UHS WRITING WORKSHOP PROGRAM (PART 3) Idea by: WIT Writers' Guild and Daryl Morales Sa part 3 ngwriting workshop, magpo-focus tayo sa mabisang paglalagay ng emotions sa mgatauhan at kung paano gumawa ng relatable characters sa ating mga story pati narin tamang pagbalanse sa "telling" at "showing". Naka-focus din ito satechnicalities na makakatulong para sa mga nangangarap magkaroon ng publishedbooks someday. Para ito sa lahat ng UHS WRITERS! TABLE OFCONTENTS 1. How ToDevelop/Build Your Characters 2. Showingvs Telling 3. FiveSenses in Descriptive Writing 4.Understanding the Narrative Tenses 5. OpeningLines in Writing 6. Different"Point of View" in Writing 7. DifferentKinds of Dialogue Tags and Action Tags 8. Anong vsAno'ng 9. ShortStory vs One Shot Story 10. Bukod vsMaliban 11. Kung 'divs Kundi 12. Guide saPaggawa ng Teaser at Intro 13. Elementsand Features of Narratives 14. What isForeshadowing 15. TamangPaggamit ng Gitling 16.Emportante ba sa mga story ang maraming LIKES? 17. How ToBe A Good Writer LESSON NO. 1: HOW TODEVELOP/BUILD YOUR CHARACTERS Ang post naito ay base sa karanasan ni Maricor (WIT Member) sa pagpasa ng manuscript (MS)sa PHR. (First time kasiniya noon na magpasa kaya eksayted sa feedback.) "RETURNED"o "FOR REVISION". Iyan angunang bumungad sa akin nang mag-check ako ng email last 2013 para sa pinasakong MS. Sa madaling salita, REJECTED ang story na ginawa ko. Para bang tumigilang ikot ng mundo ko sa pagtitig sa (mga) salitang 'yan. Lahat ng saya nanararamdaman ko noong mga panahon na iyon, biglang nawala. Mesheket keyengme-reject. Halos ayaw ko pang basahin 'yong feedback, kasi feeling ko mas lalolang akong masasaktan kapag nakita ko na kung saan ako nagkamali. Knowing PHR,mahigpit sila lalo sa details ng story. Himay kung himay, iniisa-isa ang bawatganap. E, hindi rin naman ako makatulog kaya binasa ko na. Tapos iyon nga, saCONFLICT at CHARACTER ako sumablay. Kesyo, mababaw raw ang conflict. Tipongpuwede namang pag-usapan sa isang upuan lang kaso pinahaba ko pa. Na kulang sabackground ang character, walang consistency sa ugali nila, etc. Sabi nga niJm de Guzman sa TTCT; "Akala ko magaling na ako... marunong langpala." That time,akala ko sapat na ang mga alam ko pagdating sa creative writing. Akala konaituro na sa akin lahat. Hindi pa pala. Kaya nga ako nagkaroon ng motto na;"Hindi lahat ng alam nating tama ay tama talaga." At hindi rin namankabawasan sa pagkatao natin ang pag-amin sa mga kahinaan natin. Again, thetips here are only based on my personal experience. Hindi assurance namakakapasa sa standard ng PHR kapag ginawa ninyo. Okay, baliktayo sa topic. CHARACTERS Hero andHeroine Names 1. Easy toread names - Utang na loob, huwag nating gawing kumplikado ang pangalan. Okaylang ang cute names, pero sana naman madali pa ring bigkasin. Mainam din nabigyan ng nickname at iyon na ang gamitin. Ex. Eros(Eranio) at Sam (Samantha) 2. SURNAMES- E, tao nga kasi. Alangan namang pangalan lang ang mayroon sila. At isa pa,dapat bumagay sa estado at personalidad ng karakter ang gagamiting apelyido. EX.Montemayor (Tunog may rancho, mayaman) Cruz (Tunogmiddle class) 3. PANGALANNA BABAGAY SA PAGKATAO NG KARAKTER - Hindi itokaartehan, kailangan ito. Magdadagdag kasi ito ng personality sa character nagagamitin natin. Ex. EROS(tunog matikas, pilyo, palaban) SAMANTHA(ang sopistikada ng dating) Depende na'yan sa inyo, basta kailangang mag-compliment sa personality 'yong gagamitingpangalan. 4. FOREIGNNAMES - kung gagamit ng foreign names like Korean, Chinese, Americans o kahitmga Fil-Ams (half Filipino,half-AMbisyosa/o) suportahan niyo ng detalye kung bakit at saan nanggaling angganyang pangalan. THINGS ICONSIDER WHEN MAKING THE MAIN CHARACTERS 1. BasicInfo. 2.Educational Attainment 3. Goals andDreams 4. Fears andInsecurities 5. Confidant(Bestfriend o sidekick) 6. Hotness(Lalo na sa Romance) 7. Ability(o Talent, lalo na kapag kailangan sa ibang genre) Bakitimportanteng ma-develop mabuti ang character? Kasi nga,kapag maayos ang characters mo, mas magiging maayos ang flow ng story nagagawin mo. Mas magkakaroon ka guide para tapusin ang kuwento nang hindinalilihis sa konsepto mo. Magkakaroon ka rin ng ideya sa problemang puwede mongibato sa mga bida mo. At ang mga problemang iyon ang bubuhay sa conflict ngstory. Magkakaroon ka rin ng ideya na solusyunan ang problema once na maayosang pagkakabuo sa characters. At higit sa lahat, magiging consistent ka sapersonality ng character hanggang sa matapos ang kuwento. :) NOTE: Always makeyour characters act their age. Ang isang 29 yo na hero at 26 yo heroine ayhindi na mga bata para magtalo sa mga simpleng bagay lang. Unless,mapapanindigan mo at mabibigyan mo ng paliwanag kung bakit sila gano'n umasta.Mas pro na kumilos ang mga young pofessionals. Mas marunong nang mag-isip.Medyo may katigasan lang ng ulo pero mas mature mag-isip. There youhave it! :) Credits toWIT Writers' Guild and to Ate Maricor LESSON NO. 2: SHOWING VS TELLING TELL:Sinasabi lang kung anong nakikita. Hal. Malakiat maganda ang bahay. (Maaaringmalaki at maganda nga ang bahay pero hindi ako naniniwala. Bakit? Kasi sinabimo lang. As a reader, gusto kong Makita sa isip ko kung gaano kalaki at kagandaang bahay na sinasabi mo.) SHOW: Moredescriptive ang showing. Ito kasi ang nagke-create ng matinding impact sakuwento. Hal. Angbahay na iyon ay may limang palapag. Gawa iyon sa fiber glass na talaga namangbinigyan ng disenyong nakakaakit sa paningin. (Without mentioningthe word na 'malaki', nagawa ko namang ipakita na malaki ang bahay dahil sa'limang palapag' na description. Gano'n din sa 'gawa sa fiber glass na maynakakaakit na disenyo', sub sa word na 'maganda'.) NOTE:Although, mas maganda talaga ang showing kesa telling, kailangan pa rin natingmaging balanse. Iwasan natin ang 'garden' sa narration. Hindi natin kailanganng mabulaklak na salita. Exag.na 'yon. Iyong sakto lang na salita anggagamitin. Ang sobrang dami na pang-uri(adjectives) ay nakakaantok. Maniwala kasa akin. Credits toWIT Writers' Guild LESSON NO. 3: FIVE SENSES IN DESCRIPTIVE WRITING Mostimportant tool in descriptive writing is OBSERVATION. Kasama na roon ang mganakikita, nadarama/nahahawakan, naririnig, naaamoy at nalalasahan. Mahalaga angmga obserbasyon na ito sa pagsulat ng inyong prosa. Ang mga mambabasa kasi,gustong makita at maramdaman ang eksena sa kuwento -- mga tauhan, actualsettings, background. Gusto ring malaman kung ano ang puwedeng maamoy, marinigat malasahan na nakapaloob sa kuwento. 