Ang wastong paggamit ng "ng" at "nang" ay ang isa sa mga hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ng marami sa atin, sa ating pagsusulat. Mababatid na naiiba ang kahulugan ng pangungusap kung nabaliktad ang ating paggamit sa ngatnang, kaya mahalagang malaman ang wastong paggamit ng mga ito. Salessonna ito, ang ituturo ng may-akda ay angshortcutpara malaman kung ano ang dapat gamitin sangonangsa isang pangungusap. Ang mga sumusunod ay ang mga pagkakataon kung kailan kailangang gamitin angnangang sa isang pangungusap: Kung ang sumusunod na salita ay pandiwa (verb). Talon nang talon ang mga bata. Lipad nang lipad ang mga kalapati. Kung ang sumusunod na salita ay pang-uri (adjective). Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim. Sumukonangmahinahon ang mga pugante. Kung gagamitin saunahanng pangungusap. Nang lumalim ang gabi ay nagsimulang mag-uwian ang mga bisita. Nangumapaw ang tubig sa ilog ay nagsimulang lumikas ang mga residente. Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na pagkakataon ayautomaticnangang dapat gamitin. Mga Halimbawa: Ang lupaing ito ay pag-aaringmga Reyes. Si Marko ang sigangMaynila. Inubosngbata ang kanyang pera sa pagkain. Si Lupe ay inakusahang nagnakaw ng paninda.