UHS WRITING WORKSHOP PROGRAM Idea by: Daryl Morales, Oh Angeles, and Other WWR Group Admins TABLE OF CONTENTS: *. * Vocabularies and Right Format of Dialogue *.* Difference Between "Daw" or "Raw" *.* Tamang Paggamit ng Paragraph *.* Different Subgenres of Horror Stories *.* Paano Gumawa ng Horror Story? *.* Paano Umisip ng Magandang Title? * *.* Paano Maglagay ng Angkop na Emosyon *.* Paano Gumawa ng Relatable Character *.* Paano Maglagay ng Effective Ending? *.* Paano Kontrahin ang Writers Block? *.* Paano Umpisahan Ang Pagsusulat Kung Wala Pang Maisip? *.* Ano Ang Gagawin Kung Hindi Mo Matapos-tapos ang Iyong Story? *.* Ano Ang Dapat Gawin Kung May Kapareho Ang Iyong Story Sa Story ng Iba? *.* Tamang Paggamit ng mga Expressions Sa Story UHS WRITING WORKSHOP PROGRAM LESSON NO. 1: Paano Gumawa ng Horror Story? Paano nga ba gumawa ng isang originated plot na horror story? Yung bang uri ng kuwento na papatok at magiging bago sa panlasa ng mga mambabasa? Simple lang. Mag-isip ka ng bagong plot o 'bagong atake' sa iyong horror story. Kadalasan kasi, kaya nagiging matabang na sa panlasa ng mga mambabasa ang nababasa nilang kwento ay dahil sa lumang atake na ginagamit ng mga author sa paggawa nila ng horror story. Bibigyan ko kayo ng ilang halimbawa ng mga lumang atake na karaniwan nang ginamit sa mga horror movies at horror stories: Example No.1: A. Lumabas ang multo/clown sa telebisyon at hinabol ang bata/matanda. (Bakit nga ba luma na ang ganitong klaseng atake? Dahil kung natatandaan nyo, ginamit na ang ganitong atake sa Shake, Rattle and Roll 6 noon, du'n sa episode na Telebisyon kung saan lumabas ang clown sa TV at kinuha niya yung batang nanonood. Ginamit na rin ang atake na ito doon sa The Ring kung saan lumabas si sadako sa TV at hinabol yung lalaki. Kaya kapag ginamit nyo pa ang ganitong klaseng atake sa inyong horror story, hindi na masyadong matatakot doon ang mga readers dahil nakapanood o nakabasa na sila ng mga ganoong eksena o atake. Hindi na iyon mabisa para magbigay ng takot sa mga mambabasa. Sa madaling salita, hindi na sila masyadong kikilabutan doon.) Example No. 2: A. Sinugod ng mga cannibal/aswang ang dalawang lalaki at kinain nila ang lamang loob ng mga ito. B. Kinagat ng bampira/werewolf sa leeg ang babae pagkatapos ay hinila niya ito papunta sa isang tagong lungga. C. Nasuka ang babae ng makita niya ang mga lamang loob ng kanyang kasama doon sa lumang lamesa. (Bakit nga ba luma na ang ganitong klaseng atake? Dahil nga ginamit na rin ito sa mga horror movies noon. Very common na sa atin 'yang mga ganyang klaseng atake ng mga monster. Yung iba kasing author, kung ano yung napanood nila sa TV/movie, ganun din yung ilalagay nilang atake sa horror story nila. May iniba lang ng konti sa kuwento pero yung patutunguhan ng story mula una hanggang huli ay walang pinagbago, kung saan mapupunta yung mga bida kunwari sa isang unknown place tapos may madidiskubre silang monsters tapos aatakihin sila. Lumang-luma na ang ganoong klaseng plot. Kadalasan ay nawawalan na ng thrill o excitement ang mga readers kapag palaging ganoon ang plot ng kuwentong nababasa nila. Pero ang mga ganoong klaseng plot ay puwede mo pa namang gamitin o bihisan para magmukhang bago. Kailangan mo lang mag-isip ng panibagong setting, twist, conflict, at mga relatable characters) Example No. 3: Ginahasa ng 3 lalaki ang babae sa kuwarto nito. Makalipas ng isang taon, nagmumulto ang babae sa bahay na iyon dahil gusto niya ng katarungan. (Bakit nga ba luma na ang ganitong klaseng atake? Dahil kadalasan, ito ay madalas na nating mabasa sa mga pocketbook na nabibili natin. Ito yung pinaka madaling horror story na nagagawa ng kahit sino. Lahat yan ay pinaglumaan na ng mga lumang horror movie at mga horror pocketbooks. Lalo na kung walang twist, mas nakakatamad nang basahin dahil masyado nang predictable ang kuwento. Hindi na masyadong nakaka-excite o wala nang thrill dahil madalas na natin itong nababasa o napapanood noon. Wala nang "something different" ika nga. Sa mga ganitong plot, mas mabisang gamitin ang paglalagay ng twist upang hindi mawala ang excitement ng mga nagbabasa) Example No. 4: Sinapian ang babae ng isang multo/demonyo. Itinali siya sa kama at saka siya binuhusan ng holy water ng pari. (Marami ang nagsasabi na ang mga kuwentong tulad ng SAPI o EXORCISM ang pinaka nakakatakot na basahin. Tama iyon. Pero minsan, kaya nakakasawa ring magbasa ng mga kuwentong sapi ay dahil pare-pareho na lang din ang pinatutunguhan ng kuwento. Ang iba nga, parang ginagaya lang nila yung Exorcism of Emily Rose pero wala na silang ibang alam na atake na puwedeng ilagay. Yun bang mas nakakagulat at un-expected kaysa sa nauna. Dahil sa paggamit ng mga lumang atake, hindi na gaanong natatakot ang mga readers sa horror story na iyon o minsan ay agad nilang nape-predict ang susunod na mangyayari kaya minsan ay hindi na nila tinatapos ang kuwento kasi yung kwentong binabasa nila na masyadong predictable, parang kamukha lang noong iba nilang nabasa o napanood before. Walang "something different" na magiging bago sa panlasa nila na maaaring pumukaw sa atensyon nila) Iyan ang mga ilang example ng mga lumang atake sa isang horror movie/story. Kaya para maging bago sa panlasa ng mga readers ang horror story na inyong ginagawa, dapat mag-isip kayo ng 'bagong atake' sa inyong horror story. A new way to frighten readers. Mag-isip kayo ng bagong paraan kung papaano lalabas ang isang multo o elemento sa inyong kuwento. Mag-isip kayo ng isang atake na hindi pa nagagawa sa mga horror movies o stories. Mag-isip kayo ng bagong atake na tatatak sa isipan ng mga readers na magbibigay ng dahilan para magustuhan nila ang kuwentong iyon at masabi nila na "Shit! Ngayon pa lang ako nakabasa ng ganitong klaseng horror story! Very unpredictable. ! Di ko in-expect na may makakagawa pala ng ganitong klaseng plot! Very unique!" Hindi na 'ko magbibigay ng example ng ilang mga bagong atake sa horror story. Syempre bilang writer, kailangan, ikaw mismo ang mag-isip kung papaano mo tatakutin ang mga readers mo sa iyong mga sinusulat. Kailangan ay ikaw mismo ang makaisip ng something different, something unique sa iyong horror story. Kailangan mo lang manood ng iba't ibang klase ng horror movies para makakuha o makaisip ka ng new idea mo. Pwede ka rin magbasa ng maraming horror books para malaman mo kung anong mga kwentong katatakutan ang mas mabenta. Puwede ka rin magbasa ng mga lumang documentaries na may something creepy na pwede mong gawan ng kuwento, o pwede rin namang makipagkuwentuhan sa mga barkada ng kanilang mga karanasan o maglibot sa labas ng bahay, o di kaya'y habang ikaw ay bumibiyahe, ugaliing tignan o pagmasdan ang mga nadadaanan o ang kapaligiran para makasagap ka rin ng maganda o nakakatakot na tagpuan para sa iyong kwento. LESSON NO. 2: Paano Maglagay ng Magandang Title? Ang pamagat ang pinakamahalagang parte ng isang kuwento. Ito ang una nating ginagamit para pukawin ang atensyon ng mga readers. Pero minsan, may ilang mga author dito na magagaling naman magsulat pero hindi lang masyado napapansin yung kuwento nila. Dahil ang title na