1.SENSE OF SIGHT: Ito 'yongvision mo sa mundong nakikita mo na gusto mong ipakita sa readers mo. Everydetail counts, pero keep in mind din na kapag masyadong detalyado, nakakaumay.Mag-iwan ka ng konting laro sa imahinasyon ng readers mo. 2. SENSE OFSMELL: Nostalgickasi ito, eh. Napaka- powerful nito, lalo sa horror, kung magagamit ng tama. Itoyung magpapaalala sa character nang mga nangyari from the past (flashback). Ex. Amoy ngsingaw ng lupa pagkatapos ng ulan. (panahon) Amoy ng wet market.(lugar)Morgue.(lugar) Dugo ngnasagasaang pusa.(situation/body odor/blood) Amoy ngpanis na pagkain.(food) (Hindi koisinulat 'yang mga pangungusap na 'yan in a descriptive way gaya ng ginagawa kosa nobela ko. SINABI ko lang, HINDI ko IPINAAMOY. Kahit gano'n, kahit sinabi kolang, nakagawa siya ng 'setting' sa isip mo, tama?) 3. SENSE OF HEARING: Sounds cansometimes be tricky to describe. Minsan kasi wala naman talagang tunog namaririnig. Lalo na kapag may kausap ang character at nagpapalitan talaga silang dayalogo. Hindi lang ito iyong mga naririnig natin externally dahil minsannasa form din ito ng thoughts and inner voices. Some are truths, some are lies. Epektibo angpaglalagay o paglalahad ng tunog kapag nasa isang lugar ang karakter. Higitlalo kung malaki ang papel ng lugar sa ikauusad ng kuwento. Ex. Huni ng ibong maya Huni ng kuliglig sa tahimik na gabi Kaluskos ng kung sino man Batingaw ng kampana sa simbahan Tunog ng makinarya pagpalahaw ng bata Isa pangparaan para mas maging epektibo ang pagsasalarawan ng tunog ay pagkukumpara opaghahalintulad sa iba pang tunog. 4. SENSE OFTASTE: Bagamatmahirap gamitin sa normal na pagpapahayag, maganda rin itong sangkap para masmaging malinaw ang mga kaganapan sa isang kwento. Madalas natin itong gamitinsa pag-describe ng pagkain. Halimbawanito ay ang mga sumusunod: Mapakla, maasim, matamis, mapait, maalat atbp. Ngunit hindilang naman pagkain ang pwedeng paggamitan nito, maganda rin itong gamitinbilang metaphor sa pag-describe ng isang bagay/tao. Hal: Mapakla angngiti ni Jessica nang datnan ko siya. Isang mapaitna alaala na lang ang mga iyon. Maasim angmukha ni Jerry matapos kainin ang naturang prutas. 5. SENSE OFTOUCH: Alam na siguro natin kung paano ito, tama? Butthen again, hindi lang ito basta iyong mga nahahawakan natin o nadadama gayang; tagaktak ng pawis sa noo, kalambutan ng pisngi nang halikan mo siya,kagaspangan ng pader. Physical isvery important to describe an object, pero mas importante ang invisible. 'Yungnararamdaman not with our own hands. EX. Apoy Hangin Silkbedsheet Rose petals Yelo/Ice Anghalimbawa sa itaas ay hindi ko ipinadama pero aminin mo, may naramdaman ka sabawat salita. Importantering piliin ang mga salitang gagamitin. Bakit? Sabihin na nating mayroon tayongdalawang klaseng bato. Maaaring parehas silang matigas but not in the same way.Gets? REMEMBER: Tomuch detail can affetct the story's pace at madalas pinapabagal nito ang flowng story. Balance is the key. Credits toWIT Writers' Guild LESSON NO. 4: UNDERSTANDING THE NARRATIVE TENSES Lahat ngpangyayari sa isang kuwento ay tapos na. Ikinuwento na lamang ng kung sinumangnarrator o ang mismong character (kung naka-1st person pov). Kaya hindi rinmagandang makabasa ng "ngayon", "kinabukasan", "kamakalawa" sa isang isangkuwento dahil nga sa ito ay nangyari na. Ngayon - Noongaraw/oras /sandali na iyon Kinabukasan/Bukas- Nang sumunod na araw Kamakalawa -Dalawang araw mula noon Ganoon dinsa paggamit ng pandiwa/verbs, kapag narrative/narration kasi, hindi natinpuwedeng sabihin na, "Naglakad siya rito." Ang tama ay, "Naglakad siya roon." O"Naglakad siya sa lugar na iyon." (not, 'sa lugar na ito') **Angpandiwa(verbs) sa pagsasalaysay(narratives) ng kuwento ay marapat lamang nanaka-past tense. Ex. Napagodsiya kalalaro. Sumakit angtiyan niya katatawa. She closedher eyes. NOTE: Kapagnaman nasa dialogue ang mga nabanggit sa itaas, puwede na siyang gamitin ngganyan. Hindi na kailangang naka-past tense. At isa pa, kung gusto mo namangnaka-present tense, please, panindigan mo. Credits toWIT Writers' Guild LESSON NO. 5: OPENING LINES IN WRITING Siguro,nagtataka na ang ilan sa inyo kung bakit lagi kong nababanggit o napupuna angopening line sa mga writing contest na naging hurado ako. Lagi kong sinasabing'boring' o hindi catchy. Isa kasi ito sa basehan ko kung gaano ka-creative angisang writer. Ito ang mgsisilbing bentahe para ganahan ang mambabasa sapagbabasa. Kungtutuusin, may mga paraan kung paano sisimulan ang isang kuwento. Mga paraan namaaaring makatulong sa ating lahat para hindi tayo mapirmi sa mga nakasanayannatin. ÀISANGMAKATAWAG-PANSING PANGUNGUSAP Halimbawa: Iba-ibangpangalan. Iba-ibang mukha. Lahat nagtatago sa mundo ng pagkukunwari. (Ewan ko nalang kung hindi ka pa maintriga sa mga linyang ito.) ÀSA ISANGTANONG Halimbawa: -Hanggangkailan tayo magbubulag-bulagan? -Hahayaan nalamang ba natin na tayo ay mapiringan? -Sino'ngmag-aakalang kayo ay iisa? ÀSA ISANGSIPING PAHAYAG Halimbawa: "Wecannot do anything if we begin by saying we cannot do it." - E. Quirino "Angwriter dapat may silakbo." - Ricky Lee ÀSA ISANGSALAWIKAIN Halinbawa: -Anak na 'dipaluin, ina ang paluluhain. -Nasa Diyosang awa, nasa tao ang gawa. ÀSA ISANGBATAS Halimbawa: Ang wikangpambansa ng Pilipinas ay Filipino. Saligang Batas ng 1987, Art. XIV, Sek. 6 ÀSA