. Samakatwid, ito ang salita sa basal o likas na anyo - walang paglalapi, pag-uulit, o pagtatambal. Mga Halimbawa: awit bayani watawat talino halaga yaman pinto sahig pera aklat bintana 2. Maylapi - ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. Ang mga panlapi ay mga katagang idinaragdag sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng mga salitang-ugat. May ibat'ibang uri ng mga panlapi. a. Unlapi - ang panlapi ay matatagpuan sa unahan ng salitang-ugat. Mga halimbawa: mahusay palabiro tag-ulan umasa makatao may-ari b. Gitlapi - ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat. Ang mga karaniwang gitlapi sa Filipino ay -in- at -um- Mga halimbawa: lumakad pumunta binasa sumamba tinalon sinagot c. Hulapi - ang hulapi ay matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat. Ang mga karaniwang hulapi sa Filipino ay -an, -han, -in, at -hin. Mga halimbawa: talaan batuhan sulatan aralin punahin habulin d. Kabilaan - ang kabilaan ay binubuo ng tatlong uri. Ito'y maaaring: 1. Unlapi at Gitlapi Mga Halimbawa: isinulat itinuro iminungkahi ibinigay 2. Unlapi at Hulapi Mga Halimbawa: nagkwentuhan palaisdaan kasabihan matulungin 3. Gitlapi at Hulapi Mga Halimbawa: sinamahan pinuntahan tinandaan hinangaan e. Laguhan - ang panlapi ay binubuo ng tatlong magkakaibang uri: unlapi, gitlapi, at hulapi. Mga halimbawa: pinagsumikapan nagsinampalukan 3. Inuulit - ang buong salita o bahagi ng salita ay inuulit. May dalawang anyo ng pag-uulit ng mga salita. a. Inuulit na ganap - ang buong salita, payak man o maylapi ay inuulit. Mga Halimbawa: taun-taon masayang-masaya bahay-bahay mabuting-mabuti b. Inuulit na di-ganap - bahagi lamang ng salita ang inuulit. Mga Halimbawa: pala-palagay malinis-linis susunod 4. Tambalan - ang salita ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinagsama upang makabuo ng bagong salita. May dalawang uri ng tambalang salita: a. Tambalang salitang nanatili ang kahulugan Mga Halimbawa: isip-bata (isip na gaya ng bata) buhay-mayaman (buhay ng mayaman) abot-tanaw (abot ng tanaw) sulat-kamay (sulat ng kamay) Ang gitling sa pagitan ng dalawang salitang pinagtambal ay kumakatawan sa nawawalang kataga sa pagitan ng pinagtambal na salita b. Tambalang salitang nagbibigay ng bagong kahulugan Mga Halimbawa: hampaslupa (taong napakahirap ng buhay) dalagangbukid (isang uri ng isda) talasalitaan (bokabularyo) hanapbuhay (trabaho) Antas ng Wika Antas ng Wika 1. formal at di-formal - di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda 2. lingua franca - wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao 3. lalawiganin - mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan 4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare' 5. balbal o pangkalye - wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla - halimbawa ang mga salitang 'eklavush', 'erpat at ermat' at 'cheverloo'. 6. edukado/malalim - wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal Ang wika ay nahahati sa iba't ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan. Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami. Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining. Halimbawa: Kahati sa buhay Bunga ng pag-ibig Pusod ng pagmamahalan Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?) Nakain ka na? (Kumain ka na?) Buang! (Baliw!) Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita. Halimbawa: Nasan, pa'no,sa'kin,kelan Meron ka bang dala? Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar. Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa) Orange (beinte pesos) Pinoy (Pilipino) Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal: 1. Paghango sa mga salitang katutubo Halimbawa: Gurang (matanda) Bayot (bakla) Barat (kuripot) 2. Panghihiram sa mga wikang banyaga Halimbawa: Epek (effect) Futbol (naalis, natalsik) Tong (wheels) 3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog Halimbawa: Buwaya (crocodiles - greedy) Bata (child - girlfriend) Durog (powdered - high in addiction) Papa (father - lover) 4. Pagpapaikli Halimbawa: Pakialam - paki Tiyak - tyak 5. Pagbabaliktad Buong Salita Halimbawa: Etned - bente Kita - atik Papantig Halimbawa: Dehin - hindi Ngetpa - Panget Tipar - Parti 6. Paggamit ng Akronim Halimbawa: G - get, nauunawaan US - under de saya 7. Pagpapalit ng Pantig Halimbawa: Lagpak - Palpak - Bigo Torpe - Tyope - torpe, naduwag 8. Paghahalo ng salita Halimbawa: Bow na lang ng bow Mag-jr (joy riding) Mag-gimik Mag-MU 9. Paggamit ng Bilang Halimbawa: 45 - pumutok 1433 - I love you too 50-50 - naghihingalo 10. Pagdaragdag Halimbawa: Puti - isputing Kulang - kulongbisi 11. Kumbinasyon Pagbabaligtad at Pagdaragdag Halimbawa: Hiya - Yahi - Dyahi Pagpapaikli at pag-Pilipino Halimbawa: Pino - Pinoy Mestiso - Tiso, Tisoy Pagpapaikli at Pagbabaligtad Halimbawa: Pantalon - Talon - Lonta Sigarilyo - Siyo - Yosi Panghihiram at Pagpapaikli Halimbawa: Security - Sikyo Brain Damage - Brenda Panghihiram at Pagdaragdag Halimbawa: Get - Gets/Getsing Cry - Crayola STORY ARC B. Panimula - introduce the problem. Ano ang gusto ng iyo'ng mga tauhan. Ano'ng gumagambala sa kanya. B. Gitna - dito mo ilalagay ang mga obstacles or mga challenges na haharapin ng bida ng iyo'ng kwento. Pero magsimula ka sa mga light obstacles muna. B. Darkest Moment - eto na ung punto na kung saan para ba'ng hindi mareresolba ng karakter ang kanyang goal. Dito papasok yung mga bagay tinatawag na biggest hurdle o ung "conflict". Nagagamit ito hindi lamang sa kwentong drama. After all, lahat naman tayo ay nakakaranas ng darkest moment sa buhay. B. Wakas - ito na. ending. katapusan. Either happy or sad. Anuman ang nangyari, the character has changed or learned. Laging tandaan na the seed of your ending is always already in the beginning. Wag gumawa ng wakas na bigla na lang lumabas out of nowhere. Medyo nagiging cheap na ang plot mo pag ganun. Ipabasa sa iba ang iyo'ng gawa at hingin ang kanilang feedback. - negative or positive man. Makakatulong sila para mag-improve ka sa pagsusulat. I-revise, review at i-edit - bago mo ito ipublish sa iyong blog. MGA KATANGIANG KAKAILANGANIN Walang eksaktong hakbang na dapat sundin sa pagsusulat ng anumang kuwento. Walang batas na dapat tuparin. Walang requirements na dapat angkinin para maging isang writer. In fact, hindi mo na kailangang maging isang epektibong manunulat, although ang pagkakaroon ng degree ay maaaring makatulong nang malaki. Marahil, kung mayroon mang qualifications na hinihingi ang pagiging isang writer, ito ay ang mga sumusunod: 1. Interes sa propesyon, o iyong tinatawag na passion for writing. 2. Talento sa pagsusulat. 3. Kauhawang mailahad ang nilalaman ng puso't isipan . 4. Tiwala sa sarili . 5. Lakas ng loob at katatagan. 6. Disiplina. Kung mayroon ka ng mga katangiang ito, kahit na iyong naunang tatlong qualifications lang, maaari ka nang maging isang writer o manunulat! At hindi lang basta writer kundi isang magaling na manunulat. After all, the mere fact na binabasa mo ang artikulong ito ay isa nang pagpapatunay na may interes ka sa pagsusulat. At iyon ang pinakamahalaga sa lahat dahil ito ang ugat na pagkukunan mo ng lakas, bago ka umani ng tagumpay. BAGO KA MAGSIMULANG SUMULAT Bago magsimula ang lahat, at bgo mo buuin ang iyong kuwento, bago ka humarap sa iyong computer at itipa ang nilalaman ng iyong puso't isipan, mahalagang ihanda mo muna ang iyong sarili. At ang paghahandang iyon ay ang mga sumusunod: 1. Magbasa ka. Bible , magazines, diyaryo, pocketbooks, songhits, billboards, encyclopedias, love letters, pamphlets, komiks, posters at kahit death threat patulan mo! Bakit? Dahil ang lahat ng ito ay makatutulong sa iyo para magkaroon ka ng ibayong inspirasyon. Bukod dito, binubusog mo ang iyong isipan ng mga impormasyon na maaaring gamitin pagdating ng tamang panahon sa iyong pagsusulat. 