naisip nila ay hindi gaano interesting kaya iniisip ng mga readers na pangit lang ang kuwentong iyon. Kailangan kasi, hindi lang ang nilalaman ng kuwento ang maganda. Dapat pati ang title ay maganda rin. Mula title hanggang content ng story hanggang sa cover photo. Bibigyan ko kayo ng ilang mga halimbawa ng 'hindi na gaanong mabenta' na mga titles: 1. "HAUNTED HOUSE" Alam naman natin na ang pamagat na "Haunted House" ay ginamit na sa maraming horror movies at horror stories. Mapa-fiction man o true to life. Kadalasan, kapag "haunted house" ang title ng isang story, agad na papasok sa isip natin ay tungkol lamang ito sa mga multong naninirahan sa isang luma o abandonadong bahay. Syempre bilang reader, marami na tayong nabasa o napanood na tungkol sa haunted house kaya kung paulit-ulit tayong nakakakita ng ganitong title, parang hindi na tayo nagkaka-interes na basahin iyon dahil alam na natin na ang kuwento ay tungkol lamang sa mga multong nagpaparamdam sa lumang bahay. Wala nang something different. Kaya kahit sobrang ganda ng kuwento, hindi gaano dinudumog ng mga readers dahil sa pag-aakala nilang luma na ang dating ng kuwento porket luma din ang dating ng title. Di natin maiwasan iyon. 2. "ANG WHITE LADY SA BAHAY/PUNO" Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit kahit maganda ang story na sinusulat natin ay walang masyadong pumapansin. Dahil sa title pa lang, alam na alam na natin kung tungkol saan ang kuwento. Kapag nakakita tayo ng ganitong title sa isang story, agad na papasok sa isip natin na baka tungkol lamang ito sa isang babaeng ginahasa sa bahay kaya nagpaparamdam siya doon o baka naman isang engkantong babae sa puno na nagpapakita sa mga ginagabi sa biyahe. Hindi ba't madalas na tayong nakakabasa ng ganoong klaseng kuwento o madalas na natin iyong napapanood sa mga programa sa telebisyon o sa mga movies? Kaya karamihan sa mga readers ay hindi na pinagsasayangan pa ng oras na basahin ito dahil yung ibang readers ay matatalino. Madali nilang ma-predict yung nilalaman ng kuwento dahil lamang sa masyadong bulgar na title. 3. "ANG ASWANG SA BARANGAY SAN AGUSTIN" Mula pa noong kabataan natin, marami na tayong narinig na mga kuwento tungkol sa aswang. Tiyak na marami na rin tayong napanood na katulad ng ganito. Karamihan sa atin ay kabisado na ang katangian ng mga aswang, kung paano sila nagta-transform, kung paano sila nambibiktima, kung ano ang hitsura nila, kung ano ang kinakain nila, at kung saan sila namumugad. Kaya kung ganito ang title ng isang story, lalo na kung ang babasa nito ay reader expert, madali nilang mape-predict ang nilalaman ng kuwento. Sasabihin nila na, "Ay, hindi ko na ito babasahin. Sigurado tungkol lamang ito sa mga aswang na nambibiktima sa Barangay San Agustin. Magbabasa na lang ako ng mas maganda at mas bago kesa dito." Bukod d'yan, marami pang mga title na masyado nang bulgar tulad ng "Kulam," "Engkanto," "Imaginary Friend," at iba pa. Sa panahon ngayon, kailangan ay gawin nating logical, creepy at kaakit-akit ang title lalo na kapag horror at romance ang story na isusulat natin. Pero ano nga ba ang dapat nating gawin para maging interesting ang title ng horror story natin? Kailangan lang nating mag-isip ng mas maganda at mas nakakatakot na title. Halimbawa: Kung gagawa ka ng story na tungkol sa bangungot, siguradong nakakatakot ito. Maraming narerelate dito dahil halos lahat ng tao ay nararanasan ang bangungot. Pero kapag naman ginawa mong "Bangungot" ang title ng story, masyado nang bulgar iyon. Kailangan mag-isip ka ng mas maganda pang title kung saan mapapaisip yung mga reader kung bakit ganoon ang title at kung ano kaya ang nilalaman ng kuwento. Kaya imbes na "Bangungot" ang iyong ilagay na title, puwede mo namang gawing "Huwag Kang Pipikit." Mas maganda ang title na iyon at related siya sa bangungot. Mapapaisip ang mga reader doon at sasabihin nila na, "Bakit naman kaya hindi kami pipikit? Ano ba ang mangyayari kapag kami ay pumikit? Hay nako, mabuti pa, babasahin ko na lang ang kuwentong ito mukhang maganda!" At after nila mabasa ang kuwento, hindi nila in-expect na tungkol pala iyon sa bangungot at sa ending ng kwento, nalaman na nila ang dahilan kung bakit ganoon ang title. "Huwag Kang Pipikit. Baka Sa Iyong Pagtulong Ay Hindi Ka Na Magising!" Mabisa iyon para magbigay ng takot sa mga readers. Kaya sigurado magiging patok ang iyong horror story. LESSON NO. 3: Paano Kontrahin ang Writer's Block? Ano ba ang "Writers Block"? Ito ang tawag kapag ang isang author ay naba-blangko ang utak. Wala siyang maisip na kahit anong maisulat o wala siyang maisip na idudugtong sa unfinished story niya o di naman kaya'y hindi niya alam kung paano sisimulan o tatapusin ang story niya. Lahat ng mga iyan ay nangyayari kapag ang isang writer ay merong "writers block." Normal lamang ito sa lahat ng mga writers. Ang solusyon lamang dito ay ihinto ang pagsusulat kung wala ka pa talagang maisip na maisusulat. Darating din ang mood na iyan. Hindi mo kailangan puwersahin ang utak mo sa kakaisip dahil baka sumakit lang ang ulo mo. Magpahinga, kumain ng marami, lumibot, magbasa, manood para mapuno ulit ng mga idea ang lalagyan ng iyong imahinasyon. Huwag kang magmamadali. Dahil ang pagsusulat ng istorya ay hindi naman dapat minamadali. Ito ay pinaghihirapan, pinagpapawisan, at pinag-iisipang mabuti. Ang pagsusulat ng isang nobela ay kadalasa'y umaabot ng isang linggo, isang buwan, o minsan ay taon. Bawat kabanata ng nobela ay mahalaga at dapat ay gawin itong kapana-panabik. Kung ano lang ang iyong naisulat nang araw na iyon, huminto ka lang doon kung wala ka nang maisip. I-draft mo muna ito at dagdagan mo na lang sa mga susunod na araw kung kailan ka makakaisip ng idudugtong mo sa kuwento, lalo na kung nobela ang iyong sinusulat at hindi one shot story. Dahil ang bawat kabanata ng nobela ay dapat tinatapos sa loob ng isa hanggang tatlong araw o higit pa. At 'yung mga nagtatanong sa akin noon na hindi raw nila alam kung paano uumpisahan ang kanilang istorya, wala pong ibang sagot doon kundi ito lang post na ito. Syempre dahil ikaw ang writer, ikaw lamang ang mas may kakayahan kung sa anong paraan mo mauumpisahan ang iyong kuwento. Tulad nga ng nabanggit ko, parte iyan ng writers block. Hindi mo mapipilit ang iyong utak kung ayaw pa niyang maglabas ng bagong idea. Dapat lamang ay maghintay, magpahinga, at mag-explore sa kapaligiran para makasagap kahit papaano ng ideya o plot na pwede idagdag sa iyong kwento. Basta't kung ano lang ang naisip mong isulat, hanggang dun na lang muna at magpahinga ka para makapag-isip ka ng mabuti. Huwag mo pupuwersahin na tapusin dahil magiging pangit lang ang kalalabasan nito. Huwag mo ugaliin ang pagmamadali. At isa pang tip, sa susunod na gagawa ka ng bagong kuwento, mas mabuting tapusin mo muna lahat mula chapter one hanggang ending para kapag updating time na, wala na kayong iisipin pa at para hindi na rin matagalan ang pag-update ninyo dahil kumpleto na ang bawat kabanata ng kuwento. Kadalasan kasi sa ating mga writers, kapag nakaisip tayo ng bagong story, akala natin napakaganda na nito, akala natin iyon na ang "the best" na