ISANGPAGSASALAYSAY (Pagkukuwento) Halimbawa: ISANGmalakas at nakangingilong ingay ang nilikha ng gulong ng sasakyan kasabay angnakabibinging busina ang gumising sa lutang na diwa ni Azra. Ganoon na lamangang pamumutla niya habang animo'y estatwang nakatayo sa gitna ng kalsada. Halosisang pulgada na lang ang layo ng pampasaherong jeep sa kaniya. Ayan.Paganahin lagi ang imahinasyon. Hayaan lang na dalhin kayo nito sa ibang mundona puwedeng makatulong sa inyong gagawing kuwento. Sana'y may naitulong kahitpaano. Credits toWIT Writers' Guild LESSON NO. 6: DIFFERENT POINT OF VIEW IN WRITING Point ofview (POV) in a narrative is the location or position from which the authorviews the action. There arefive kinds of POV: first-person, 3rd-person omniscient, 3rd-person limited, 3rdperson objective, and 2nd person. ?FIRST-PERSONPOV The writeridentifies himself with the narrator of the story. As actor-narrator, sinasabiniya ang laman ng kaniyang isip at nararamdaman niya, kung ano ang nakikitaniyang ginagawa ng iba at naririnig ang sinasabi nila. Hindi siya puwedengmag-assume o manghula sa iniisip o nararamdaman ng iba PUWERA na lang kung maypsychic power siya para mahulaan iyon. ?THIRD-PERSONOMNISCIENT Tinatawagdin itong ''all-knowing'' point of view. May kakayahan kasi ang writer nailahad ang iniisip at feelings ng lahat ng karakter sa kuwento, pati na rin angnakikita at naririnig ng mga ito. ?THIRD-PERSONLIMITED Whenhe(writer) uses the 3rd-person limited, he stands behind one of the charactersand looks over the shoulder of this character para makita at mailahad kung anoang ginagawa ng ibang karakter, at marinig kung ano ang kanilang sinasabi. Hecan reveal the thoughts and feelings of the character behind whom he stands, butnot those of the other characters. Puwera na lang uli kung may psychic powersiya para hulaan ang iniisip at nararamdaman ng iba. ?THIRD-PERSONOBJECTIVE Ang mgawriter na gumagamit ng POV na 'to ay hindi maaaring maglahad ng thoughts andfeelings ng kahit sinong karakter. Sabi nga nila, tinatawag din itong'Journalist POV'. Bakit? Gaya ng mga Journalist, nagre-report lang sila base sanakikita at naririnig nila. ?SECOND-PERSONPOV Angviewpoint na kausap ng writer ang mambabasa. Ito angpinaka-rare at pinakakumplikadong POV. Bibihira lang ang nobelang nakasulat saPOV na 'to dahil na rin sa limitado ang puwedeng ilahad. Madalas, sa technicalwriting ito mababasa (blogs, letters, self-help books, choose your adventurebooks). Credits toWIT Writers' Guild LESSON NO. 7: DIFFERENT KINDS OF DIALOGUE TAGS AND ACTION TAGS DIALOGUETAGS: Kadalasan nanasa unahan o pagkatapos ng dialogue para ipaalam kung sino na ang nagsasalita.From the word 'dialogue', lahat ng may kinalaman sa speech o sinabi ng characteray considered 'dialogue tag'. Ang diyalogo ay kadalasang nagtatapos sa bantasna kuwit(,). Hal. Sabi niya,"Kumain ako ng adobo." "Kumain akong adobo," aniya. "Kumain akong adobo!" sigaw niya. "Kumain kang adobo?" tanong niya. (Redundant naito, obvious naman kasing tanong, ginamitan ko pa ng word na tanong as tag..example lang naman..) **Ilan langito sa puwede nating ipamalit sa "sabi niya": TURAN /TUGON kasing-kahuluganng "sagot" MUNGKAHI suhestyon,suggestion UNTAG pagkuha ngatensyon. Pag tahimik tapos biglang kakausapin ng isang karakter yung isa. Hal.:"So...kumusta ka na?" untag nito. ASIK/SINGHAL pagalit angpagkakasabi. Hal.:"Ano ba!" singhal niya. SIKMAT pagalit din,pero hindi kailangang malakas ang tono. Hal.: "Tumigilka na," nagtatagis ang mga bagang na sikmat ng kanyang ama. SAMBIT kung maiksilang. Hal:"Oo," sambit niya. ANAS mahina rinang pagkakasabi. At hindi ko alam kung ako lang, karaniwang ikinakabit ko itokapag medyo seksi / senswal yung pangungusap o eksena at may kasamang mainit natingin mula sa nagsalita. Hal:"Beautiful," anas ni Gideon (*tikhim*) habang hinahaplos ang pisnging nobya. DUGTONG to add; maynauna nang sinabi, karugtong lamang ito. BANGGIT to mention. Hal:"Liechtenstein," banggit niya. IMPORMA to inform. Hal: "Maymeeting nga pala tayo sa Thursday," imporma ni Malou. PALIWANAG kung mahabaat mukha ngang nag-eeksplika ito ng isang punto. KUWENTO to narrate;kung nagsasalaysay DEPENSA to defend KAILA /TANGGI to deny. Hal."Hindipo totoong break na kami," tanggi ng aktres. SANG-AYON to agree."Oo naman!" sang-ayon ng dalaga. TAWAG to call.Hal: "Rose! Rose!" tawag ni Jack. BULALAS to exclaim;malakas ang pagkakasabi, parang nagulat. Hal: "Ay, kabayo!" bulalasniya. SIGAW / TILI to shout,scream; may kasama itong tandang pandamdam o exclamation point (!) . SINGHAP to gasp;kasabay ng singhap yung dialogue. SABAD /SABAT to interrupt NOTE:Hinay-hinay lang sa paggamit ng DT. Lahat ng sobra, nakakaumay. Matuto tayongbalansehin ang paggamit ng mga ito. Isa pa, if it is obvious kung sino angnagsasalita, SKIP the tags altogether. Be sure din na akma ang tags sadialogue. AVOID REDUNDANCY. And please, do not abuse 'sabi niya'. ________________________ ACTION TAGS: Kung ang DTay kuwit(,) ang separator ng dialogue sa tag, dito naman sa AT ay tuldok(.). Ano nga baang AT? Ang action tags ay ang mga kilos o galaw ng isang tauhan habangnagsasalita. Maaari ring nasa unahan o pagkatapos ng dialogue ito makikita. Hal. "Kamusta kana?" Nakangiti siyang palapit sa akin. "Hindi ka parin nagbago." Pumalatak siya. "Hoy!"Patakbo niyang sinundan ang magnanakaw. Credits toWIT Writers' Guild LESSON NO. 8: ANONG VS ANO'NG ANONG -everything else / kahit ano / panglahatan Example: Kahit anongpagpapaganda ang gawin mo, pangit ka pa rin. Hindi koalam kung anong klaseng utak ang mayroon ka. Anongklaseng pagsasanay ba 'to? ---- ANO'NG - ano+ ang Example: Ano'ng balakmo ngayon? Kahit na anopa'ng gawin mo, pangit ka pa rin. (pa+ang) Sino'ngmaysala? Sino'ng tunay na salarin? (sino+ang) Credits toWIT Writers' Guild LESSON NO. 9: SHORT STORY VS ONE SHOT STORY Hindi komaintindihan. May mga nababasa akong one shot daw pero sobrang haba naman. Oo,short story din naman ang one shot pero may pagkakaiba pa rin 'yung dalawa. Short story - maiklingkuwento in tagalog. Kadalasan umaabot ng 10k words o higit pa. Dito, puwedenang magpalit ng character (head o kung sino na ang nagkukuwento), puwede ringpaiba-iba ang settings at eksena. One ShotStory - considereddin na short story. Pero mas short nga lang at limited ang kailangang details.Sa OSS kasi, mas maganda kung pokus lang sa iisang character, gaya nga ng sabiko, limited lang kasi ito. Mahaba pa ang 2k words para dito. Why? Eh, kasi po,sa OSS, 'di naman kailangan ng maraming eksena. 