Wastong Gamit ng mga Salita Posted byBokalson Labels: Wastong Gamit Wastong Gamit ng mga Salita 1.BITIWANatBITAWAN -Ang wastong gamit aybitiwanat hindibitawan. Ang salitang-ugat aybitiwat hindibitaw. Ang salitang "bitaw" ay ginagamit sa pagsasabong ng manok samantalang ang "bitiw" ay sa pagkawala o pag-alis sa pagkakahawak. Halimbawa: Bitiwan mo ang mga braso ko kung hindi ay sisigaw ako. Nabitiwan ni Aling Nena ang mga pinamalengke dahil sa takot. Binitawan ni Mang Kanor anga kabayong nagwawala. "Bitiwan mo muna yang mga hawak mong holen at tulungan mo ako sa pag-iigib", ang sigaw ni Boyet sa kapatid. Bitiwan mo na ang pag-asang babalikan ka pa ng iyong kasintahan. Tandaan: Ang "bitawan" ay nauukol sa pook na pinagdarausan ng paglalaban ng mga manok na walang tari. Ito ay maaring sa kalsada o bakuran. Ang "bitaw" ay idinaraos upang bigyan ng pagsasanay ang mga manok. 2.KAPAGatKUNG- Ipinakikilala ngkungang di-katiyakan ng isang kalagayan; - Ipinakikilala ngkapagang isang kalagayang tiyak. Halimbawa: Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado. Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa probinsiya. Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka. Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse. 3.KIBOatIMIK- Pagkilos ang tinutukoy ngkibo - Pangungusap ang tinutukoy ngimik. Halimbawa: Wala siyang kakibu-kibo kung matulog. Hindi siya nakaimik nang tanungin ko. Tandaan: Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo. Halimbawa: Kumikibo nang bahagya ang apoy ng kandila. Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak na iniayos ko sa plorera. 4.DAHILatDAHILAN- Pangatnig angdahil - Pangngalan angdahilan - Pang-ukol naman angdahil saodahil kay. Halimbawa: Hindi siya nakapasok kahapon dahil sumakit ang ulo niya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit. Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sakit ng ulo. Tandaan: Ginagamit kung minsan ang dahil bilang pangngalan sa panunula. Iwasan ito sa karaniwang pangungusap o pagsulat. Iwasan din ang paggamit ng dahil sa bilang pangatnig. Mali: Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sumakit ang ulo. 5.HABANGatSAMANTALANG Habang- ang isang kalagayang walang tiyak na hangganan,o "mahaba". Samantalang- ang isang kalagayang may taning, o "pansamantala". Halimbawa: Kailangang matutong umasa habang nabubuhay. Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang samantalang wala pa akong trabaho. Gulung-gulo ang isip niya habang hindi pa siya sinsagot ng kanyang kasintahan. Gulung-gulo ang isip niya samantalang hindi pa dumarating ang sulat ng kanyang kasintahan. Tandaan: May iba pang gamit ang samantala. Ipinakikilala nito ang pagtatambis sa dalawang kalagayan. Halimbawa: Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw ang tinatawag kanina pa? 6.IBAYADatIPAGBAYAD Ibayad- pagbibigay ng bagay bilang kabayaran Ipagbayad- pagbabayad para sa ibang tao Halimbawa: Tatlong dosenang itlog na lamang ang ibabayad ko sa iyo sa halip na pera. Ipagbabayad muna kita sa sine. Maliat katawa-tawa: Ibayad mo ako sa sine Ibinayad ko siya sa bus. 7.MAYatMAYROON- Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng salitang sumusunod. Gamitin angmaykapag susundan ng pangngalan ( mapaisahan o maramihan ), pandiwa, pang-uri o pang-abay. Halimbawa: May anay sa dingding na ito. May kumakatok sa pinto. May dalawang araw na siyang hindi umuuwi. Tandaan: Gamitin angmayroonkapag susundan ng kataga, panghalip na panao o pamatlig o pang-abay na panlunan. Halimbawa: Mayroon kaming binabalak sa sayawan. Mayroon iyang malaking suliranin. Mayroon kayang mangga sa palengke ngayon? Tandaan: Maaring gamitin angmayroonnang nag-iiisa. Halimbawa: "May asawa ba siya?' "Mayroon." Tandaan: Nagagamit din angmayroonbilang pangngalan. Halimbawa: Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang mayroon at kung sino ang wala. 8.PAHIRANatPAHIRIN Pahiran- paglalagay Pahirin- pag-aalis Halimbawa: Pahirinmo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid. Aking papahirinang luha sa iyong mga mata, giliw. Huwag mo nangpahirinang natirang langis sa makina. Huwag mong kalimutangpahirinang iyong muta sa umaga. Halimbawa: Pahiranmo ng mantikilya ang aking tinapay. Aking papahiranng pampakintab ang aking mesa. Tayo nangpahiranng floor wax ang sahig. Pinahiranniya ng dumi ang aking kuwaderno. Tandaan: Pahirinang ginagamit kung ang nais gawin ayalisinotanggalinang isang bagay mula sa isang bagay. Pahiranang ginagamit kung ang ibig ipagkahulugan aylagyanng isang bagay ang isang bagay. 