naisulat natin. Pero kapag natapos na natin, parang nahihiya pa tayong i-post ito dahil baka hindi magustuhan ng mga readers. Dahil iyon sa kamamadali ninyo na makatapos agad ng kuwento. Ang pagsusulat ng nobela ay hindi naman madali talaga. Tulad nga ng sinabi ko kanina, kailangan mo maglaan ng dalawa hanggang tatlong araw para mabuo lang ang isang chapter ng kuwento o minsan aabutin ka pa ng isa hanggang dalawang buwan para matapos mo at ma-perfect ang iyong novel mula chapter one hanggang ending. Mas mabuti na yung tapusin mo muna ang buong kuwento bago mo i-post. At kapag natapos mo na, bago mo i-post ay i-review o i-proof read mo muna. Basahin mo muna para makita mo kung may mali pa para agad mo itong mapalitan at maitama at kung may naisip ka pa na puwedeng idagdag o baguhin sa kuwento, walang magiging hadlang. At kapag na-edit mo na ang lahat-lahat, doon mo pa lang i-publish o i-update ang iyong story para wala ka nang worries about criticism. ALAM N'YO BA? Ang pinakaunang dahilan kung bakit nakakatanggap ng negative criticism ang isang author ay dahil ito sa kamamadali niyang makatapos ng story. Kadalasan ay ganito ang natatanggap niyang kritisismo: 1. "bitin ang ending." 2. "masyadong minadali yung bawat eksena ng kuwento." 3. "may mga grammar na mali-mali at may mga wrong spelling pa." 4. "masyadong jejemon ang format ng kwento. nakakaumay basahin." 5. "parang hindi naman makatotohanan yung takbo ng kuwento. nakakatanga lang basahin." ANG MGA GANYANG COMMENTS AY NORMAL LANG NA NANGYAYARI KAPAG KAYO AY NAGMAMADALI MASYADO SA PAGSUSULAT. LESSON NO. 4: Paano Maglagay ng Angkop na Emosyon sa Story? Alam n'yo ba? Isa sa mga emportante na dapat n'yong matutunan ay ang angkop na emosyon sa mga tauhan ng inyong kuwento. Sa isang story, kailangan ay narerelate ang mga nagbabasa sa isang character o bida doon para mas madama nila ang nais iparating ng kuwento. Ang characters ang bumubuhay sa isang kuwento o nobela kaya ano ba ang mainam na gawin para malapatan natin sila ng angkop na emosyon na siguradong madadama ng mga readers? Bibigyan ko kayo ng ilang halimbawa ng mga story na kulang sa emosyon at hindi relatable. Wrong Example: May stage four cancer si Roy pero sa awa ng Diyos ay gumaling na siya ngayon. Correct Example: Si Roy ay gumaling sa kanyang stage four cancer matapos niyang kumonsumo ng carrot juice sa loob ng dalawang buwan araw-araw. Ang carrot juice ay mabisang panlaban sa cancer at makakatulong din ito sa mga pasyenteng may dengue upang tumaas agad ang platelet count nila. Kailangan, detalyado ang bawat pangyayari sa inyong kuwento. Paano magiging kapani-paniwala na gumaling si Roy sa stage four cancer kung hindi naman pinaliwanag sa kuwento kung ano ang mga ginawa niya para malabanan ang cancer niya? Heto pa ang isang example: Wrong Example: Palaging nakakakita ng multo si Roy sa kanyang bahay at kahit saan-saan magmula nang gumaling siya at makauwi galing sa ospital. Takot na takot siya. Correct Example: Magmula nang gumaling si Roy sa kanyang sakit ay nagsimula na siyang pagpakitaan ng mga kaluluwa kahit saan siya magpunta. Sa tuwing makakakita siya ng multo ay pakiramdam niya'y lumalaki ang ulo niya na parang gustong sumabog anumang oras. Tumitindig ang kanyang balahibo at bumibilis ang pintig ng kanyang puso. Kailangan, hindi mo lang puwede ilagay na natakot ang bida sa kuwento. Kailangan ay ipapaliwanag mo rin kung paano siya natakot at kung ano ang nararamdaman niya sa nagaganap o nakikita niya. Paano ba maglagay ng angkop na emosyon sa iyong character? Una, tanungin mo ang iyong sarili, kung sakaling ikaw ang makakita ng multo o aswang, ano ba ang iyong mararamdaman? Matatakot ka ba? Tatayo ba ang balahibo mo? Manlalambot ba ang mga binti mo? Kakabog ba ang dibdib mo? Mahihimatay ka ba sa takot? Mapapaihi ka ba sa salawal mo? Kung ano ang nararamdaman mo, iyon ang dapat na ilagay mong emosyon o reaksyon ng bida sa iyong kuwento. Tandaan lang na iwasan maging 'over acting' ang iyong character porket natatakot siya. Sa reality kasi, may mga tao rin na kahit nakakita na ng multo ay hindi naman agad napapasigaw o napapatalon. 'Yung iba napapatulala lang o napapako sa kinatatayuan. Depende sa kung gaano sila katapang o kung gaano kaduwag. Kaya dapat nasa timing kung saang eksena nyo kailangan pasigawin o patalunin sa takot ang isang karakter sa kuwento. May nabasa ako rito dati na kuwento; sinulat siya ng isang writer dito dati na hindi ko na babanggitin ang pangalan; five months na ang nakalilipas; ang natatandaan kong nakalagay sa kuwento niya ay nilipad lang daw ng hangin 'yung kurtina tapos napaihi na raw sa sobrang takot 'yung bida. Nangyayari ba sa reality iyon? Kayo ba, kapag nakita ninyong nilipad lang ng hangin ang kurtina sa bahay n'yo mapapaihi na kayo sa takot? Hindi naman siguro 'di ba? Porket nilipag lang ng hangin 'yung kurtina may multo na agad? 'Di ba puwedeng baka nakatutok lang 'yung electric fan n'yo sa kurtina o baka nakabukaka lang lahat ng mga bintana kaya natatamaan ng pumapasok na hangin sa labas 'yung kurtina n'yo. Kaya dapat alam n'yo ang timing at perfect scene kung saang eksena n'yo talaga pasisigawin, patatalunin, o paiihiin sa takot ang bida. Iwasan na maging over acting sila para hindi rin maging over acting ang mga comments o feedbacks na matatanggap n'yo mula sa inyong mga readers. Gusto n'yo bang makatanggap ng comments na, "anu ba 'yan! porket nilipad lang ng hangin yung kurtina nahimatay na yung bida? nangyayari ba sa totoong buhay yan? nakakatanga lang basahin ayoko na nga basahin ito!" Lahat tayo ayaw makatanggap ng ganyang comments kaya dapat maging maingat sa paggamit ng angkop na emosyon sa mga tauhan ng iyong kuwento. LESSON NO. 5: Paano Maglagay ng Effective Ending? Ang ending ang isa sa pinakamahalagang bagay sa isang kuwento lalo na sa isang horror story. Sa ending, dapat lahat ng mga katanungan sa iyong kuwento mula una ay dapat nang masagot. Puwede mo sagutin ang mga katanungang iyon sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga tunay na nangyari sa nakaraan o puwede mo rin ito gawing logic at magbigay ng pattern sa bawat chapter para mahulaan ng readers kung ano ang kasagutan sa tanong na mababasa nila sa ending. Ito ang ilang mga effective na ending na puwede ninyong ilapat sa inyong mga kuwento. GOOD ENDING - Ang ending na ito ay hindi maituturin na 'happy' ending. Tinatawag na 'Good' ang ending ng isang horror story kapag nagwakas ito na hindi pa natatapos ang kababalaghan pero nagdulot ito ng malaking impact o takot sa mga readers kaya kahit bitin ito ay maganda ang kinalabasan dahil sa logic o twist na ginamit sa ending. HAPPY ENDING - Ito ay isang pangkaraniwang ending na ating nababasa hindi lang sa horror story pati na rin sa iba pang genre gaya ng romance, comedy, action, fantasy, at iba pa. When we say 'happy ending' ang in-expect ng mga readers dito ay ang pagtatapos ng lahat ng mga kababalaghan, katatakutan, at patayan sa isang horror story. Dito na rin natatahimik o nabibigyan ng hustisya ang isang kaluluwa na naghihiganti sa kuwento. TRAGIC ENDING - Ito ay isang uri ng ending kung saan mamamatay