2. Manood ka ng mga palabas sa TV at sinehan. Tulad ng pagbabasa, inspirasyon at karunungan ang maitutulong ng mga ito sa iyo. Ngunit tiyakin lamang na ang mga panonooring mga palabas ay iyong may katuturan at kapupulutan ng aral. 3. Kumain ng mga masusustansiyang pagkain at panatilihin ang kalusugan . Alalahaning sa pagsusulat ng nobela, minimum ang 120 pahinang puno ng mga salita ang iyong titipahin sa harap ng computer (o makinilya, kung existing pa ito). Talagang kakailanganin mo ang ibayong lakas at katatagan upang ito ay maisagawa. Bukod pa roon, madaling magutom ang writer dahil isip ang ginagamit. Kaya ngayon pa lang, dapat ka nang maging health conscious. 4. Mag-exercise. Hindi lamang para sa pisikal na pangkalusugan kundi pang-ispiritwal ng pangangailangan din. Palayain mo ang iyong isipan sa mga kasalukuyang problema, stress, anxiety at pag-aalala upang malayang makapag-isip ang iyong utak ng mga magaganda at matitinong kuwento. Maiiwasan din nito ang magkaroon ng tinatawag na writer's block. 5. Maging sensitive at observant sa paligid. Lahat ng kasaysayan, kahit gaano pa kaimposible ay nag-uugat sa katotohanan. Sa realidad. Kaya bilang writer, huwag ka lamang makuntento sa sarili mong pag-iisip at paniniwala . Tumingin ka rin sa iba at makinig. Kumapit ka sa lupang iyong tinutungtungan upang maging malay ka sa mga kasalukuyang nagaganap sa mundo. 6. Higit sa lahat, magdasal ka. Tulad ng ibang bagay sa ating buhay, ang pagsusulat ng kuwento ay isang trabahong hindi natin maisasagawa nang matagumpay kung wala ang tulong ng Dakilang Lumikha . Ipagdasal mong magkaroon ka ng sapat na lakas at pag-iisip sa trabahong gagawin. Ipanalangin mong sa iyong pagsusulat ng kuwento'y wala kang sinumang masasagasan, at wala kang sariling prinsipyong mawawasak. Ipanalangin mo rin na huwag kang matuksong sumulat ng mga bagay-bagay na maaaring maka-epekto nang masama sa iyong mga mambabasa. MGA POSIBILIDAD NA SIMULA SA PAGSUSULAT NG KUWENTO 1. Magsimula sa pangarap at aspirasyon ng tauhan. Libre ang mangarap, pero mahal ang bayad sa katuparan. 2. Magsimula sa isang linya na makabuluhan sa bidang tauhan. Paano ba ang maging hangin? Iyong hindi nakikita pero alam mong nariyan lang. Iyon kasi ang gusto kong tumanin sa puso't isipan mo. Na ako'y isang hangin na kaylanman ay hindi mo nakikita pero alam mong nariyan lang at kailangan mo para mabuhay. 3. Magsimula sa pamamagitan ng isang event na may kinalaman ang tagpuan o milyu sa main plot ng kuwento. Announcement ng isang babaeng may terminal na kanser sa araw ng kanyang kasal. 4. Magsimula sa pamamagitan ng isang napakahalagang dayalog ng tauhan. Ngayong gabi pa lamang ako isisilang. Ngunit ang buhay ko'y magsisimula sa aking kamatayan. 5. Magsimula sa pamamagitan ng paglalarawan ng bidang karakter. Mistula siyang buntis dahil sa laki ng kanyang tiyan. Tila sasambulat na ang kanyang tiyan na puno ng mga bulateng nagpupumiglas. 6. Magsimula sa isang maganda o pangit na karanasan. Sa isang masaya o isang malungkot na eksena o kaya'y isang nakakapangilabot na eksena. Malakas na malakas ang ulan. Hinihila ang isang bangkay patungo sa mababaw na hukay na paglilibingan dito. Mababaw lang ang hukay. Tila nais lang ikubli ang isang krimen. 7. Magsimula sa isang aksiyon. May isang lalaking tatalon sa MRT. Gawing slow motion ang description ng eksena. 8. Magsimula sa maraming posibilidad ng simula sa pagsusulat.