1 character, one scene, oneconflict and a great ending. Iyon lang. Huwag nang gawing kumplikado. Sa mgawriting contest, kadalasan namumroblema mga kalahok kung paano mapagkakasya angplot/idea nila sa kailangan word count. Bakit? Kasi iyong plot na naisip nilaay hindi maman talaga swak sa one-shot. Credits toWIT Writers' Guild LESSON NO. 10: BUKOD VS MALIBAN BUKOD -aside from, in addition, also, alongside Ex: 1. Bukod satagpuan, kailangan ding bigyan nang pansin ang karakter at tunggalian sakuwento. 2."Bukod sa pagsusulat, paborito kong pastime ang pagkain. Obvious naman,'di ba?" nakangiting biro ng ginang. 3. Mayroonsiyang koleksiyon ng PHR books, bukod pa sa Pop Fiction books. 4. Bukod sabalut, allergic din siya sa alimango, itlog at mani. 5. Planoniya ring mamasyal sa Europe sa December, bukod pa sa balak niyang Asian tourngayong buwan. MALIBAN -except, exclude, leave out, save, unless Ex: 1. Lahat nayata ng klase ng gulay nasa kantang 'Bahay-Kubo', maliban sa repolyo. 2. Abogadona ang mga anak ni Mang Baldo, maliban kay Joy na nag-aaral pa sa kolehiyo. 3."Lahat ay welcome sa party ko, maliban sa unggoy na iyon," nakairapna sabi ng pagong. 4. Paboritoniya ang kahit anong luto ng palaka, maliban sa adobong kinilaw. 5. Hindi nasiya dumaraan ng coffee shop tuwing Sabado, maliban na lang kungkailangang-kailangan. Credits toWIT Writers' Guild LESSON NO. 11: KUNG 'DI VS KUNDI Kung Hindi /Kundi / Kun'di First andforemost, WALA hong kun'di. Sana malinaw 'yan sa ating lahat. ?KUNG HINDI(Kung 'di) - if not sa Ingles. Halimbawa: 1. Tatakbona sana ang magnanakaw KUNG 'DI ko lang nahawakan. 2. KUNGHINDI ka sasama, hindi na rin ako sasama. 3. Okay nasana KUNG HINDI lang siya mayabang. 4. Magandasanang maglakad KUNG 'DI lang mainit ang panahon. ?KUNDI -except sa Ingles Halimbawa: 1. Walasiyang nagawa KUNDI ang magmukmok na lamang. 2. Walangsino man ang puwedeng lumabas KUNDI iyong mga matatanda lamang. Credits toWIT Writers' Guild LESSON NO. 12: GUIDE SA PAGGAWA NG TEASER AT INTRO PART 1/2: Mayhalaga rin ang teaser sa tuwing gumagawa tayo ng mga novels. Kasi isa ito samga pagbabasihan ng mga readers kung babasahin ba nila ang kuwento o hindi.Kapag maganda ang teaser, maraming maaakit magbasa. Ito ang mga tips naibabahagi ko sa inyo sa paggawa ng teaser: TIP 1: Make yourteaser unique and unpredictable Minsan kasi,sa teaser pa lang nahuhulaan na agad ng mga readers ang patutunguhan ngkuwento. May mga teaser kasi na halos ilahad na nila ang buong importantdetails sa kuwento kaya minsan parang nawawalan na sila ng gana basahin oabangan yung kuwento. Kaya dapat gawin mong unique and unpredictable ang teaserng story mo. WRONGEXAMPLE: "HAUNTEDHOUSE" Ang hauntedhouse na iyon sa bayan ng Cabalos ay kinatatakutan ng lahat dahil sapaniniwalang ang bahay na ito ay kumakain daw ng tao para maging matibay saloob ng mahabang panahon. Bigla raw nagdidikit ang mga dingding at dinudurognito ang sinumang tumira sa bahay na iyon. Ano ang magiging kapalaran ni Elmersa bahay ng lagim? CORRECTEXAMPLE: "HAUNTEDHOUSE" Ang hauntedhouse na matatagputan sa bayan ng Cabalos ay kinatatakutan ng marami dahilnababalot daw ito ng samut-saring lihim at misteryo. Halos wala nang gustongtumira rito dahil sa takot na baka sila na ang susunod na lamunin ng sumpangpumapaloob sa bahay. Sa kabila ng mga kumalat na balita, napagdesisyunan pa rinni Elmer na tumira upang alamin ang mailap na sumpa ng bahay na iyon. Lingid sakanyang kaalaman ang kakaibang panganib na nag-aabang sa kanya. Ano angmagiging kapalaran ni Elmer sa bahay na tirahan ng lagim? TIP 2: Hindimo kailangang ilagay lahat sa teaser ang importanteng detalye sa iyong kuwento.Ilagay mo lang kung ano eksenang sa tingin mo ay magbibigay ng maramingkatanungan sa isip ng mga readers na magiging dahilan para abangan at basahinnila ang iyong kuwento. WRONGEXAMPLE: "MALIGNGO SASALAMIN" Kumakalat sabuong paligid ang isang salamin na tinitirhan ng maligno. Ang misyon ng salaminna ito ay hanapin at patayin ang mga taong nakagawa ng kasalanan. Ang tangingparaan para mawakasan ang lagim ng salamin ay dapat itong basagin ng isang taona wala pang bahid ng kasalanan. Sino ang makakapigil sa salamin? Sino angtaong wala pang kasalanan na puwedeng sumira sa salamin? Abangan! CORRECTEXAMPLE: "MALIGNO SASALAMIN" Salamin¿Salamin sa aking dingding! Huwag mong palabasin ang maligno sa iyong piling.Ngunit hindi mapipigilan ang maligno sa salamin na maghasik ng lagim. Sino'ngmakakapuksa? Sino'ng makakapigil? Sino ang taong busilak at walang bahid ngkasalanan? Abangan! Ayan! O edisa paraang iyan, naging unique ang teaser ng story mo. PART 2/2:Bukod sa teaser, mahalaga rin ang opening line o intro ng iyong kuwento. Kapagkasi maganda at kakaiba ang opening line ng iyong kuwento, tiyak na babasahinito kaagad ng mga readers at hindi sila hihinto sa pagbabasa hangga't hindinila ito matatapos. Pero kung ang opening line ng kuwento mo ay common o clichena, tiyak na maboboring ang mga readers umpisahan ang kuwento. Ito ang mga tipna maibabahagi ko sa inyo sa paggawa ng intro: TIP 1: Gawinmong interesting ang intro ng iyong kuwento. Huwag kang gagamit ng mga commonopening lines. WRONGEXAMPLE: Si Daryl aynaglalakad sa gitna ng madilim na daan. Pauwi na kasi siya galing sa trabaho.Pagtingin niya sa oras ay alas-dose