ang bida sa isang kuwento. Mag-ingat sa paggamit ng tragic ending dahil maaaring ito ang makasira sa panlasa ng mga readers kapag namatay ang pinakamamahal nilang bida sa kuwento. Gagamitin lamang ang tragic ending sa isang horror story kung ang pagkamatay ng iyong bida ay nagdulot ng kapayapaan o kalayaan sa isang kuwento. Sa malinaw na salita, hindi masamang patayin ang bida sa isang kuwento kung meron itong maidudulot na kabutihan sa lahat ng mga tauhan at pangyayari sa iyong kuwento at kung meron ba itong mahalagang 'moral lesson.' Tandaan lamang na pagdating sa 'horror' genre, hindi lahat ng horror story ay kailangan lagyan ng happy ending. Tulad ng mga nabanggit ko, ang pinakamabisang ending ng isang horror story ay ang "GOOD ENDING." Kung napanood nyo na ang mga horror movies gaya ng Wrong Turn, Saw, Final Destination, Dead Silence, The Grude, The Ring, Wishing Stairs, White: The Melody of Death, at ilang mga pinoy horror movies tulad ng Feng Shui, Sukob, T2, Kulam, Sundo at iba pa, mapapansin ninyo na wala silang happy ending. Sa huli hindi pa rin natatapos 'yung kababalaghan o hindi pa rin natatahimik 'yung kaluluwa ng isang taong namatay. Pero bakit sumikat pa rin ang mga ito at umani ng 'sang katerbang papuri? Bakit nagdulot ito ng kilabot at takot pagkatapos nating mapanood kahit walang happy ending? Dahil sa effective na "Good ending" na kanilang inilagay. Basta't maganda at effective ang ending ng iyong horror story, kahit hindi ito happy ending ay siguradong papatok ito sa mga readers. Basta't sa pagwawakas ng kwento ay dapat na masagot ang mga katanungan sa kwento na puwedeng idaan sa lohikal na paraan gaya ng pagbibigay ng mga clue or hint kung sino ang tunay na salarin, o kung anong lihim ang itinatago ng isang karakter sa kuwento. LESSON NO. 6: Different Subgenres of Horror Stories 1. Suspense - A state or feeling of excited or anxious uncertainty about what may happen. Ang suspense horror story ay mga kuwento na naglalaman ng mga eksenang kapana-panabik malaman ang mga mangyayari o magaganap sa isang tauhan, lugar, o bagay. 2. Thriller - A novel, play, or movie with an exciting plot, typically involving crime or espionage. Ang thriller ay may pagkakahawig sa suspense dahil pareho silang naglalaman ng mga eksenang kapana-panabik, pero ang thriller horror story ay more on crime scene. Maaaring ito ay puno ng barilan, saksakan, o torture na patayan. 3. Mystery - Something that is difficult or impossible to understand or explain. Ang Mystery o Misteryo ay isang uri ng horror story na tungkol sa mga misteryosong tao na may isang karanasan na hindi mabigyan-bigyan ng paliwanag o mga misteryosong bagay at pangyayari na mahirap ipaliwanag o mahirap paniwalaan pero nangyari at nagkatotoo. 4. Supernatural - Supernatural horror story is a genre that centers around supernatural elements, such as ghosts, gods, goddesses, and miracles. Sa madaling salita, ang supernatural horror story ay tungkol sa mga kuwento na nagpapakita ng himala, milagro, at ito ay more on ghosts, at mga Diyos-Diyosan. 5. Paranormal - Denoting events or phenomena such as telekinesis or clairvoyance that are beyond the scope of normal scientific understanding. Ang Paranormal horror story ay tungkol sa mga kuwento na hindi basta-basta mabigyan ng scientific na paliwanag. Ito ay tungkol sa mga larong may kinalaman sa pakikipag-communicate sa mga ispirito o elemento tulad ng spirit of the glass at Charlie game. Ang paranormal horror story ay related din sa telekinesis o pagpapagalaw ng mga bagay sa pamamagitan ng isip, pagbasa ng nilalaman ng isipan ng mga tao, at teleportation o may kakayahang maglaho at magtransfer sa ibang lugar. 6. Science Fiction - Fiction based on imagined future scientific or technological advances and major social or environmental changes, frequently portraying space or time travel and life on other planets. Ang science fiction genre ay puwede rin gawing horror story. Kadalasan, sa mga alien o mga nilalang sa kalawakan tumutungkol ang genre na ito kapag ito ay isinalin sa horror. 7. Psycho-Thriller - Is a thriller story which emphasizes the psychology of its characters and their unstable emotional states. Ito ay closely related sa thriller genre na nabanggit ko kanina. Pero ang psycho-thriller ay more on characters. Sa mga psycho-thriller film, kadalasan ay may sumpa ang isang tauhan, maaaring nagbabago siya ng anyo, o may deperensiya sa pag-iisip dahilan ng kanyang pagpatay sa kapwa tao. DIFFERENT KINDS OF HORROR ELEMENTS AND CREATURES THAT CAN BE USED IN YOUR HORROR STORY 1. Ghosts (white lady, spirits of dead people) 2. Monsters (mga halimaw na may nakakatakot na kaanyuan) 3. Urban Legend/Myth (mga aswang, tiyanak, manananggal, kapre, tikbalang, nuno, sirena at etc) 4. Illuminati (satanista, satanismo, demonyo, mga taong sumasamba kay satanas) 5. Exorcism (sapi, sanib, demonyong sumasanib sa tao, masamang spirit na sumasanib sa tao) 6. Cannibalism (mga taong kumakain ng kapwa tao) 7. Werewolves/Vampires (bampira o mga tao na may mahabang pangil, at mga aso na may mahahabang pangil at malalaki) 8. Curse and Rituals (mga sumpa, kulam, ritwal, orasyon, dasal) 9. Alien/Extra Terrestrial Creatures (alien, mga monster na nasa kalawakan) 10. Zombies (mga bangkay na nabuhay) Sana makatulong ito sa inyo para makaisip kayo ng idea sa susunod n'yong horror story na gagawin. LESSON NO. 7: Vocabularies and Right Format of Dialogue Part 1: Vocabularies apuhap-paghahanap gamit ang kamay. animo-wari, tila, mistulang agam-agam-pangamba anaki-tila anito/aniya - sabi nito, sabi nya, saad nito, saad nya. alintana - hindi inaala-ala alingawngaw-ingay, ugong bahagdan - porsyento balakid-hadlang, harang Balintataw-guni guni banaag- aninag beranda-balkunahe busilak-malinis,dalisay batingaw-kampana binabagtas- nilalakaran banaag-naaaninag, nakikita bungad-harap bukang liwayway-umaga kaulayaw- laging kasama , laging kausap kakarampot- kaunti lang kahulilip-kapantay, kagaya kalaban-kaaway, katungali kalipon-kasama,kagrupo kasiping- katabi kaakibat-kaagapay, kasama kandili-aruga kumakandili-nagmamalasakit,nag aalaga. kumpol ng bulaklak- bunton ng bulaklak dalampasigan-tabing dapat datapwat- subalit,ngunit dalita-aba,dukha dagok sa buhay-pagsubok sa buhay dalampasigan-tabing dagat dumatal-dumating iagdong-iangat, isalba inalipusta-inapi,inaba iniinda-nararamdaman lipulin-puksain lagpak-bagsak mabulid-mahulog. matumba,(ibang anyo hal. mapasama sa kasamaan) marahuyo- maingganyo, maingganya, biglang maaya o maisama o maakit malumanay-mahinahon mawatasan-maunawaan.maintindihan mawari-matanto, malaman, maunawa. magarbo-magara,marangya magbungkal-maglinang, maghalungkat magsikhay=maghanapbuhay malanta-matuyo,malooy malasutla=malambot malamyos-mahinahon, malambing manlupaypay-manlambot, manghina masimod-matakaw naantala-naabala naudlot-napigil, napahinto nasadlak-napapunta,nabaon nabanaag - nakita, nabatid-nalaman nagbabalatkayo-nag-iibang anyo, nagkukunwari nagkukumahog- nagmamadali nagagalak- nasisiyahan nakahandusay-nakalugmok, nakahiga, nakalupagi nalugmok-nadapa, napalupagi nanlumo-nanlambot (hal. nanlumo ako sa