9.PINTOatPINTUAN Pinto- ang inilalapat sa puwang upang hindi ito mapagdaanan atkung angtinutukoy ay ang kongkretong bagay. Halimbawa: Nangyari ang suntukan sa maypintuan. Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ngpintuan. Sa malapit sapintuanmo ilagay ang paso ng rosas. Huwag ninyong gawing tambayan angpintuanko. Si Maria ay hahara-hara sapintuankaya nabangga ni Simon. Pintuan-ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o pasukan o ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung meron man. Halimbawa: Pininturahan ni Ama ang bagong gawangpinto. Gawa sa narra ang kanilangpinto. Tayo nang pumasok sa bakal napinto. Masyadong mataas angpintong kahoy para ating akyatan. Huwag mong sipain angpinto. Tandaan: Gayon din ang pagkakaiba nghagdansahagdanan Hagdan- ang inaakyatan at binababaan Hagdanan- ang kinalalagyan ng hagdan 10.SUBUKANatSUBUKIN Subukan- pagtingin nang palihim Subukin- pagtikim at pagkilatis Halimbawa: Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa bahay. Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito. Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmakinlya. Tandaan: Iisa ang anyo ng mga pandiwang ito sa pangkasalukuyan at pangnakaraan : sinusubok, sinubok. Magkaiba ang anyo sa panghinaharap: susubukan, susubukin 11.TAGA-atTIGA-Walang unlapingtiga-.Taga-ang dapat gamtin. Gumagamit lamang ng gitling kapag sinusundan ito ng pangngalang pantangi. Halimbawa: Taga-Negros ang napangasawa ni Norma. Ako ang palaging tagahugas ng pinggan sa gabi. Tandaan: Naiiba ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga pambilang: tig-isa, tigalawa tigatlo tig-apat, atbp. 12.AGAWINatAGAWAN Agawinangisang bagay sa isang tao/hayop. Agawanngisang bagay ang isang tao/hayop. Halimbawa: Ibig agawin ng bata ang laruan ni Jess. Ibig agawan ng laruan ni Boy si Jess. 13.HINAGISatINIHAGIS Hinagisngisang bagay Hnihagisangisang bagay Halimbawa: Hinagis niya ng bato ang ibon. Inihagis niya ang bola sa kalaro. 14.ABUTANatABUTIN Abutinangang isang bagay Abutanngisang bagay Halimbawa: Abutin mo ang bayabas sa puno. Abutan mo ng pera ang Nanay. 15.BILHINatBILHAN Bilhinangisang bagay Bilhanngisang bagay Halimbawa: Bilhin natin ang sapatos na iyon para sa iyo. Bilhan natin ng sapatos ang ate. 16.WALISANatWALISIN Walisinangisang bagay na maaring tangayin ng walisHalimbawa: 1.Walisinmo ang mgatuyong dahonsa bakuran. 2. Aking wawalisinang mgaalikaboksa aking kuwarto. 3. Tayo nangwalisinang mgadumisa sahig.4. Nais kongwalisinang nagkalat na papel sa aklatan. Walisanangpook o lugarHalimbawa: 1. Napakarumi ng iyongsilid. Pwede bangwalisanmo naman 'yan? 2. Aking wawalisanangsilid-aklatandahil may bibisita bukas. 3.Walisanmo ang atingbakuran. Tambak ito ng mga tuyong dahon.4. Nais kongwalisanang aklatan. Tandaan: Gamitin ang salitangwalisinkung ang ibig tukuyin ay ang pag-aalis ng partikular na dumi o kalat. Gamitin ang salitangwalisankung ang tinutukoy ay isang partikular na lugar na marumi. 17.SUKLAYINatSUKLAYAN Suklayin-angbuhok ng sarili o ng iba Suklayan-ngbuhok ang ibang tao Halimbawa: Suklayin mo ang buhok ko,Luz. Suklayan mo ako ng buhok, Alana. 18. NAMATAYatNAPATAY Napatay-may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng kusa/sinasadya Namatay-kung ang isang tao ay binawian ng buhay sanhi ng sakit, katandaan o anumang dahilang hindi sinasadya; -ginagamit din sa patalinghagang paraan doon sa mga bagay na walan buhay. Halimbawa: Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay. Napatay ang aking alagang aso. 19.MAGSAKAYatSUMAKAY Magsakay- magkarga ( to load) Sumakay- to ride Halimbawa: Nagsakay ng sampung kahon ng lansones sa bus si Jo. Sumakay na tayo sa daraang bus. 20.OPERAHANatOPERAHIN Operahin- tiyak na bahagi ng katawan na titistisin Operahan- tumutukoy sa tao Halimbawa: Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya. Si Luis ay ooperahan sa Martes. 