na ng hatinggabi. Natatakot na siya.Biglang may narinig siyang kakaiba mula sa langit! Nakarinig siya ng malalakasna pagaspas ng mga pakpak at nakakatakot na ungol ng isang nilalang. Napatakbosiya nang mabilis. Hinabol siya ng nilalang. CORRECTEXAMPLE: Halosmabingi na si Daryl sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib habang nanginginig angmga paang naglalakad sa gitna ng madilim na daan. Hindi niya inakalang aabotsiya nang ganoong oras sa pag-uwi galing sa trabaho. Sa kalagitnaan ng kanyangpaglalakad ay nakarinig siya ng malalakas na pagaspas ng mga pakpak atnakapapanindig-balahibong ungol ng isang nilalang na nagmumula sa itaas. Nagingalerto siya. Tumakbo siya ng ubod ng bilis. Ibig sumabog ng utak niya dahilhabang tumatakbo siya ay dinig na dinig niya ang papalapit na pagaspas ng mgapakpak. Hinahabol siya! Ayan! Saparaang iyan, magaganahan na magbasa ang mga readers kapag sa intro pa lang ngstory ay may kakaiba nang pasabog. TIP 2:Iwasan gumamit ng mga common opening lines sa intro ng iyong kuwento kasikadalasan nakaka-boring na basahin iyon. EXAMPLE NGMGA BORING OPENING LINES: 1. Sa bayanng San Isidro ay matatagpuan ang mangkukulam na si Bruhilda. 2. Si Marioay isang mabait na tao at palaging tumutulong sa kapwa na walang hinihingingkapalit. 3. Mahimbingnang natutulog si Elisa nang makarinig siya ng kalabog sa labas ng pinto. ITO ANGTAMANG EXAMPLE NG MGA OPENING LINES: 1. Kilalaang pangalan ni Bruhilda sa buong bayan ng San Isidro dahil sa taglay niyangitim na kapangyarihan. 2. Abala siMario sa pagbibigay ng mga relief goods sa nasalanta ng bagyo. Ang mga pagkainna iyon ay galing sa sarili niyang bulsa na nagmula sa kanyang bukal na puso. 3. Isangmalakas na kalabog ang gumising kay Elisa mula sa mahimbing na pagkakatulog. There youhave it! LESSON NO. 13: ELEMENTS AND FEATURES OF NARRATIVES 1. Setting- is the time and place of theaction. 2. Characters- are the people, animals,or imaginary creatures who take part in the action of a story. 3. Plot- is the plan or narrativestructure. It is made up of a series of main events, namely: * Exposition- It establishes thesetting, introduces the characters, and may introduce the conflict. * Conflict or Rising Action- This refersto the events in a story that move the plot forward. It involvescompliationsand usually builds toward a climax. * Climax- Climax or turning point, isthe point of highest interest. It is the most important part of the story. * Resolution or Falling Action- It itthe part in which the problem may be solved or changed. 4. Theme- is the main idea of the story.It is an insight about life or human experience. Credits toSt. Bernadette Publishing House (EAPLCA 3) CONFLICT VS CLIMAX Ang isangkuwento ay marapat na taglayin ang dalawang iyan. Ang kuwentong walang conflictay hindi maituturing na isang "magandang kuwento". Ngunit anonga ba ang "conflict"? Ito ay isang mahalagang elemento-angtunggalian sa kuwento. Maaaring ang kalaban ng tauhan ay ang kalikasan (bagyo,paglindol etc.), kapwa-tao (antagonist) o ang kaniyang sarili mismo. Mahalagaang conflict upang magkaroon ng buhay ang isang kuwento. Dahil sa conflict,kakikitaan ng characterization ang tauhan. Ito ang huhubog sa kaniyang"pag-unlad sa kuwento". Maaaringilagay ang conflict sa alinmang bahagi ng kuwento dahil nga ito ay isangmahalagang elemento. At dahil nga may tunggalian, magkakaroon ng pananabik sakuwento-kung paanong kahaharapin ito ng character/s. Samantala,ang "climax" naman ay ang pinaka-kapana-panabik na bahagi ng isangkuwento-ang kasukdulan. Dito tayo kinakabahan, na-e-excite o kung anomang maramdamannatin. Dito kasi lilitaw ang pagharap ng tauhan sa conflict. Kumbaga sapelikula, ito na 'yung huling pagtutuos ng ating bidang si Ironman sa sobranglakas na kalaban. O hindi kaya'y nakikipagpanaan na si Katniss sa pinakamalakasna tribute. Gano'n. Haha. Sa kabuuhan,boring ang isang kuwento na hindi nagtataglay ng conflict o climax. - JherryRegidor Dominguez LESSON NO. 14: WHAT IS FORESHADOWING Halina'talamin natin ang kahulugan ng Foreshadowing at kung paano ito ginagamit sabawat kuwento. ForeshadowingSuspense. Kapag naririnig o nababasa mo ang ganitong salita, ano ba ang unangimahe ang pumapasok sa iyong isipan? Marami sa atin (lalo na noong nagkaroon ngsurvey sa aming writing workshop) ang naniniwala na ang suspense is atantamount of horror and action. Well, this is correct but at the same time,this is not always the case. Kahit anong genre pa 'yan, kailangan natin ngsuspense. Suspense makes a reader excited for the next scene. Nothing should gosmoothly for your main characters. Remember, no obstacle, no motivation=nostory. The end. At ano nga ba ang kakambal ng suspense? Eh, 'di ano pa, kung'di ang foreshadowing. Foreshadowing gives us clues na may mangyayari sa mgakarakter. Assuming we care about the characters (this is why we have to developour main characters before we give suspense), kakabahan tayo para sa kanila.*Symbolism Pasensiya na kung muli kong gagamiting halimbawa ang A Song of Iceand Fire book series. Bukod kasi sa maganda, talaga nga namang madami kangmakukuhang example sa librong ito. Anyway, sa unang libro, ang A Game ofThrones, Eddard and his sons found a carcass of a direwolf. What killed it wasan antler (horn of a deer) at ano nga bang House ang may sigil of a direwolf atanong House ang may sigil ng Deer? Starks and Baratheon, of course. This is aforeshadowing since we know after Eddard Stark accepted Robert Baratheon'soffer, his death knocked on his door. *There's a continuation. Picture yourselfna nasa eroplano ka. Kung nakasakay ka na sa eroplano, ang panaka-nakangpag-ugoy ng eroplano ay normal lamang, subalit hindi sa fiction. Sabi nganatin, lahat ng nangyayari, lahat ng salita'y makakaapekto sa istorya. Kayaikaw, bilang mambabasa, alam mong may mangyayari sa eroplano. You're holdingyour breath as you wait. And then things