aking nakita) namamayagpag-nagtatagumpay, sumisikat, unti unting nakikilala naapuhap-nahanap nagniningning-kumikinang napadupilas-nadulas nasukol-nahuli,nasabat papagayo-sarangola pinagtagni-pinagdugtong subalit-ngunit,datapwat supling-anak sapantaha-hinala sandamakmak-marami sinasambit-winiwika, sinasabi Takipsilim-paglubog ng araw tinatahak-nilalakbay,binabagtas tinanuran-binantayan Tumalilis- tumakbong mabilis tungayawin - sumpain,sigawan palikuran - restroom tarangkahan - daanan, lagusan karatig - kalapit tala-arawan - diary batubalani - charmed; magnet kusinilya - small cooking stove kapalaluan - pride; kahambugan kalasag - panangga talipandas - walang-hiya (depending on the use - dissolute, insolent, lewd, corrupt, indecent or immoral.) tampalasan - walang modo napagtanto-naliwanagan,naunawaan nabuwang-naburyong sumusulak - kumukulo kandakumahog - nagmamadali yungib - kuweba kapiranggot - maliit; kaunti portamoneda - pitaka bintilador - electric fan dambana - monumento kubyertos - eating utensils,kutsara almires - dikdikan salaula - dirty; impure. gitla - gulat; nabigla samyo/samyuin- amoy, amuyin nadarang- natukso, ilapat (depende sa paggamit) haplos- himas makirot- masakit nagbabadya- nagwa-warning o nagbababala alumpihit- nagdadalawang-isip, o napipilitan bumaling- magbago ng pwesto nagagalak- natutuwa hakab- hapit, o fitting (lalo sa damit) namamalik-mata- hindi makapaniwala sa nakikita umingos- umirap, umismid masawata- masaway naglandas- pumatak, bumalong, umagos namnamin- to taste, (the moment) kaibuturan- kalooban (ng puso) palalo- sutil mangmang- bobo, walang alam bulaan- sinungaling marahas- ginamitan ng ibayong lakas, pabigla, walang pakundangan inundayan- binigyan, hindi tinigilan tapayan- sisidlan ng tubig, banga natalos- nalaman igapos- itali sisidlan- lalagyan humulagpos- kumawala, tumakas palahaw- sumisigaw sapo- hawak hilam- (ng luha) galing sa pag-iyak dinggin- pakinggan itinarak- isinaksak, ibinaon nakakunyapit - nakakapit lumawig - humaba isinatinig - sinabi naulinigan - narinig gatla - wrinkles maurirat - matanong tudyo - tukso napaigtad - napatalon dahil sa gulat napamulagat - nanlaki ang mata hinuha - intelligent guess pagkakadaiti - pagkakadikit magkasalikop - magkadaop kanugnog - karugtong untag - tanong mapagkit - maalis natulig - nabingi gagap - hawak bikig - lump sapantaha - akala daluhong - sugod Other Vocabularies: Lulan - Sakay Nahinuha - Nahulaan Pagkakadaop/Pagkakasalikop - Pagkakadikit Mapanghibok - Sexy Voice Untag - Tanong Gagap - Hawak Natulig - Nabingi Kanugnog - Karugtong Iniluluhog - Inaalok Maurirat - Matanong Apuhapin - Hanapin Naulinigan - Narinig Isinatinig - Isinaboses Ngunguto-ngutong - Bagsak ang Balikat Lumawig - Humaba Gatla - Wrinkles Umibis - Bumaba Tumunghay - Tumunganga Napaigtad - Napatalon sa Gulat Sapantaha - Akala Bagaman/Bagamat - Kahit na Histerikal - Panic Napalundag - Napatalon Part 2: Right Usage of Dialogue's Punctuation Alam n'yo ba, sa paggamit ng mga punctuation sa dialog ng ating story, meron ding rules sa paglalagay ng mga iyon. Kung napapansin n'yo, kapag nagbabasa tayo ng mga pocketbook, nahahalata natin na may mga dialog doon na nagtatapos sa comma imbes sa period. Bakit nga ba ganoon? Halina't alamin! RULE NO.1: Ang dialogg ng inyong story ay magtatapos lamang sa comma kapag amg kasunod nito ay dialogue word. Sa madaling salita, "dialogue tag" ang tawag dito. Ex. 1: "Mahirap talaga ang buhay ngayon," wika ni Thelma. Ex. 2: "Ang mga mayayaman, lalo lamang yumayaman. Pero ang mga mahihirap ay lalo lamang ding naghihirap," ang sabi ni Thelma. Ex. 3: "Nakita ko ang iyong asawa noong isang gabi, may kasama siyang ibang babae," pahayag ni Thelma. EXAMPLE NG MGA DIALOGUE TAGS: Ang sabi ni Wika ni Pahayag ni Isinaboses ni Ani Anang Ang dialogue tags ay mga salita na hindi nagpapakita ng action o paggalaw ng isang character. At ang rules naman sa paggamit ng "ani" at "anang" at "aniya" ay ating alamin din. Ang mga ito ay parang shortcut din ng "sabi ni" at "sabi ng matanda" at "sabi niya." 'Yung iba kasing writers, minsan ginagawa nilang ganito: "ani ni Thelma," "ani nang matanda," "Ani niya" Tandaan, mali po iyon. Ito ang tamang mga halimbawa sa paggamit ng "ani" "anang" at "aniya" Ex. 1: "Hindi kita pababayaan dito," ani Thelma. Ex. 2: "Mukhang nag-aaway na naman yata ang mag-asawa sa kabilang bahay," anang matandang lalaki. Ex. 3: "Huwag na lang tayo makialam sa problema nila," aniya. RULE NO.2: Ang dialogue ng inyong story ay magtatapos lamang sa comma kapag hindi pa natatapos ang sinasabi ng isang tauhan. Ex. 1: "Halika nga rito," tawag ni Thelma, "pakilagay nga ito sa aking cabinet." Ex. 2: "Dito ka muna," ani Thelma, "malakas pa ang ulan." Ex. 3: "Sandali lang," tawag ni Thelma, "nakalimutan mo ang bag mo." Tandaan lamang na sa rule na ito, huwag gagawing capital ang unang letter ng pangalawang sentence na karugtong ng sinabi ng character sa kuwento mo. Ito naman ang rules kapag ang isang dialogue ay nagtatapos sa period tuldok. RULE NO.1: Ang dialogue ng inyong story ay magtatapos lamang sa period kapag ang kasunod nito ay isang action word. Ang tawag naman dito ay "action tag." Ex. 1: "Mahirap talaga ang buhay ngayon." Napabuntunghininga si Thelma. Ex. 2: "Ang gwapo mo." Ngumiti si Thelma at napatitig ng matagal kay Brandon. Ex. 3: "Mahal kita, Thelma." Lumuhod si Brandon sa harap ng babae at sinuotan niya ito ng singsing. Ang action word ay mga salita na nagpapakita ng kilos o galaw ng isang tauhan. Examples ng mga action words: Ngumiti si Brandon Napahinga ng malalim si Brandon Lumuhod si Brandon Tumakbo si Brandon Naglakad si Brandon Pumalakpak si Brandon Tandaan lamang na sa pagsusulat ng dialogue, may mga tinatawag tayong "indirect dialogue" o mga dialog na hindi na ginagamitan pa ng mga quotations tulad ng mga examples na naibigay ko. Minsan kasi, hindi na kailangan pang gawing dialogue ang sinasabi ng mga karakter kung hindi naman ito gaanong importante. It's not important to state exactly what each character said, but to get across the genereal idea that it was stated. This can offer some relief to readers who are tired of reading dialogue and it can also be a way to avoid directly stating something that is better off explained indirectly. Ito ang ilang mga halimbawa ng mga indirect dialogue: Ex. 1: Sinabi ni Brandon kay Thelma na hindi na siya nito kailangan pang samahan dahil kaya naman niya mag-isa. Ex. 2: Sinabi ni Thelma kay Brandon na hindi na raw siya sasama sa park dahil tinatamad siya. LESSON NO. 8: Difference Between "Daw" or "Raw." Part 1: Minsan, may mga author na nalilito sa paggamit ng "daw" at "raw" o minsan ay "din" or "rin." May rules din tayo diyan. RULE NO. 1: "RAW" ang iyong gagamitin kapag ang salitang susundan nito ay nagtatapos sa letrang A, E, I, O, U, W, at Y. Example: "Hindi na raw nila nakikitang lumalabas ng bahay 'yong matanda." RULE NO. 2: "DAW" naman ang iyong gagamitin kapag ang salitang susundan nito ay hindi nagtatapos sa letrang A, E, I, O, U, W, at Y. Example: "Ganoon daw talaga sa Saudi. Mahirap makahanap ng matinong amo." Ang rule na ito ay same lang din sa "rin at