21.NANGatNG Nang- pangatnig na panghugnayan - tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan at pamanahon - tagapag-ugnay ng salitang-ugat na inuulit at pandiwang inuulit Ng- pantukoy ng pangngalang pambalana - tagapagpakilala ng layon ng pandiwa at tagaganap ng pandiwa - pang-ukol na kasingkahulugan ng "sa" A.NANG Makikita sa unahan ng pangungusap Halimbawa: 1.Nangdumating ang guro, tumahimik ang mga mag-aaral. 2.Nangmaluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda. Gamit sa pang-abay na pamaraan(adverb of manner). Halimbawa: 1. Lumakad siyanangdahan-dahan. 2. Ang tumatakbonangmatulin kung matinik ay malalim. Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa. 1. Sayawnangsayaw ang mga bata sa ulanan. 2. Kanina pa siya ikotnangikot. B.NG Nagsasaad ng pagmamay-ari. Halimbawa: 1. Napakagara ang bahayngmga Dela Cruz. 2. Ang paladngmayayaman ay tila napakanipis. Tandaan: Kung ang sumusunod na salita ay isang pandiwa (verb) at pang-uri (adjective), gamitin ang NANG. NANG din ang gamit sa unahan ng pangungusap. 22.KATAatKITA Kata- ikaw at ako Kita- ikaw Halimbawa: Manood kata ng sine. Iniibig kita. 23.KILAatKINA- Walang salitangkila. AngKinaay maramihan ng kay. Halimbawa: Pakidala ang mga laruang ito kina Benny at Maris. Makikipag-usap ako kina Vic at Nona. 24. AngRaw, Rito, Rin, RoonatRineay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sapatinig(vowel - a, e i, o, u) o malapatinig (semi-vowel - w, y). Halimbawa: Pumunta karito. Taga-Dabaw(Dabao)rinsi Imelda. Nag-aawayrawang mga bata. Maliligorineang mga dalaga. Patungoroonang mga kandidato. AngDaw, Dito, Din,Doonat dine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sakatinig(consonant). Halimbawa: Sa ilogdawmaliligo ang mga binata. Pupunta rinditoang mga artista. 3. Yayamandintayo balang araw. DitoatDoonang ginagamit sa simula ng isang pangungusap. Halimbawa: Ditoba tayo maghihintay? Doonna tayo mananghalian sa bahay. 25.KUNGatKONG- Ginagamit angkungbilang pangatnig na panubali. Katumbas ito ng if sa Ingles; angkongay panghalip na panao sa kaukulang paari Halimbawa: Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw. Nabasa ang binili kong aklat. 26.KUNG DIatKUNDI- Angkung diay galing sa salitang "kung hindi" o if not sa Ingles; angkundinaman ay except. Halimbawa: Aalis nasanakami kung di ka dumating. Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang. 27.HAGDANatHAGDANAN- Anghagdan( stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. Samantalam anghagdanan(stairways) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan. Halimbawa: Nagmamadaling inakyat ni Marving ang mga hagdan. Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana. 28.IKITatIKOT- Ginagamit angikitpara maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob. Angikotnaman ay mula sa loob patungo sa labas. Halimbawa: Nakatatlong ikit muna sila bago nila natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba. Nahirapan pala silang makalabas ng tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob nito bago nila nakita ang daan palabas. 29.HATIINatHATIAN-Hatiin( to divide) o partihin;Hatian( to share) o ibahagi. Halimbawa: Hatiin mo sa amin ang pakwan. Hinatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata. 30.NABASAGatBINASAG- Ang salitangnabasagay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto; ang salitangbinasagnaman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa. Halimbawa: Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse. Nagmamadali kasi siyang maghusga kaya nabasag niya ang mga plato. 31.BUMILIatMAGBILI-Bumili- to buy;Magbili- to sell o magbenta Halimbawa: Pumunta ang nanay saBaguiopara bumili ng mga sariwang gulay. Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan. 32.KUMUHAatMANGUHA-Kumuha- to get;Manguha- to gather, to collect Halimbawa: Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean. Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.