go down. Nagkaroon ng problema saeroplano. We call this as a 'pre-scene' Isa pang halimbawa ay sa Shingeki noKyojin o Attack on Titan. Episode 21 kung saan namatay ang Levi Squad. Bago paman sila mamatay, naalala ni Eren Jaeger ang payo sa kanya ni Levi. Ano nga baang sabi niya? "I don't know. I never have. I can believe in my own abilitiesor the choices my companions trust. But no one ever knows how it will turnout." That's a good example of a foreshadowing. We knew things would go downand yet we were still shocked when the Female Titan killed his Squad. Moreexample? Episode 14 of Kuroko no Basuke. The first time Kagami Taiga and AomineDaiki met. Aomine ridiculed Kagami. Sabi niya, "your light is too dim" "I feelsorry for Tetsu" blah blah. And Kagami was still injured by that time. Theviewers knew things would not go easily for the Seirin team as Aomine wasKuroko's former partner/light. *False suspense. False foreshadowing. ugh. Ijust really hate "false" I don't see the reason of using and abusing it.Anyway, don't you just hate it when a movie tricks you? Say, your characterhears a growl and scratches on the door, only to find out it was his/her dog.And then this false suspense and false shadowing happen again and again. Don'tdo this. Ever. Your readers will get tired and feel sick. At kapag dumating naang totoong suspense and foreshadowing, they won't care anymore. Hindi naganoong kabuo ang kanilang tiwala sa iyo. Remember this: A reader's trust isvery important. This is why it is okay to trick them, but not cheat on them."Whoa, wait, Miss Dandelion! Magbasa ka nga ng dictionary! Pareho lang namanang ibig sabihin ng 'trick' at 'cheat'' ah!" Yeah, I know, but I'm sorry. I'mjust weird. Pero mga ka-PAPEL. Let's look at this way: Gawin nating halimbawaang magic trick. We know that magic is not real, it does not exist. Themagician is only making tricks, and yet we are still delighted, we are stillentertained. Ganoon din dapat sa pagsusulat. Delight your readers, entertainthem. Isipin mo na lang, nag-magic trick ka nga, tapos false result o walangnangyaring nakaktuwa sa trick mo, ano na lang ang mararamdaman ng mga nanonoodsa iyo, 'di ba? *Reality vs. Fiction. Reality: May nakita kang sasakyan saharap ng pinagtatrabuhan mo. Wala lang. Tapos. Fiction: May nakita kangsasakyan sa harap ng pinagtatrabuhan mo. Natigilan ka. Alam mo sa sarili mo nanakita mo na ang sasakyang ito. Hindi ka maaaring magkamali dahil ito angsasakyang nakabangga sa aso mo. Ang punto? Lahat may dahilan sa fiction world.Hindi basta 'ah, may sasakyan, okay' kailangan may dahilan kung bakit mo iyanisinulat. In short, panindigan mo. Isa pang halimbawa: Nagpaalam si Dandelionna gagabihin siya. Hindi mapakali ang kanyang ina. Reality: Normal lang angganitong reaksiyon bilang isang ina. Fiction: May mangyayari, malamang. *Nowyou see it. Now you use it (later) "Maliit lamang ang kuwarto ni Juan, ngunittamang-tama lang sa kanya. Sa kaliwa, makikita ang maliit niya ring studytable. Sa ibabaw noon ay ang mga libro na halos puro tungkol sa pilosopiya,heograpiya, at kasaysayan. Sa bandang kanan ay ang cabinet na may tamang bilangng damit. Tumayo siya at naghanap ng maisusuot. Nasagi ng kanyang mga daliriang baril." Kung binasa mo nang maigi, mapapatanong ka sa sarili mo "bakit maybaril? Saan niya ito gagamitin?" Mamaya-maya lamang, makikita natin si Juan naginagamit ang baril. Halimbawa namang ni kahit kailan hindi natin sinabi na maybaril pala si Juan at pagkatapos biglang naglabas si Juan ng baril, magtatakangayon ang mga mambabasa kung saan nanggaling ang baril. Kahit hindi baril.Sabihin nating lason, lubid, etc. *Prophecies. Gamit na gamit na foreshadowing,subalit kung fantasy ang genre mo, why not. Enough said. *Gut instincts arerarely wrong. In reality, our instincts could be wrong, but in fiction, it israrely wrong. Kapag nakadama ng kaba ang karakter, siguradong kakabahan din angmambabasa and you both know somethings gonna happen. *Items. Habang ikinakasalsina Juana at Juan, biglang lumakas ang ihip ng hangin at namatay ang apoy ngmga kandila. Sa realidad, wala lang ito, subalit sa fiction, may ibig sabihinito. Isa pang halimbawa ay nabasag ang salamin. It does not mean a thing inreality, but in fiction, it means bad luck. *I'm sure he did something. biglangnawala ang kasamahan mo in the middle of the night. And then you asked himwhere had he been. He said nasa banyo lang siya but you knew he was lying whenyou saw his shoes. Bakit may mga putik? He did something. At ano? Hindi pwedengmaging suspek ang isang karakter kung walang manghihinala sa kanila. Sasusunod: Passive vs. Active Characters. -Miss Dandelion. Foreshadowing.Itis a sign or warning on what's about to happen. Here, you give the readershints. Let them guess. Subtle foreshadowing also give the readers hints whichthe readers will not probably notice. It's a seemingly irrelevant line or partthat is actually a clue that something big is about to happen. How to useit properly? I think it's all about the details. Don't expose it too much. Useit to tease the readers about the plot twists that will occur in the story.Hook the readers' attention so that they will keep on reading. - Van Ordenia Kung angflashback ay upang magbalik-tanaw sa nakaraan, ang foreshadowing naman ay isangmagandang technique upang magbigay ng preview sa mangyayari pa lang. Basta'ttandaan lang na sa foreshadowing, huwag mong ilalagay ang lahat. Magbigay kalang ng kaunting pahapyaw sa detail/s o action/s PERO huwag mong isasagad.Ibubuhos mo ang lahat kapag sa pangalawang beses mo nang gagamitin. At kungmapapansin mo, nadadagdan ng action o detail sa pangalawang beses. Mas tumataasang intensity at dumagdag sa kasiningan ng akda. - Jherry Regidor Dominguez May isaakong kuwento. Ang pamagat nito ay "Ang Pagkapanalo sa Lotto". Title palang, mapapaisip na tayo na ang bida ay mananalo sa lotto. Pero hindi. Umikotang istorya sa buhay ng bida-na sa sobrang dami ng pinagdaan bago makataya salotto ay nag-akalang siya ang mananalo rito. May nilimusansiyang pulubi; binigyan niya ng dos. Sa huli, iyong pulubi pa pala ang mananalosa lotto. Sa kuwentongito, ginamit ko bilang panimula ang technique na foreshadowing. //Nakatayosi Lotus sa bukana ng simbahan. Pinagmamasdan niya ang lalaking nakabayubay sakrus-ang maamo nitong mukha sa kabila ng kahabag-habag na kalagayan. Nangmagsimula siyang maglakad, at nang lumikha ng tunog ang bawat yabag,naglingunan sa kanya ang mga taong naroroon. Napakunot ang kanyang noo,nagtataka sa inaasal ng mga tao. Saksi siyasa pagbubulungan nina Aling Marya at ng kumare nitong si Aling Tina, athalatang siya naman talaga ang pinag-uusapan.