din" at sa "dito" at "rito" pati sa "doon at roon" Part 2: Daglat Ano nga ba ang DAGLAT? Halina't alamin. Examples ng mga daglat: Sa iyo - Sa 'yo Sa akin - Sa 'kin Sa amin - Sa 'min Iyon - 'yon Hayun - 'yun Bakit - ba't Ninyo - n'yo Iyong - 'yung Doon - Do'n Ano ang - Ano'ng Noong - No'ng Pa ang - Pa'ng LESSON NO. 9: Paano Gumawa ng Relatable Character Sa Iyong Story? Paano nga ba maging relatable ang character o bida sa iyong kwento? Kailangan ilahad mo ang ilang mga detalye tungkol sa kanyang pagkatao. Kung ano ang pangalan niya, kung ano ang hilig niya, kung ano ang gusto o ayaw niya sa isang tao o bagay, kung ano ang kahinaan niya, kung saan siya takot, at kung anong klaseng pag-uugali o katangian ang meron siya. Bibigyan ko kayo ng ilang mga example para gawing relatable ang isang character sa inyong kuwento. Magbibigay ako ng isang maling example at karugtong ang correction nito upang malaman nyo ang differences. Wrong Example: Si Jelly ay magandang dalaga. Correct Example: Ang dalagang si Jelly ay maputi, matangkad, at mahaba ang bagsak nitong buhok. Ang mga labi nito na bagamat walang lipstick ay mala-rosas ang kulay. Mamula-mula ang pisngi nito at para itong anghel kung ngumiti. Kailangan, imbes na sabihin mo kaagad sa iyong kuwento na si Jelly ay maganda, puwede mo namang sabihin ang mga ebidensya na nagpapatunay na siya'y maganda. Ipaliwanag mo sa kuwento kung gaano siya kaganda at kung anong hitsura ang meron siya. Para nang sa ganoon ay na-i-imagine din ng mga readers ang hitsura ng isang character sa iyong kuwento. Tandaan ang katagang "Show. Don't Tell." Ibig sabihin, ipakita mo sa iyong kuwento na si Jelly ay maganda, huwag yung sasabihin lang. Paano magiging kapani-paniwala sa mga nagbabasa na maganda si Jelly kung hindi mo man sinabi kung anong klaseng hitsura ang meron siya? Sa pagsusulat, dapat ay palaging detalyado ang emosyon, lugar, tao, at mga pangyayari. Ito pa ang isang halimbawa para maging relatable ang iyong character: Wrong Example: Si Jelly ay mabait. Correct Example: Mapagbigay ng payo si Jelly sa kanyang mga kaibigan na may mga problema. Ugali rin niya ang magmano sa mga nakatatanda at tumutulong sa mga gawaing bahay at mga aktibidades sa kanilang iskwelahan. Halos kilala siya ng lahat ng mga tao sa kanilang lugar dahil sa kanyang kabaitan at sa pagiging mapagbigay at mapagkumbaba sa kapwa. Kailangan, ipapaliwanag mo rin kung paano naging mabait si Jelly. Kung ano ang impluwensyang nagawa niya sa istorya, kung ano ang mga kontribusyon na kanyang naibigay sa isang eksena sa kuwento, at kung ano pang mga katangian ang meron siya na magde-define sa kanyang sarili o pagkatao. Sa paraang ito, maaaring ma-relate ang mga readers sa kwento na kanilang binabasa dahil parang nakikita nila ang kanilang repleksyon sa hitsura o katangian ng isang karakter sa iyong kwento. LESSON NO. 10: Paano Umpisahan Ang Iyong Story Kung Wala Kang Maisip Na Idea? Gusto mong magsulat pero wala kang maisip o hindi mo alam kung paano sisimulan ang iyong kuwento. Simple lang ang paraan diyan. Step No. 1: Kailangan mo munang mag-isip. Take your time na mag-isip ng mga plot sa gagawin mong istorya. Bilang writer, kailangan hindi ka lang matiyaga sa pagsusulat. Dapat matiyaga ka rin mag-isip. Step No. 2: Lahat ng mga naisip mong plot na sa tingin mo ay maganda, ilista mo muna lahat sa isang notebook para matandaan mo lahat ng mga iyon upang hindi mo makalimutan. Step No. 3: Kapag nakapaglista ka na ng mga plot na naisip mo, basahin mo itong mabuti at piliin mo kung alin doon ang sa tingin mo'y papatok sa panlasa ng mga readers. O kung malawak ang iyong imahinasyon, puwede mong pagsama-samahin ang mga plot na iyon sa iisang istorya para makabuo ka ng introduction ng iyong kuwento. Halimbawa, nakaisip ka ng isang puno na pinamumugaran ng mga maligno, tapos nakaisip ka rin ng haunted house, tapos nakaisip ka rin ng mga bagay tungkol sa sapi o exorsim, puwede mong pagsama-samahin ang mga ito sa ganitong paraan: Kunwari ay noong sinaunang panahon ay may isang puno na pinutol sa lugar na iyon at pinatayuan ng bahay. Pagkatapos maputol ang puno ay nawalan ng tirahan ang maligno na naninirahan sa puno kaya napilitan siyang lumipat sa mismong bahay na pinatayo. At nang may tumira na sa bahay na iyon ay sumapi ang maligno sa kanya dahil sa galit nito sa pagsira sa puno na nagsisilbi niyang tahanan. O ayan! Nakabuo ka na ng isang kuwento. At kung paano mo uumpisahan 'yan, simple lang. Puwede mo naman sabihin sa intro ng story na ang babae/lalaking iyon ay tumira o nangupahan sa bahay na iyon dahil malapit lang iyon sa pinagtatrabahuhan niyang opisina. At nang tumira na siya sa bahay ay unti-unti niyang naramdaman na parang may something sa bahay na iyon, hanggang sa sumapi sa kanya ang maligno at sa ending ay doon mo pa lang sasabihin ang nakaraan ng bahay na iyon na dati palang may puno doon na tinitirhan ng maligno. LESSON NO. 11: Tamang Paggamit Ng Paragraph Sa pagsusulat ng kuwento, mahalaga rin na maayos ang format ng ating mga sinusulat. Kailangan, kapag gumagawa ka ng story, lalo na kung marami itong mga eksena na paiba-iba, huwag mong gagawing tuloy-tuloy. Dapat hati-hatiin mo katulad ng example na ito: WRONG EXAMPLE: Pinagmamasdan ni Faith ang kabuuan ng unibersidad na iyon. Napakalaki nito. Hindi siya makapaniwalang makakapag-aral siya sa ganito kalaking iskwelahan. Tinungo na niya ang kanyang room sa second floor ng iskwelahan. Medyo kinakabahan siya dahil naninibago siya sa probinsyang iyon at sa mga tao roon. Pagkapasok niya sa kanilang room ay naisipan niyang umupo sa pinakadulo at itinabi sa kanyang desk ang bag niya. CORRECT EXAMPLE: Pinagmamasdan ni Faith ang kabuuan ng unibersidad na iyon. Napakalaki nito. Hindi siya makapaniwalang makakapag-aral siya sa ganito kalaking iskwelahan. Tinungo na niya ang kanyang room sa second floor ng iskwelahan. Habang naglalakad ay medyo kinakabahan siya dahil naninibago siya sa probinsyang iyon at sa mga tao roon. Pagkapasok niya sa kanilang room ay naisipan niyang umupo sa pinakadulo at itinabi sa kanyang desk ang bag niya. Ganyan lamang kasimple ang tamang paggamit ng paragraph. Kailangan, hindi tuloy-tuloy ang pagkakasulat o ang daloy ng story kung hindi na related ang isang statement sa naunang statement para hindi ito maging dikit-dikit sa paningin upang hindi ito maging boring o nakakatamad basahin. Kailangan ay wasto ang pagkakasunud-sunod ng paragraph upang ito'y mas maayos basahin, mas malinis sa paningin, at mas professional tingnan. LESSON NO. 12: Ano Ang Gagawin Kung Hindi Mo Matapos-tapos Ang Iyong Story Naranasan mo na ba na hindi makatapos ng mga kuwento? 'Yun bang kung kelan nasa kalagitnaan ka na ng pagsusulat ay mapapahinto ka na lang bigla at hindi mo na alam kung ano pa ang iyong maidudugtong dahil parang pakiramdam mo'y pangit ang kinalalabasan ng kuwentong sinusulat mo? Parte iyan ng WRITERS BLOCK na nasa "LESSON NO. 3." Pero kadalasan, kaya hindi kayo nakakatapos ng story o novel ay dahil sa mahinang pamamaraan ng inyong pagpaplano sa pagsusulat ng kuwento o "poor planning." Ang ibig sabihin ng poor planning ay hindi mo pinagplanuhan, pinaghandaan, o pinag-isipan ng maayos ang iyong kuwento. 'Yun bang sa kagustuhan mong makapagpost agad ng story ay minamadali mo na ang pagsusulat para agad kang matapos. Hindi ganyan ang isang writer. Tulad nga ng sinabi ko sa Lesson No. 10 dapat matiyaga kang mag-isip. Ang mag-isip ng plot sa iyong kuwento ay mahirap din at minsan ay tumatagal ng ilang araw o higit pa. Kaya kailangan mong pagplanuhan, paghandaan, at pag-isipan ng mabuti ang paggawa ng story bago mo simulan ang pagsusulat. Ito ang mga steps na makakatulong sa ganyang mga problema: Step 1: Take your time na mag-isip muna ng plot or idea para sa kuwento na iyong gagawin. Step 2: Lahat ng mga idea na maiisip mo ay ilista mo sa notebook para hindi mo ito makalimutan. Step 3: Mag-isip ka ng angkop na pangalan ng mga characters na gaganap sa kuwento mo. Ilista mo lahat kung ano ang pangalan ng mga bida at kung ano ang relasyon nila sa bawat isa. Kung sila ba ay magkapatid, magkaibigan, magpinsan, mag-asawa at etc. Pagkatapos ay ilista mo rin ang pangalan ng mga kontrabida at kung paano sila magkakatagpo ng mga bida mo at kung anu-ano rin ang relasyon nila sa bawat isa. Step 4: Bago ka magsulat, kailangan mo munang pag-isipan ng mabuti kung paano mo sisimulan at tatapusin ang iyong story. Kailangan isipin mo muna kung ano ang mga magaganap sa umpisa, kung ano ang mga magaganap sa kalagitnaan, at kung ano ang mga magaganap sa pagwawakas ng kuwento. Step 5: Mas makabubuting gumawa ka ng outline habang ginagawa mo ang step 3. Ang outline ay makatutulong para hindi mo makalimutan ang pagkasunod-sunod ng bawat eksena na maiisip mo sa iyong story na gagawin. Ang outline ay listahan ng mga pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa iyong story. Step 6: Kapag nagawa mo na ang step 1-5 at kung natapos mo na ang outline ng iyong story, doon ka pa lang magsimula na magsulat. Ang outline na ginawa mo ang iyong magsisilbing guide para hindi mo makalimutan ang lahat ng mga naisip mo sa pagkakasunod-sunod ng bawat kaganapan sa story upang hindi ka na mahinto sa pagsusulat at agad mo itong matapos. LESSON NO. 13: Tamang Paggamit ng Mga Expressions Sa Story May mga nagtanong sa akin kung paano gumamit ng tamang expression sa mga pagsigaw o pag-ungol ng mga characters sa story. Ganito lang iyon. Screaming Expressions: gagamitin lang ito kung ang tauhan ng story mo ay sumisigaw sa takot. "Aaaaaaaah!" "Eeeeeeehh!" Nasaksak Expressions: gagamitin lang ito kung ang tauhan ng story mo ay nasaksak, natusok or nasaktan. "Arkk!!" "Akkk!" Ungol//Alulong Expressions: gagamitin lamang ito kapag may nilalang na umuunggol o umaalulong sa iyong story. "Ummmgghhh‘" "Awooooo‘" "Grawwrrr!" Ito pa ang ilang mga expressions o mga tunog na karaniwang ginagamit sa mga story. "Ngiawwwrrr!" - Pusang galit *BLAG!* - Kumalabog/Bumagsak /Nahulog "Psssst‘" - Nilalang na sumusutsot "Ngiirrrrsss! Ngiirrrsss!" - Singasing na mga tinig, pero mostly mga pusa ang nakakagawa ng sound na ito. Iyan ang kadalasang mga ginagamit na expressions ng mga writers at base na rin sa mga books na nabasa ko na before. Ang paggamit niyan ay walang rules. Nasa iyo na kung gagamitin mo yan o hindi. Kung ikaw ay tinatamad na gamitin iyan, pwede mo na lang sabihin sa story na "Si Gerry ay sumigaw ng ubod ng lakas" o kaya "Narinig niya ang ungol ng isang batang babae sa loob ng banyo" para mas madali. LESSON NO. 14: Ano Ang Gagawin Mo Kung Ang Iyong Kuwentong Naisulat Ay May Pagkakahawig Sa ibang Kuwento O Movie? What to Do if Your Story is Too Similar to Another Story. Ano Ang Gagawin Mo Kung Ang Iyong Kuwentong Naisulat Ay May Pagkakahawig Sa ibang Kuwento O Movie? Nakapagsulat ka na ba? Naranasan mo na bang makabasa ng mga comments na nagsasabing nabasa o napanood na raw nila ang kwentong sinulat mo o ito ay may pagkakahawig sa iba pang mga kuwento o palabas? Minsan pa nga'y parang ang laki ng pagkakahawig. Nakakatakot no? Lalo na kapag sinusulat mo na ang mahiwaga mong mundo, tapos may mababasa kang published book, o di kaya'y mapapanood na movie na parang ganun na ganun sa kuwento mo! Paano yan?! Itatapon mo na lang ba ang gawa mo? Huwag! Sayang! Hindi mo naman kasi makukumbinsi ang lahat ng tao na hindi ka nangopya ng ganito o ganyan. Sa maniwala ka o sa hindi, araw-araw, higit sa isang-daang libro ang napa-published. Sa dinami niyan, sa tingin mo ni isa hindi magkakaroon ng pagkakapareho? Kung oo ang sagot mo, matuwa ka dahil mali ka! Haha! Tignan ang Divergent. Ang daming nagsasabi na kinopya lang ang konsepto sa Harry Potter at The Hunger Games. Personally? I don't think so. Sure, the premise might sound the same, pero yung kabuuang kuwento, magkaibang-magkaiba. Mula sa main characters, hanggang sa subplots, hindi sila pareho. May Faction sa Divergent; may House sa Harry Potter; may District sa The Hunger Games. So? Hindi lang naman sila ang mga kuwento na may grupo eh. May nauna pa ngang House kaysa sa Harry Potter. House din ang tawag sa A Song of Ice and Fire. House din sa The Red Queen. Hindi rin nakaligtas ang The Hunger Games. Sabi nila, ginaya lang daw ang Battle Royale. Well, hindi natin kailanman malalaman kung nagsasabi ng totoo ang awtor na hindi siya aware sa Battle Royale. Gayunpaman, magkaiba pa rin sila. Battle Royale? Baka ginaya ang Running Man. Running Man? Baka ginaya ang the Greek/Roman Empire. Ang punto lang naman eh, sa una lang sila nagkakapareho, pero kapag nagbasa ka, ibang-iba sila sa isa't isa. Kaya huwag kang matakot. Syempre, magkakaiba tayo ng ideya eh. Unless, of course, talagang nangopya ka. (yung librong The Hunters, sabi kopya raw sa THG, pero mali sila. Yung summary lang binasa nila eh) Don't fret. Kung hindi ka pa rin sang-ayon, gawin ang mga sumusunod: Kumuha ng panulat at notebook (pwede mo ring gawin sa Document to) Hatiin sa dalawang bahagi ang papel. Sa kaliwang bahagi, isulat ang main points ng iyong istorya. Sa kanang bahagi, isulat ang pagkakapareho ng istorya mo sa ibang istorya. Halimbawa: Harry Potter. (alam nyo ba? Ang Harry Potter ay nasabihan ring gaya-gaya? Sabi ko sa inyo eh. You cannot please everybody. Juice colored) Boy Wizard. Okay, not a problem. Is an orphan. Okay pa rin. Receives letter and a visitor who tells him he is a Wizard. Sa parteng ito, siguro dapat may baguhin ka. Has scar on his forehead. The Boy Who Lived. Stop. Sobrang magkapareho na. Kung dito pa lang, sobrang pareho na, paano pa kaya kung pupunta tayo sa parte na nasa eskuwelahan na siya? Take note na hindi lang ang Harry Potter ang may setting ng magical school. Sa characters, background story, setting, subplot, at mismong plot ka sasandal. Maaaring magkaroong ng pagkakareho ang istorya mo sa iba, pero kahit kailan, hindi yan magiging kopyang-kopya. Bakit? Sino na ba sa panahon ngayon ang kayang gumawa ng sobrang original, unique na istorya? Kahit ano pang sikap mo, hindi iyan magiging unique. Protagonist mo ay skeptic, hindi bubbly? So is Katniss Everdeen. Protagonist mo ay timid sa umpisa, pero lumaban sa huli? So is Harry Potter. Antagonist mo ay may mabigat na dahilan? So is Scar. Hindi ko kayo dini-discourage. Nagsasabi lang ako ng