// Iyan angpanimula ko tapos ang sumunod nang eksena ay ang buhay na ng bida. Ito namanang pangwakas: //Nakatayosi Lotus sa bukana ng simbahan. Pinagmamasdan niya ang lalaking nakabayubay sakrus-ang maamo nitong mukha sa kabila ng kahabag-habag na kalagayan. Nangmagsimula siyang maglakad, at nang lumikha ng tunog ang bawat yabag,naglingunan sa kanya ang mga taong naroroon. Napakunot ang kanyang noo,nagtataka sa inaasal ng mga tao. Saksi siyasa pagbubulungan nina Aling Marya at ng kumare nitong si Aling Tina, athalatang siya naman talaga ang pinag-uusapan. "Napakabaitna bata iyan. Hindi nakakalimot kahit milyonaryo na. Napakamapagkumbabatalaga." Narinig niyang may nagsalita nito sa bandang unahahan niya. Awtomatikongnapalingon si Lotus sa likuran. Naroroon ang isang kaibigan-nakangiti, maayosna ang suot. Nagtama ang kanilang paningin, at bumuka nang marahan ang mga labinito. Animo'y walang boses pero sapat na upang rumehistro sa utak ni Lotus angtatlong salitang binitiwan ng kausap. "Salamatsa dos."// Kungmapapansin mo, ginamit ko ang foreshadowing upang i-reveal ang twist sa huli.Ang twist kasi riyan ay hindi siya nanalo sa lotto kundi ang pulubi nanililimusan niya ng dos. Ang payo ko,IN AS MUCH AS POSSIBLE, gawin mong maiksi ang foreshadowed part tapos sakadudugtungan sa susunod ng mahaba na magdaragdag ng intensity sa kuwento. Justmake sure na may mare-reveal o may papataas na action para hindi mairita angreaders sa inulit na part. - Jherry Regidor Dominguez FORESHADOWING,nakikita natin ito sa unahan ng bawat kwento o chapter para magbigay idea samga reader kung ano ang susunod na mangyayari s ilalahad mong mga chapter. Perokailangan tandaan mo lang na huwag mong ilagay ang lahat ng detalye upangmagkaroon ng palaisipan ang mga reader sa mga susunod na eksena. - Sayo Krystel It's a hintor a clue of what's about to come. Don't reveal too much info about "thatevent." Foreshadowing shouldn't be too obvious. Sometimes, magandangmag-foreshadow ng isang crucial plot element to surprise the readers. - CrisIbarra LESSON NO. 15: TAMANG PAGGAMIT NG GITLING Ginagamitang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon: A. Sapag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat. Hal.araw-araw isa-isa apat-apat dala-dalawasari-sarili kabi-kabila masayang-masaya B. Kung angunlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sapatinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan Hal:mag-alis nag-isa nag-ulat pang-akomang-uto pag-alis may-aritag-init pag-asa C. Kapag maykatagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama. Hal: pamatayng insekto - pamatay-insekto kahoy sagubat - kahoy-gubat humgit atkumulang - humigit-kumulang lakad attakbo - lakad-takbo bahay naaliwan - bahay-aliwan dalagangtaga bukid - dalagang-bukid Subalit, kungsa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan nggitling ang pagitan nito. Hal.dalagangbukid (isda) buntunghininga D. Kapag mayunlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay okagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago saispeling Hal:maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino pa-Baguiotaga-Luzon taga-Antique mag-palmaka-Johnson mag-Sprite mag-Coronamag-Ford mag-Japan E. Sapag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling aynalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buongtanging ngalan Hal.mag-Johnson magjo-Johnson mag-Coronamagco-Corona mag-Fordmagfo-Ford mag-Japanmagja-Japan mag-Zonroxmagzo-Zonrox F. Kapag angpanlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang. Hal: ika-3n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina ika-3revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata G. Kapagisinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction. Hal:isang-kapat (1/4) lima'tdalawang-kalima (5-2/5) tatlong-kanim(3/6) H. Kapagpinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa. Hal. GloriaMacapagal-Arroyo ConchitaRamos-Cruz PerlitaOrosa-Banzon I. Kapaghinati ang isang salita sa dulo ng isang linya. Hal. Patuloy nanililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino. (Credits toFilipino 101) LESSON NO. 16: Emportante Ba Sa Mga Story ang Maraming LIKES? Ito angisang tanong na merong dalawang kasagutan. Emportante ba sa mga story ang maraminglikes? Sasagutin ko ito base sa sarili kong experience bilang writer. Dalawa langsagot ko d'yan, "Oo" at "Hindi". Una, Oo!Emportante sa mga story ang maraming likes kasi sa panahon ngayon hindipuwedeng puro QUALITY na lang ang paiiralin natin. Dapat maging balanse na angQUALITY at QUANTITY. Kasi sa modernong panahon ngayon, kadalasan, kung sino payung maraming followers at maraming reads sa Wattpad ay sila pa yungnakakapag-publish agad ng books. Kasi syempreang hanap ng mga publishing house ay yung mga writers na marami nang followerspara kumita sila. Kasi ang publishing ay business din kaya hindi natin silamasisisi. Magparami ka lang ng reads sa Wattpad, magparami ka lang ngfollowers, boom! Ang publisher na mismo ang lalapit sayo para i-publish angkuwento mo. Kaya payo kosa mga writers, hangga't maaari, maging balanse na kayo ngayon. Huwag