totoo. Ang post na ito ay hindi opinyon lang. It's a fact. Ang dami kasing trying hard. Sa pagiging trying hard na maging perpekto, walang natatapos. Remember this: Don't aim to be a perfect writer. You'll never be perfect. Be flawed! And use your flaws to improve. It's okay to be inspired! Kahit hindi manunulat, kahit tanungin pa natin ang mga imbentor, inspiration ang kadalasang dahilan nila kung bakit sila nakakaimbento. So don't fret. Don't be hard on yourself too much. Again, it is okay to feel this monster: this insecurity, because it is normal. But don't let this monster take away the fun. Be friend this monster, and use it as one of your tools. (c)-Miss Dandelion #Papel Hindi ka pa rin ba kumbinsido? Sige ito pa ang pangalawang example‘ Halimbawa na lang sa mga Filipino horror movies natin. Ayon sa mga comments na nabasa ko sa YouTube, 'yung Sukob ginaya raw sa Feng Shui dahil magkapareho na kulay puti ang soot na dress nung killers, tapos pareho rin na maraming mga nadamay at namatay sa sumpang nakapaloob sa movie. Sa Feng Shui, ang bagua ang may sumpa. Sa Sukob naman, kasal ang may sumpa. Parehong movie na tungkol sa 'sumpa' ang tema. Parehong maraming namatay na mga tauhan. May pagkakahawig din ang kasuotan ng killers. Ito pa. Yun namang episode sa Shake Rattle and Roll 15 na pinamagatang ULAM. Sinabi na kapareho daw nun yung dating episode ng SRR 12 na PAROLA. Sa Parola, may dalawang magkaibigan na nag-away sa huli nung kumapit sa kanila ang sumpa ng parola. Doon naman sa Ulam, may dalawang mag-asawa na nag-away din sa huli nung kumapit ang sumpa ng ulam na kinain nila. See? May similarities din sila. At hindi lang yan! Nasabihan na ring gaya-gaya yung ulam episode sa ibang mga movie sa ibang bansa, sinabi ng mga nakapanood ng movie na ginaya raw yung monsters sa ulam doon sa isang international movie (nakalimutan ko ang title) tapos yun namang third episode na FLIGHT 666, sinabing ginaya raw ang Snakes on a Plane at Dark Flight dahil parehong nasa eroplano ang tagpuan ng movie. See? Hindi rin nakaligtas ang SRR XV sa ganyang mga comments mula sa mga kritiko. Meron pa. Yun namang Shake Rattle and Roll 11 noong 2009, doon sa episode na DIABLO, ang bida doon ay si Maja Salvador at ang role niya doon ay sinapian daw ng demonyo. Nung napanood iyon ng mga tao hindi man daw sila masyadong natakot kasi ginaya daw yung Exorcism. Yun namang SANIB dati, sinabing ginaya rin daw sa The Excorsist. Tapos ito pa, siguro naman kilala nyo na si VALENTINA diba? Yung kalaban ni Darna. Sino ba si Valentina? Ano ang itsura niya? Diba may ahas sa buhok si Valentina? Sa tingin mo ba original na gawa yan ng Pilipinas? Kung yan ang iniisip mo nagkakamali ka. Kamustahin nyo si MEDUSA, isa sa Greek Mythology ata yun. Si Medusa ahas din ang buhok nun. Kaya kung ipagkukumpara mo sina Medusa at Valentina, sasabihin ng iba na ginaya na naman ng Pilipinas ang ahas na buhok ni Medusa. See? Ito pa. Sigurado ako halos lahat kayo ay napanood na ang THE RING. Diba ang pinakatumatak na eksena doon ay noong lumabas sa TV si Sadako? Sa tingin nyo ba sila lang ang nakaisip ng ganoong klaseng atake? Nagkakamali ka. Dahil noong 1997, may isang episode ang Shake Rattle and Roll na pinamagatang TELEBISYON. Tungkol naman iyon sa isang clown na lumabas sa TV. See? Magkapareho sila na lumabas sa TV. Ang pinagkaiba nga lang, ipinalabas ang SRR 6 noong 1997, while yung The Ring 2001 or 2002 na ata iyon. Mas nauna ang SRR. So pwede ba nating sabihin na gaya-gaya yung The Ring sa Shake Rattle and Roll Six? Hindi ba pwedeng nagkataon lang na makaisip din ng ganoon ang director o producer ng movie dahil sa lawak ng imahinasyon nila? Gusto nyo pa ng example? Ito pa. Yung teleserye dati ng ABS CBN dati na pinamagatang THE LEGAL WIFE, ang story nun ay tungkol sa kabet. Nang magwakas yun ay sumunod naman ang "Ang Dalawang Mrs. Real" ng GMA7 at tungkol din sa kabet iyon. Alam nyo ba ang nangyari? Sinabihan ding gaya-gaya ang Dalawang MRS. REAL sa The Legal Wife! Tapos nung nagwakas na yung Dalawang Mrs. Real, nagkaroon na naman ng TWO WIVES ang ABS CBN. Kuwentong kabet din iyon. Kita nyo na? Sa dinami-dami na ng mga book na napa-published at mga movie na napapalabas araw-araw, hinding-hindi mo maiiwasan na magkaroon ng kapareho ang gawa mo. Pero hindi iyon nangangahulugang nanggaya ka na. Dahil hindi mo naman siguro sinasadya kung naging magkapareho ang kwento mo sa kwento ng iba. Kung alam mo namang hindi mo iyon ginaya, wag kang magpaapekto. Hindi pa rin ba kayo kumbinsido? Ito pa, nagtanong ako dati sa Writing Workshop Group na sinalihan ko. Tinanong ko sila, "ANO ANG DAPAT GAWIN PARA MAIWASAN NA MAGING MAGKAPAREHO ANG KUWENTO KO SA KUWENTO NG IBA?" At ito yung isinagot nila: "Sir Daryl, hindi po maiiwasan iyan. Sa sobrang dami po ng nagagawang kuwento o ideya sa araw-araw, tunay nga pong nauulit-ulit ang konsepto. Kung sa sarili mo naman po ay alam mong hindi kinopya, wala ka pong dapat ikabahala kasi normal lang po iyang insecurity na 'yan." - Jherry Regidor Dominguez "Normally, wala talagang original na kwentong nasusulat. Maaaring original in a sense na ikaw ang nakaisip, naglapat at nagsulat. Pero hindi rin maikakaila na minsan ang mga kwento ay nangyari o naganap na sa buhay ng isang tao, kaya madalas sinasabi ng mga readers na nakaka-relate sila dahil gano'n ang experience nila. O yung iba naman, sinasabi nila na kinopya dahil may nabasa silang kapareho ng gnun." - Lovely Ness "Okey lang naman na may kapareha ka ng kwento. Meron nga nakapagsabi sakin na lahat naman ng kwento ay cliche. Lahat may pagkakapareho. Ang pagkakaiba lang ay kung paano mo sila isinulat. And as long as alam mo sa sarili mo na wala kang kinopya at lahat ay galing sa isip mo, hindi mo na dapat isipin pa yung sinasabi ng iba na may kapareho ang kwento mo." - Mary Ann Mapili Ayan. Kumbinsido na siguro kayo. Kaya sa pagsusulat ng kwento, hindi mo na dapat problemahin ang tungkol sa mga ganyang bagay. Walang dapat na ikatakot kung alam mong hindi ka naman talaga nangopya ng idea. Matakot ka lang kapag nagnakaw ka ng likhang kwento ng iba tapos pinalitan mo lang yung pangalan nung orihinal na awtor. Doon ka matakot dahil PLAGIARISM iyon. THE END OF UHS WRITING WORKSHOP PROGRAM Maraming salamat sa lahat ng mga nagbasa. November 9, 2015 at 11:36pm.University of Hor... . More Like Comment Share YM Ymherand 83 otherslike this. View previous comments‘ Daryl Makinano Morales Ian Ignacio Collee Gailvin Villegas Jay-em Murillosa mga new members at writers pakibasa po ito para makatulong sa pagsusulat nyo ng story rito sa group. Like. Reply. Report.Jan 3 at 9:00am Daryl Makinano Morales Marvy Bermillo Pabzhy Espanyola Like. Reply. Report.Jan 3 at 9:01am Ian Ignacio salamat sir naunawaan ko na ngayon kung pano ang tamang pag susulat ng story . Like. Reply. Report.Jan 3 at 9:31am 3 replies Zirhc Leinad marami akong natutunan dito.... e sir matanong ko lang,, kasi sa ibang novel nakakabasa ako ng ganito, 'Ang pangalan ko ay Mark,' aniya. bakit po apostrophe yung ginamit at hindi quotation mark? kasi kadalasan "Ang pangalan ko ay Mark," aniya.. quotation po ang gamit.