purosulat lang. Kapag nagsulat ka, siguraduhin mo kung papatok ba ito sa masa. Itoang tandaan nyo, ang isang kuwento ay hindi maituturin na kuwento kung walangmagbabasa nito. Pangalawa,Hindi! Sa totoo lang, hindi sa lahat ng pagkakataon ay mahalaga ang likes sastory. Tandaan nyo ito: "There's always an exemption to the rule". Isipin nyona lang, sa tingin mo ba, babasahin ba ng mga readers ang kuwento mo kung hindimaganda? Lalo na sa mga baguhan lamang sa larangan ng pagsusulat. Mahirap dinnaman magparami ng followers lalo na kapag hindi ka pa nila kilala. Kaya dapat,unahin mo muna ang quality. Dahil iyon ang magsisilbing lucky charm mo paramakahatak ka ng maraming followers. Dahil sa oras na ma-discover ka ng mgareaders na magaling kang writer, unti-unti dadami rin ang mga followers mo atdadami rin ang likes ng story mo. Kaya sa umpisa, hindi emportante ang dami nglikes. Mas mahalaga pa rin ang quality. Yun ang mas unahin mo. At isa pangtandaan nyo, hindi rin naman siguro ipa-publish ng mga editors ang kuwento mokung hindi maganda, diba? Kasi meron akong mga kakilala sa Wattpad, napakaraming reads ng story nila. Yung iba roon nasa million na ang reads. Napakarami paniyang followers pero pagdating sa editors, bagsak siya! Bakit? Kasi hindinaman sa lahat ng pagkakataon ay may mapapala ka sa kasikatan, eh! Hindi salahat ng pagkakataon ay papatok sa masa ang mga story mo nang ganun-ganun nalang. Hindi sa lahat ng oras ay makakatulong ang dami ng reads o followers paramagkaroon ka ng published books. Ang pagpaparami ng followers ay pinaghihirapandin kaya dapat mas mangibabaw ang quality ng story nyo dahil kahit konti palang ang reads nyan, kung worth reading naman talaga yan, ipa-publish pa rinyan ng mga editors! Maniwala ka sakin! Basta'tmaganda at worth reading lang ang kuwento, may magla-like pa rin naman niyankahit papaano. Kaya huwag panghinaan ng loob dahil hindi sa lahat ngpagkakataon ay emportante ang dami ng likes sa story. Quality is the mostimportant part of a story. Ang QUALITY ang pinakamakapangyarihan sa lahat.Dahil hindi mabubuo ang QUANTITY kung walang QUALITY. Tandaan nyo yan! LESSON NO. 17: HOW TO BE A GOOD WRITER (PART 2) Mayroonakong kaunting advice para sa inyong mga aspiring writers. Ang sasabihin kongito ay natutunan ko base sa mga personal experience ko bilang writer. Alam namannatin na binuo ang UHS para sa mga mahihilig magbasa o magsulat ng horrorstories. Nagpopost din ako ng mga horror trivia and facts minsan para makakuhakayo ng idea sa mga sinusulat nyo. Nagbibigay din tayo ng mga awarding atpapremyo para sa lahat lalo na sa mga writers tulad ng writing contest paralalo pa silang magkaroon ng inspiration at motivation. Pero ang talagang misyonng UHS ay tulungan ang mga aspiring writers para lalo pang mahasa ang kanilangpagsusulat kung kaya't gumawa rin ako ng mga writing tips dito na puwede rinbasahin ng mga readers kung gusto nila matuto sa pagsusulat. Angmaipapayo ko lang, kung gusto ninyo talaga maging isang published authorsomeday, dapat isapuso ninyo ang pagsusulat. 'Wag kang magsulat para lang sa pansarilimong kaligayahan. Magsulat ka dahil ito ang talento mo at ito ang pangarap mo. Kasi kahitilang beses mo basahin ang workshop na ito, kung hindi rin naman ang pagigingwriter ang talagang gusto mo, mahihirapan ka rin kabisaduhin ang lahat ng ito.Balewala lang din ito. Parang sa pagkuha lang ng kurso. Gusto mo kumuha ng HRM dahil magaling kamagluto pero MEDICINE ang pinapakuha sayo ng mga parents mo. Isipin mo nangmabuti, sa tingin mo ba makakayanan mo pag-aralan ang medicine kung hindi rinito ang nasa puso mo? Kahit pag-aralan mo pa ito ng apat na taon o higit pa,kung hindi rin ang medisina ang talagang gusto mo, mahihirapan at mahihirapanka ring pag-aralan o kabisaduhin ito. Hindi rin tatatak sa isip mo ang mgapinag-aralan mo sa wrong course mo. Kaya parangganyan din dito sa UHS. Kung gusto mo talaga maging writer at kung ito angpangarap mo, dapat isapuso mo ang pagsusulat. Write with your heart. Magsulatka dahil writer ka. Magsulat ka dahil ito ang pangarap mo. Dahil kapag angpagsusulat talaga ang iyong hilig, sigurado ako hindi magiging mahirap sa inyona kabisaduhin ang writing tips na ibinabahagi ko sa inyo. Ang isa pangpayo ko, lalo na sa mga kontesero at konteserang writers, maging open kayo sacriticism. Oo masakit sa pakiramdam kapag nakatanggap tayo ng negativecriticism. Pakiramdam natin parang minamaliit tayo sa ating kakayahan diba?Kahit sabihin ng iba na huwag tayo magpapa-apekto sa sinasabi ng iba, eh mgatao lang din naman tayo at bilang tao hindi natin maiwasan sa sarili namasaktan o maapektuhan kasi hindi naman tayo manhid para hindi damdamin yungmga negative feedbacks na natanggap natin. Totoo angsinasabi ko. Dahil marami na ako natanggap dati na huwag ko na lang dawpapansinin yung mga negative feedback kasi para rin daw sa ikabubuti ko iyonsaka wag daw ako magrereklamo sa negative critique kasi writing contest dawyung sinalihan ko. Pero dahil tao lang din ako at hindi perpekto, hindi ko parin maiwasan ma-offend sa mga negative feedback. Ganun talaga. Syempre tao langtayo, eh! 'Di mo maiiwasan yan, maniwala ka sakin. Pero sanahuwag mo gawing big deal iyon. Sa una lang masakit yan, pero sa huli, dyan kalalo mag-iimprove. Dyan mo malalaman ang mga pagkakamali o pagkukulang mobilang writer. Kung alam mo lang, may maitutulong din sa iyo yung negativecritique na iyon. Ayan lamangpo. Dito na nagtatapos ang part 3 ng UHS Writing Workshop Program. Hindi akomakapaniwalang umabot na tayo ng part 3. Madami na rin akong naibahaginglessons sa inyo kaya sana nakatulong iyon sa inyong pagsusulat. Kayagoodluck sa mga dakilang manunulat ng UHS! Never stophaunting; mystery goes everywhere! :D Pagkataposnyo basahin ito, please hit "like" and leave a "comment". ^_^ Yungmahabang comment, ah? Para naman ma-touch ako haha joke. xD THE END OF UHS WRITING WORKSHOP PART 3